2/21/11

nung nasa aquino ako kanina, natuwa ako sa mga kapitbahay ko dun dahil super bati at super kamusta sila sakin :D yay kilala pa din pala nila ko kahit hindi ko na maalala yung mga pangalan nila hahahaha tapos yung mga binata na nakita kong nakatambay dun kanina, naalala ko dati kalaro ko sila nung bata ako :D pero ngayon mga binata na sila hahaha karamihan ng kalaro ko puro lalake kasi nga sobrang boyish ako dati. tsaka batang kalye ako dati e! hahaha mahilig ako maglaro ng mga larong kalye :D mahilig din ako makipagaway kapag nagkakadugasan sa laro hahaha

TEKS or TEXT- maliliit na cards na ititira mo sa ere tapos kung kaninong pato ang naiiba, siya yung panalo. pero kapag pare-parehong naka-chub o cha yung mga cards, tabla yon. kapag dalawa lang kayong naglalaro, tig-isa kayo ng pato tapos may isang card na panggulo (o kaya tig-dalawa kayong pato tapos walang panggulom, bale apat na cards yung ititira) kapag talto naman kayo, pare-pareho kayong may pato (tatlong cards lang)POG - pareho lang ng mechanics sa text/teks to e, pero mga bilog bilog to.YU-GI-OH - kadalasan mga pamangkin kong lalake ang kalaro ko ng yu-gi-oh hahaha yung iba kasi hanggang text lang ang afford nila ;p pwede tong trading card game o kaya katulad lang ng paglalaro ng text. pinasosyal na version lang kasi yu-gi-oh cards ang labanan.

BANG SAK - kakaibang version to ng taguan. bibilang ng sampu yung taya tapos magtatago lahat ng kalaro niya. kung sino ang unang mahuli niya, yun ang nanganganib na maging susunod na taya. pero pwede pa siya maisave kapag may isang kalaro na hindi pa nakikita pero nakapunta na sa base. medyo magulo ang explanation ko pero masaya laruin to! hahaha lalo na kapag gabi!

PATINTERO - siguro naman alam niyo na to. hindi ko masyadong gusto tong laro na to. masikip kasi yung aquino street kaya madali mataya hahahaha pero masaya to :D

JOLEN or HOLEN - marbles in english~ eto din masaya laruin! :D kaso madumi laruin to e. kasi mas maganda maglaro nito sa lupa (lupa as in soil) so kapag naglaro ka sa lupa, madumi maglaro hahahahaha

MORO MORO - hindi ko na maalala yung gameplay nito (talagang gameplay?! hahaha) pero alam ko may ganitong laro :D

LUKSONG BAKA - meron isang nakabend, tapos tatalunan siya ng mga kalaro niya. kapag hindi niya natalon ng maayos, o kaya may sumabit na part ng damit, siya naman yung taya. medyo pisikalan tong laro na to kaya nakakatakot laruin haha kasi minsan kapag nagkamali ka ng talon, yare! hahahahaha dati magkakaheight lang kami kaya nakakasama ako sa paglalaro nito hahaha hindi ko nga alam kung bakit napagiwanan ako e! hahaha

meron pa kong paboritong laruin na hindi ko alam ang tawag. basta ganito ang mechanics, magdradrawing ka ng square sa lupa tapos ilalagay mo sa loob yung mga taya mo na marvel superheroes. tapos titirahin mo yung mga taya gamit yung pato mo (madalas kong pato si hulk kasi malaki yon, tapos lalagyan ko ng mga thumbtacks para madulas hahaha) kapag lumabas yung taya sa square, sayo na yun :D ang saya diba? hahahahahahahaha medyo magulo lang talaga ako magexplain pero masaya laruin yan! hahaha

karamihan ng laro ko dati puro panglalake e. kasi nasanay ako sa mga lalakeng kalaro ko. pero naglalaro din naman ako ng mga pambabaeng laro like paperdolls at piko. pero majority pa din ng mga laro ko e panglalake hahaha kasi naalala ko, naglalaro din ako ng crash gear dati haha tsaka beyblade! may arena nga ako e kaya madalas sa garahe kami naglalaro :D at nung earlier years, may tamiya din ako hahahaha

nung grade 2 ako, dun ako naexpose sa radiation haha naadik ako sa paglalaro ng computer games like medal of honor (panglalake pa din! hahahahahahaha) at the sims. tapos dial-up connection kami nun sa bahay kaya hanggang browser games lang ako like neopets at cartoonnetwork.com haha :D nung grade 2 din ako nagkaron ng kauna-unahang email address na hanggang ngayon ay naoopen ko pa din hahahaha add niyo sa ym - khulaza30 hahahaha

pero kahit marunong na ko magcomputer as early as grade 2, nakakapaglaro pa din naman ako sa labas ng bahay nun. not until nung grade 5 ako. nung 2004 kasi nagkaron kami ng computer shop sa sampaloc. lalo akong naadik sa computer games, but this time puro online na ang laro ko. gunbound ph ang pinakaunang nilaro ko :D tapos nagragna din ako pero sandali lang hahaha tapos mu (malakas yung muse elf ko kahit wala akong niload dito!), fairyland (sobrang cute neto kaso wala na sa philippines) , rose (gusto ko to kaso hindi free to play), khan (favorite rpg ko), basta madami pa. kaya hindi na kataka-taka kung bakit may grado ang mata ko ngayon hahahahahaha

---

nagenjoy ako sa post na to sobra :D hindi ba obvious na ang hilig ko maglaro? hahahahahaha umiikot ang mundo ko sa paglalaro e. it's the reason why i don't want to get old. gusto ko maglaro ng maglaro. i want to be a toddler forever ;p pero nakakalungkot man isipin e 17 na ko ngayon at malapit na mag18 hays.

peter pan, i need you.