2/20/11

nakifiesta ako sa aquino kanina, tapos umakyat ako sa dating bahay ng lola ko! :D since 1993, hanggang december 31, 2007, dun ako nakatira kasama si nanay (lola ko) at yung iba kong pinsan. namatay si nanay nung december 17, 2007 kaya nagrerent na lang kami dito sa malabon. pero malapit pa din naman to sa aquino. kaso kahit pumupunta ako minsan sa aquino, hindi ako nakakaakyat sa bahay ni nanay D: may mga aso kasi sila kuya joel don kaya hindi ako basta basta nakakapunta hahahah tsaka nahihiya ako kapag ako lang magisa.

sobrang namimiss ko yung bahay ni nanay kasi 14 years ako tumira don. at syempre namimiss ko din si nanay kasi sa kanya ako lumaki. kaya nga nung nakapunta ako kanina, pinicturan ko na ng pinicturan :D mahigit 3 years akong hindi nakapunta don kaya natuwa ako nung nakita ko ulit :D ibang-iba na pero yun na yun pa din (ang labo! hahaha) basta nakakamiss talaga. parang kailan lang :3hahahaha namiss ko tong terrace! masaya tumambay dito kasi kita mo yung buong aquino haha kaya kapag may mga nagsusuntukan o kaya naghahabulan ng saksak dati, para kaming nanonood ng shooting ng action movie dito sa terrace hahahaha
pictures ♥ namiss ko makakita ng picture frames sa living room.
nakainom nga pala ako ng konti kanina hahahaha may beer tower kasi don. pero tequila ang ininom ko hahaha ayoko ng beer eww.
nung nakita ko ulit yung sala, parang lumiit O___O pero ganun pa din naman yung dati. ewan ko. siguro matagal lang talaga ako hindi nakapunta kaya naninibago ako hahaha pero buhay na buhay pa din yung chairs ni nanay :D meron akong baby picture yan din yung chairs haha
2nd floor agad yung bahay ni nanay e. yung mga kwarto sa baba pinaparentahan. namiss ko tong hagdan sobra! hahahahaha
medyo binago nila yung kitchen pero yun pa din naman. sayang hindi ko nakuhanan yung ibang anggulo ng bahay e.
eto yung view pag nasa terrace ka. yung batch 2003 ng pnpa nakadikit pa din dun hahahaha pnpa graduate kasi si kuya bobby~ nakakatuwa lang dahil hindi pa din tinatanggal ni kuya joel :D
hahaha incomplete sila. marami pa silang magkakabarkada. yung iba sa kanila pinsan ko, in-laws, pinsan ng pinsan ko, kaibigan lang, kapitbahay, kasama tumambay :D naalala ko dati, lahat sila kala mo may mga toyo, pero ngayon karamihan may asawa na :Dhahahaha eto isang view sa aquino street. madaming nakatambay sa labas swear!
ako at si kyle :D pamangkin ko to kay ate amor at kuya paul~ sa totoo lang, natutuwa ako kay kuya paul kahit dati pa~ i mean, parang malapit yung loob ko sa kanya :D basta mabait siya sakin :D kaya nga winelcome niya agad ako nung nakita niya ko kanina sa terrace e :D
si jayson yung nakabike, si dredd yung may buhat na baby (zeth), yung isang nakaupo familiar siya pero hindi ko siya kilala hahahahaha
si kurt yay :D anak ni kuya bobby~ kaso hindi na niya ako matandaan D:
bunsong kapatid ni dredd at mandy :D si zeth. isa siya sa mga kinikilala kong inaanak hahaha yung iba kasi hindi ko na kilala.

anyway, nakakatuwa din kanina yung iba pang mga tao na nakita ko sa aquino :D hahahaha ang daming nagsabi na dalagang-dalaga na daw ako ngayon (shet suntukan na lang!) haha nung huli kasi nila ako nakita, uhugin pa ko non! joke! hahahahahaha pero seryoso talaga dati boyish na boyish na boyish na boyish ako nung bata ako ;p yung tipong natatawag akong tomboy! (damn bastusan?!) tapos ngayon paliquid eyeliner-liquid eyeliner na lang daw ako hahahaha may pusong babae na kasi ako ngayon dahil nakakahiya naman kay jep kung mas lalake pa ako umasta sa kanya (tangina! ahahaha)

tapos nung pauwi na ko, naglalakad ako palabas ng aquino, may narinig akong nagsalita ng "hi jaz!" ngumiti na lang ako kahit hindi ko naman talaga alam kung anong koneksyon niya sa buhay ko hahahahahahahahahahahahahaha

hay basta masaya ako ngayon :D para akong balikbayan na galing sa kung saan! hahaha

more pictures here.