2/25/11

medyo nalulungkot ako ngayon dahil masyado siyang busy sa mga bagay na hindi ko nalalaman. nakakapanibago lang dahil hindi na kami masyadong nakakapagusap. nagaabot naman kami magonline dahil hinihintay ko siya makauwi, pero kapag magkausap na kami minsan, bigla na lang siya nawawala O____O

minsan nga parang ayoko na maniwala sa reasons niya. pero dahil yun ang sabi niya, maniniwala na lang ako. pero sa tingin ko parang umiiwas siya or what. tapos after ilang days kapag namiss na niya ko (let's just assume hahaha) makikipagusap na ulit siya sakin na parang walang nangyari. hays. i hate that.

minsan nga kung makipagusap siya parang wala lang hahahaha ewan ko ha.. pero parang hindi na kami nagkakaintindihan. parang hindi na ko pwede magbiro kasi kadalasan namimisunderstood niya tapos magiging dahilan ng argument. parang nagiba na. tsaka napansin ko sa kanya, kailangan ikaw ang magadjust sa mood niya D:

kapag seryoso siya, dapat seryoso ka din.
kapag nagbibiro siya, makipagbiruan ka din.
kapag masaya siya, dapat good mood ka din.
at kapag nabadtrip siya, galit talaga siya sa mundo! as in!

kaya nga minsan nga kapag galit siya, gusto ko lumayo sa kanya dahil parang ako yung nakikita niyang pagbubuhusan ng galit e.

anyway, hindi naman talaga yun yung kinaiinisan ko ngayon hahahahah lumalayo ako sa topic ano ba yan! hmm naaasar lang talaga ako dahil parang nagkakaron kami ng tinatawag nating "communication gap" (taray may ganon?) hahaha parang kulang na kulang na kami ngayon sa paguusap D: nakikipagkita nga siya sakin bukas pero parang ayoko naman makipagkita sa kanya ng ganito nararamdaman ko ngayon. dahil kapag magkasama na kami, automatic masaya yon. tapos makakalimutan ko yung dinaramdam ko sa panandaliang panahon. tapos kapag nakauwi na ko, maaalala ko nanaman to tapos malulungkot nanaman ako. hays lecheng pagibig yan! hahahaha

right now, i feel like he only talks to me when he wants to. and that's pretty sad. so to be fair, i will also talk to him only when i want to :D

bahala na yung ninja turtles! hahahahahahah