2/24/11

kanina naisipan ko maghanap ng mga lumang pinoy tv ads! :D iilan lang to sa mga nakita ko~
walang 90's baby ang makakalimot sa coca-cola beat na to! hahahaha i think gradeschool ako nung pinapalabas to kaya dati nilalaro namin to ng mga kaklase ko. yeah, kabisado ko to dati! hahahahahahaha
hindi ko na maalala kung ilan taon ako nito, pero tandang tanda ko pa! hahaha wala namang special sa ad na to dati para sakin. pero nung napanood ko siya ulit, ngayon ko lang siya nagets :D medyo nakakarelate ako! gusto ko magtake ng kursong fine arts pero pinilit ako sa medical field hahaha
aww gusto ko to!! nung cinocommercial to dati hindi ko pa masyadong naiintindihan e. natatawa lang ako dati dahil sa makakalimutin yung lolo ni karen. pero ngayong napanood ko ulit to, natouch ako ng bonggang-bongga! may kakaibang message pala to :3 namimiss ko si tatay at nanay :3

basta marami pa kong nakitang classic ads e! nakakamiss yung kapanahunan ko nung napanood ko ulit sila hahahah see for yourself na lang hahaha tinatamad akong magflood ng videos sa page ko e.