2/14/11

10 pm, magoout na sana ako sa facebook dahil balak ko maaga ako matutulog. nagsend ako ng goodnight message kay jep, sabi ko hindi ko na siya maaabutang online. pero hindi pa agad ako nagout nun, bale nakaoffline lang ako sa chat. dahil kamessage ko pa si geib at booh tungkol sa plano naming pagkikita bukas.

tapos hindi din ako nakatiis at nagonline ako sa chat, nakita ko nakaonline si jep. pniem ko siya pero bigla siyang nawala. inisip ko nagoffline talaga siya.

11 pm ngayon lang kami natapos magusap-usap ni geib at booh, nakita ko si jep may recent activities sa facebook MINUTES AGO.

so ano ibig sabihin non? tinataguan ako? umiiwas sakin? tangina. ayokong isipin na ganun pero parang ganun talaga e! sige, ako na pessimistic, pero naiisip ko ngayon baka ayaw na niya sakin. ganun kabilis? why not? who knows? oh come on.

kung may problema siya sakin, sabihin na niya sana agad! ayoko nung nagtataguan pa dahil wala naman akong lahing manghuhula. tangina talaga. buti na lang meron akong mga kaibigan na katulad ng F4. hindi ko na kailangang magopen ng problema para gumaan ang pakiramdam ko. basta nakakausap ko sila solve na! :D

hindi ko ngayon alam kung ano gagawin ko kay jep. ayoko muna isipin, ayoko mastress. basta ako gagawin ko yung mga dapat kong gawin bilang girlfriend. i'll act like everything's okay. even if it's not. mahirap kasi talaga maabutan ang taong tumatakbo papalayo sayo. kung umiiwas siya, edi papalayain ko siya. ganun kasimple.