1/3/11

nakakahiya mang sabihin... pero... hmm... uhh... ngayon ko lang kasi nalaman na... OPM pala yung Parting Time O______O

let me explain, okay? hahahahaha

may pinapanood kasi akong video sa youtube, compilation ng Filipino 90's music. tapos nakahalo dun yung Parting Time. medyo nagtaka ako kasi ang alam ko, foreign song yung Parting Time. e sakto naman may nakasulat na Paul Sapiera nung nagplaplay yung Parting Time. so nagsearch-search ako tungkol sa kanya. at nalaman kong Pinoy nga si Paul Sapiera at lead singer siya ng bandang Rockstar.

alam kong Rockstar talaga yung kumanta nun. pero hindi ako masyadong familiar sa band na yun kaya totally wala akong idea na OPM band yun. at tsaka yung boses kasi ni Paul Sapiera sa kantang Parting Time, mala-international yung dating kaya buong akala ko foreign song talaga XD yabang, panginternational! ahahah

wala lang. nagulat lang ako kasi ngayon ko lang talaga nalaman hahaha sorry naman! pwede magsorry?