1/17/11

nagswimming nga pala kami kasama yung mga taga-UE (nung 2004-2007 may computer shop kami dati sa lepanto. at meron kaming regular costumers dun na barkada ng mga engineering students from UE recto. at kahit wala na yung computer shop namin ngayon, graduate na silang lahat, licensed engineer na yung iba, pinupuntahan pa din nila kami dito sa caloocan. naging sobrang malapit sila samin) so ayun nga, nagswimming kami sa long meadows sa sta. maria bulacan. saturday night hanggang sunday afternoon. dapat kasi nung christmas pa kami magcecelebrate kaso walang time. kaya parang eto na yung christmas and new year celebration namin. overnight at may gift giving.

eto pala yung natanggap kong gift from majoy~ red pleated plaid skirt ♥pasensya na wala akong pictures nung swimming. konti lang kasi yung kaclose ko sa kanila (pero lahat sila malapit kay ate jen) medyo naiilang ako makijoin sa pichuran e. kaya sila lang ang may copy nung pictures. kukunin ko na lang kapag nagupload na sila sa facebook :D pero kung f4, charism o college classmates ang kasama ko, ay nako! asahan niyo ang napakaraming pictures!

oh well, masaya pa din naman! maybe 7 out of 10? mas sumaya ako nung nagkaayaan sila magdota pagbalik sa manila e hahahaha 4v4 tapos panalo kami yes! :D magaling daw ako e well! hahahahahaha as usual, vengeful ang ginamit ko kaya kabisado ko talaga hahaha i'm such a weakling D: kailangan ko na pala magpaturo ulit kay jep kasi hindi ko pa natatry yung 6.70~ hopefully next week!