1/7/11

nagkita kaming tatlo ni Jep at Booh kahapon :D actually, lakad lang namin ni Booh yun dahil may hinahanap/hinahunting si booh na bahay sa Bambang. malapit lang naman yung bahay ni Jep dun kaya sabi ko kay Booh, isama na namin si Jep. matagal na din kasi silang hindi nagkikita.

medyo nakakapagod yung ginawa naming paghahanap dahil walang idea si Booh kung anong lugar, address, landmarks, etc. tanging picture lang ang pagasa namin tapos top view pa! naging basehan lang namin yung Dynasty Twin Tower sa Bambang kaya dun kami nasimulang maghanap. mahigit 2 hours kaming lakad ng lakad sa napakalawak na Maynila hahahahaha tuwing may nakikita kaming bahay na kamukha nung hinahanap namin, akala namin yun na!

...hanggang sa nakarating kami sa Pritil! hahaha nagkakaayaan na kaming umuwi nun kasi pagod na kami at medyo nawawalan na ng pagasa si Booh. pero sabi ko, since nasa Pritil na kami e dumaan na din kami sa isang bahay nung taong hinuhunting niya, who knows baka yung mismong bahay na hinahanap niya e malapit lang dun sa isang bahay. pagdating namin dun sa street na pupuntahan namin, may nakita kaming bahay na kamukha nung bahay na hinahunting namin! tapos nagulat kami dahil YUN NGA! XD shit!

kung naguguluhan kayo, huwag niyo na pilitin intindihin dahil confidential yung situation na to kaya hindi ko masabi ng detalyado, bilang lang kasi ang taong nakakaalam nito e, syempre isa ako dun, at si Jep may alam din konti. basta. sulit yung pagod dahil nakita din namin yung bahay na hinahanap namin :D next time, magdadala na kami ng pillbox :D bwahahahahahahah