1/10/11

emo switch: ON

ayos lang sakin na umiyak ako gabi-gabi dahil yun lang yung naiisip kong paraan para mabawasan yung sakit na nararamdaman ko. handa akong kalimutan yung mga maling nagagawa mo para maisalba tong relasyon na to. ayoko na nga magreklamo sayo dahil lalo lang gugulo. alam mo namang madali akong mainis e diba? pero para sayo, magbibigay ako ng sobra-sobrang pasensya kasi mahal kita. yung pagmamahal na yon ang pinaghuhugutan ko ng lakas kaya nagmumukha akong tanga ngayon. pero tulad ng sabi ko kanina, ayos lang kasi nga mahal kita e :D kahit pakiramdam ko hindi ako sapat sayo. masyadong mataas yung standards mo kaya imposibleng maabot ko yun. tuwing naiisip ko nga yun, nababawasan yung tiwala ko sa sarili ko. ayoko kasing nabibigo ka ng dahil sakin. kaso wala naman ako magagawa dahil hanggang dito lang talaga ako. hindi bale, sinusubukan ko naman mapasaya ka sa sarili kong paraan e. ang gusto ko lang sana maging patas ka sakin. gawin mo din yung mga responsibilidad mo. kasi kahit mahaba yung pasensya ko sayo, hindi naman yun aabot ng habang buhay. bigyan mo ko ng hangganan. may limitasyon din ako kaya sana huwag mong abusuhin.

emo switch: OFF

shit pangOscar ba yung drama ko? hahaha ganito kasi talaga pag mahal mo, wala kang pakialam kahit magmukha kang tanga. kahit yung pinakamapagbiro at pinakamasayahing tao, nagiging tanga at corny kapag naiinlove ng todo. at hindi yun napipigilan. pero hindi rin naman sa lahat ng pagkakataon e magkakaganito kayo. depende pa din sa pinagsamahan niyo. hays pasensya na talaga, hindi ko lang talaga kaya sabihin sa kanya to ng direkta kaya sa blog ko na lang binubuhos lahat ng sama ng loob ko haha!

infairness, nakapagstraight tagalog ako dun :D achievement! bwahahahah

ahahahay! what a melancholic night~

okay smile na ulit :D :D :D

i love you still dear ♥