1/31/11

desidido na talaga ako bumili nito T_________T sabi ni ate jeni around 2k daw to sa mga japan surplus e~ nakakainis ang dami kong nakikitang ganitong bike dito sa malabon! feeling ko tuloy ako na lang ang walang ganito hahahah

nainggit kasi ako sa kinwento ni earl nung isang araw e. balak daw niya bumili ng bmx worth 10k + ayoko naman ng ganun e, wala naman akong balak makipagkarera hahah gusto ko lang may magagamit ako KAPAG NATUTO NA KO hahaha actually, hindi pa talaga ako marunong magbike. magpapaturo pa lang ako kay jep. sabay kami magaaral ni booh magbike, pareho kaming magpapaturo kay jep! tapos sabay din kami bibili ng bike yay! :D

sinabi ko na to kay madur at pumayag naman siya :D siguro kaya lang siya umagree dahil ayaw niya lang talaga ako payagan magmotor. hays. basta desidido na ako bumili ng bike at determinado na akong matuto! aja! :D