1/29/11

bilang tao, meron akong mga limitasyon. tanggap ko naman sa sarili ko na hanggang dito lang ako. pero minsan, sinusubukan ko ding humigit dito para maipagmalaki ko yung sarili ko. kaso hindi ko din maiiwasan na mahusgahan ng ibang tao dahil tao lang din ako, katulad mo. kaya kung hindi ka pa din kuntento sa ugali at pagkatao kong to, pwedeng-pwede kang lumayo. walang pipilit sayo na manatili. mas gugustuhin ko pa nga na mawala ka/kayo/sila kaysa naman naglolokohan tayo dito. sa madaling salita, kung ayaw mo sakin, layuan mo ko. hindi mo na kailangang ipamukha sakin na madami akong kakulangan. kilala ko ang sarili ko kaya alam ko na yun dati pa, bago mo pa mapansin. pero tandaan mo, tao ka lang din, katulad ko. hindi ka din perpekto at sigurado ako na may mga tao ding ayaw sa ugali at pagkatao mo.

quits lang pare :D