12/30/10

there are two kinds of friends that i hate...

those friends who loves to blame you or somebody else when they are involved a terrible situation

huwag na huwag kang maninisi kung isa ka sa mga may kasalanan! o kung talaga namang inosente ka at wala kang ginawa, hindi mo na rin kailangan sisihin yung iba at ipagdiinan yung kamalian nila. naturingan kang kaibigan, pero kapag nagkaron na ng gulo, isa ka sa mga nanlalaglag! huwag ganon pare! alam mo kung anong punto ko? hindi naman nakakatulong yung paninisi e. nakakadagdag pressure lang yon. mas mabuti kung itikom mo na lang yung bibig mo at huwag kang umepal.

and

those close friends who easily get mad at you when you've done (even unintentionally) something he/she didn't like

bakit pa ba kailangang magtampo?! para matest mo yung kaibigan mo kung gaano siya ka-martyr na naghahabol sa forgiveness mo? hindi naman dapat dun binebase yung pagkakaibigan e. tsk. ang mas nakakainis pa e kapag walang kwenta yung dahilan nung pagtatampo mo. hindi ko talaga magets yung mga kaibigan na madaling magtampo. NEVER EVER pa kasi ako nagtampo sa kahit sinong kaibigan ko. alam mo ba na tuwing nagtatampo ka sa isang tao, that person would feel bad kasi parang ang tindi ng kasalanan niya sayo, kahit ang puno't dulo lang naman e walang kwentang bagay. ang awkward kaya nun. tapos ikaw tong hindi mamamansin? magtataas ka ng pride? maghihintay kang ako ang unang magsorry? ay susme, gold medalist ako sa pagiging mapride. kung mataas ang pride mo, mas mataas ang pride ko! kaya kong umabot na hindi kita kinakausap hanggang sa susunod na henerasyon XD kaya kung magtatampo ka, siguraduhin mong carry mo. dahil hinding-hindi ako magsosorry sayo kung alam kong nagpapahabol ka lang sakin. dude, LIFE IS TOO SHORT FOR FUCKING DRAMA. gusto mo pala magdrama edi sana nagartista ka na lang diba? pasensya na, pero naiirita talaga ako sa mga mahilig maginarte.