12/25/10

okay, ngayon lang ako nakakuha ng tyempo na magupdate ng blog! (parang ang busy ng Christmas day ko e no?) hahaha actually, ang boring ngayon ~___~ wala naman masyadong ginawa. nung nagising ako, tumunganga lang ako sandali, tapos natulog ulit. mga 11AM na ko nagising tapos nagplaplano na ako maligo para makaalis ako sa hapon. kaso isang oras na nakalipas, nakatunganga pa rin ako hahaha hanggang sa nagdatingan yung mga kamaganakan namin sa Aquino hahahahaha ang daming bata shit. kahit nga mga hindi na namin kamaganak nagpuntahan pa e. sinama pa nila hahaha basta sobrang dami. e maliit lang naman tong apartment na nirerent namin, kaya super sikip na nung nasa loob sila lahat. siguro mga 25 to 30 na tao yung dumating sabay-sabay na hindi magkakasama (pero magkakakilala sila dahil pare-pareho lang silang taga-Aquino) siguro 3 matanda, 5 teenagers, and the rest puro batang maliliit na! nako imagine, ang dami nilang nagsisiksikan dito sa bahay XD

nakasanayan na kasi talaga nila na mamasko sa amin ever since. nung buhay pa si Nanay at nakatira pa kami sa Aquino (lumaki kasi ako sa bahay ng lola ko) mas marami pa yung pumunta. nanggaling pa sa malalayong lugar :D kaya nga sobrang saya ng Christmas season namin dati. every year maraming-maraming handa. every year maraming-maraming bisita. every year maraming-maraming picturan. yun yung mga panahon na KUMPLETO pa yung pamilya namin. oh well, medyo nakamove on na naman ako (dati kasi nanghihinayang pa ko) marami na din naman kaming nareceive na blessings kaya narealize ko na hindi naman talaga kawalan yung "iba" dyan. it's their loss. not ours. :D

basta natutuwa lang ako dahil kahit wala na yung tagapamagitan (which is my lola), naaalala pa rin kami puntahan nung mga gatecrashers hahaha joke lang. they're family you know ;p kahit ang intention lang nila ay mamasko, manghingi at makikain, still, they're family hahahahaha buti na lang talaga nasanay na rin kami na tumanggap ng ganun karaming bisita :D