12/24/10

okay, nagpalit na ko ng number :D nakakairita kasi dun sa lumang number ko ang daming text ng text. loko kasi si Jaye sinali nanaman ako sa clan niya kahit hindi naman ako umoo ~____~ tuwing gigising tuloy ako laging more than 200 unread messages hays. at tsaka gusto ko na rin pala talaga magpalit dahil hindi ako makapagregister sa UnliCall dun sa dating number ko.

anyway, hindi ko pa kabisado yung number ko ngayon~ pero maraming number 6 dun sa bago kong number (okay nagbibigay nanaman ako ng kahulugan sa mga bagay-bagay ~___~) tapos kanina, nagpaload ako ng 40 PHP tapos mali yung number na nabigay ko sayang T^T tapos tinanong ko si ate kung ano ba yung number ko. pagbalik ko sa pinapaloadan ko, nagpaload ulit ako ng 40 PHP pero nagkabaligtad naman yung last 2 digits T____T tapos nagtext yung unang number na pinaloadan ko nagtatanong kung sino ako. sabi ko ako yung nagpaload sa kanya ng 40 PHP pamasko ko na yun sa kanya hahahahaha

hay malas. ako tuloy ang walang load ngayon D: