12/25/10

nakalimutan ko palang imention to sa isang post ko..

naamaze ako dun sa mga batang namasko kanina samin :D sa sobrang tagal ko nang hindi pumupunta sa Aquino, hindi ko na makilala yung iba hahaha! yung iba nga dun hindi na namin kamaganak e haha pero nakikipasko din samin XD tapos yung iba dun malalaki na namamasko pa hahahahaha! tapos yung iba din sa kanila, malalaki na. naaalala ko tuloy dati nung dun pa ako sa Aquino nakatira, sila yung mga batang kasabay ko mamasko.. ngayon mga nagdadalaga at nagbibinata na sila (mga below 12 years old) SA AKIN NA SILA NGAYON NAMAMASKO (what the.. ganito na ba ako katanda?? D:)

sa totoo lang, sa sobrang dami ng inaanak ko ngayon, hindi ko na makilala yung iba sa kanila T^T nagugulat na lang ako kapag tinatanong ako ni ate kung ano ireregalo ko kay ganito, kay ganyan... actually kaya nga ako umalis kanina, e para in case na hanapin ako sa bahay nung mga inaanak ko, at least wala ako dun! ahahahahaha ang sama e no. sorry naman!

bakit ba kasi hindi pwede tumanggi sa ganun e ~___~ tinanong ko dati si ate Jen kung pwede bang hindi ako pumayag maging ninang, sabi niya bawal tumanggi sa ganun. hays. sa lahat nga ng inaanak ko, dalawa pa lang yung naaattendan kong binyag. yung binyag ni Iver (first ever inaanak ko, grade 3 ako nun :D) at yung binyag ni JD (anak ni ate Joy :D) the rest, hindi ko na maalala kung sino-sino sila hahaha sorry ulit ha!

e wala pa naman kasi akong work no. ni wala pa nga akong 18 e! duhh saan naman ako kukuha ng pambibigay ko sa kanila diba~ sarili ko ngang wants hindi ko matustusan tapos sila pa kaya hahaha alangan namang unahin ko pa sila kesa sa sarili ko diba. ano palagay nila sakin? mayaman?!

tsaka na kayo mamasko sakin kapag filthy rich na ko!! kahit tig-iisang ferrari bibigyan ko kayo nyahahahahahah yung laruan lang naman ahahahah!! joke. ang gara naman kasi e, 17 pa lang ako pero feel na feel ko na ang pagiging matanda ko.