12/31/10

naguiguilty ako dahil hindi ko man lang maupdate tong blog ko D: buti na nga lang nakakapagdraft ako sa phone ko ng 30 day letter. hays. actually, hindi naman ako busy these past few days. sadyang masaya lang ako sa mga pangyayari sa buhay ko kaya wala akong time isulat.

alam niyo ba.. mas prone ako magblog kapag malungkot ako. ewan ko.. hindi ko kasi matake magdrama sa ibang tao kaya sa blog ko na lang binubuhos lahat ng kaartehan ko hahahaha kaya pag masaya ako, madalas hindi ako nakakapagblog kasi hindi ko din maexplain sa words kung gaano ako kasaya :D

hmm basta ang gagawin ko lang ngayong maghapon e magblog ng magblog XD tatapusin ko yung mga drafts na naiwan para hindi na siya umabot next year haha