12/27/10

Day 27 — The friendliest person you knew for only one day

Dear Josephine, Lhara and other KissMe's,
nakilala ko kayo nung umattend ako ng Filipino-Korean Cultural Festival kasama si Eki at Che. pero nakwento na ni Eki at Geib dati yung tungkol sa inyo. nagkakila-kilala naman kayo sa Manila Hotel nung hinihintay niyo yung U-Kiss. all of you are fan girls. ako lang ang hinde XD sabi dati nila Eki at Geib, sobrang nice daw kayo. hindi kayo katulad nung ibang possessive and crazy fan girls. ang first impression ko kasi sa mga fan girls e parang literal na nababaliw kapag naguusap, nakakakita, nakakarinig ng tungkol sa mga fandom nila. to the point na nagooveract na at nagmumukha na silang uncivilized humans! pero.. nung nameet ko kayo, natuwa talaga ako :D wala akong masabing negative! para kasing sobrang dali niyo pakisamahan kahit hindi ako nakakarelate sa mga inaidolize niyo hahaha! i mean, kahit totally wala akong kinababaliwan ni isang K-Pop artist, hindi yun naging hadlang para maging close ako sa inyo. you're so polite, so nice and so educated. kaya nga after nung Fil-Kor Fest namiss ko agad kayo e hahaha komportable kasi ako na kasama ko kayo kahit once ko pa lang kayo nakikita XD sana nga sa K-Pop Nation makita ko ulit kayo e! i really want to see you again guys! pati na rin yung iba pang KissMe's :D i miss you all ♥