12/21/10

Day 21 — Someone you judged by their first impression

dear FZ North members,
as a Pump player, everytime i hear about Forever Zero, the first thing that comes in to my mind is friendship. iniisip ko nun dati, ang swerte siguro makapasok sa group niyo kasi mabebelong ako sa pinakasikat na Pump group sa Pilipinas :D i mean, hindi lang pala Pump It Up and sakop niyo, pati na rin ibang arcades like Tekken, Para-Para, Dance Revo, Drum Mania, Technika, other music games and also Cosplay. tsaka kilala din kasi si Rocky Suiko na super friendly. at yung mga kaclose kong FZ members, sinasabi nila lahat daw kayo sa FZ magkakasundo. kaya inspired na inspired ako gumaling sa Pump para hindi nakakahiyang maglaro sa SM North. these past few months, napadalas yung paglalaro ko sa SM North. nakilala ko na rin sa mukha yung mga madalas tumambay dun. although hindi ko pa rin sila kilala by names. pero at least alam nilang Pump player ako :D

then one time, dumating ako sa machine wala masyadong nakatambay. 3 credits lang yung nakalagay so naghulog ako ng 2 tokens. edi 5 na. tapos maya-maya, marami nang dumdating na FZ members. alam kong magagaling yung iba sa kanila. kasi ang yabang nila umasta. tapos yung isang babaeng familiar sakin (na hindi naman kagalingan) naghulong ng maraming token. mga 8 siguro yun. e sakto namang nandun si Jaye, yung college classmate kong FZ member. sabi ko kay Jaye, sabay na kami maglaro, ibibigay ko na sa kanya yung isang credit ko. nung nalaro na yung 3 credits, dapat turn ko na. pero bigla akong inunahan maglaro nung mga bagong dating na FZ member. naisip ko, ay baka nakisingit lang sila kasi saglit lang naman sila tatambay. so hinintay ko na lang. then pagkatapos nung tatlong song, dapat ako ko naman. pero may naglaro ulit na iba pa nilang kasama. binulungan na lang ako ni Jaye na paunahin ko na lang sila. so ginawa ko naman. hinayaan ko muna sila maglaro at tapusin yung game. after nila, ganun nanaman nangyari. may sumingit nanaman! pikon na pikon na talaga ko nun kaya gusto ko na sila pagsabihan. buti sana kung mga kaclose ni Jaye yun e, kaso hindi rin naman kakilala ni Jaye yung iba! sinenyasan ako ni Jaye na pagbigyan na lang. pero sabi ko sa kanya "tangina palakasan ba dito? sabihin mo sa mga kamember mo next na ako dyan" tapos ginawa naman niya. binulungan niya yung isang magaling. sabi ba naman "ay ate paalis na kasi kami kaya sumingit kami" kaya sinagot ko siya "ay ganon? e ako rin kasi paalis na e" kaya pinalaro na nila ko after nun.

pinasabay ko maglaro si Jaye sakin para hindi masyadong nakakahiya. nung pumipili ako ng song, naririnig ko yung mga nasa member sinasabi nila "si Jaye talaga oh.." sabi ni Jaye sa kanila "sorry naman" sabi ko "bat ka magsosorry e kanina pa yung token ko dito? palakasan kasi dito e no?" tapos edi naglaro na kami. madaling song lang pinili ko para kunware hindi ako magaling bwahahahahah tapos after ng song, mas mataas yung grade ko kesa kay Jaye. nagsigawan yung mga epal "ayyyy talo ng babae!!" tapos bigla may nakisingit sa pad, siya naman daw sasabay sakin! tapos edi sabi ko "sige kuya pili ka ng song" tapos pinili niya yung Com'Back crazy. wahahahah nag-no bar pa si gago e talo rin naman. after ng game, mas mataas din grade ko sa kanya! lalo nagsigawan yung mga epal sa likod XD

ang point ko lang dito. parang unfair naman yung ibang members dun. i have nothing against FZ. ang tinutukoy ko lang e yung members sa SM North branch. may attitude sila na hindi kaaya-aya! buong akala ko dati lahat sila e approachable. hindi pala.. kaya nga yung isang friend ko nagparechapter sa Galleria kasi daw parang may "kompetisyon" na nagaganap sa North. parang walang unity. ang gulo niyo ewan ko sa inyo hahahahaha :D basta pramis ko lang hinding-hindi na ko sasali sa FZ. at least naman may Yagami family ako ♥