12/21/10

bigla kong naalala yung mga sinabi ni Flip nung isang gabi. nung time kasi na yun, parang wala ako sa sarili ko kaya hindi ko masyadong ramdam hahaha! pero posibleng ginogoyo lang ako nung abnormal na yun e!! minsan lang magsabi yun ng positive sakin. kaso naisip ko rin na tama naman lahat ng sinabi niya. lahat yun naaalala ko pero hindi ko lang talaga pinagtuunan ng pansin. napakaspecial ko naman para sa kanya kung totoo nga yung mga sinabi niya. nakakatouch :3 buti pa siya. i feel bad nga lang kasi hindi ko kayang suklian yung feelings niya. dahil para sakin, online best friend ko lang siya. dati nagkagusto rin ako sa kanya, pero hindi tumagal yung feelings na yun. hindi yun pangpermanenteng feeling. kumbaga infatuation lang.. gayonpaman, salamat pa rin :D

ngayon ko narerealize na pinagpipilitan ko lang pala yung sarili ko dati sa taong hindi naman marunong magpahalaga sakin. marami din naman pala akong mga kaibigan na totoong nagmamahal sakin kung ano ako, hindi ko lang napapansin :D salamat po! mabuhay po kayo! hahahahaha