11/21/10

parang gusto ko na isuko tong pagaasikaso ng christmas celebration ng charism. para kasing ako lang ang interesado. ako lang ang nagoorganize. ako lang ang nagiinvite. ako lang ang nagplaplano. ako lang ang nageffort para matuloy to. AKO LANG. sige, sabihin niyo nang nagbubuhat ako ng sariling bangko.. pero ni isa ba sa kanila may tumulong sakin sa pagaasikaso nito? may nagooffer ba sakin na "gusto mo tulungan kita sa pagaaya sa kanila?" e kahit na nagmumukha akong gago kakamessage sa kanila isa-isa tapos hindi naman nagrereply, tinutuloy ko pa rin.

sinisiguro ko namang naiinform ko silang lahat in every possible way. tapos 10 lang ang magrereply sakin ng matino. yung iba pa dun kinulit ko muna bago tumino! tapos yung mga late makakapagreply, sasabihin nila hindi sila sure makakapunta kasi walang pera, kasi hindi papayagan, kasi hindi pwedeng gabihin, kasi busy, kasi may klase, kasi may exam, kasi may ibang lakad, kasi tinatamad, kasi ganito, kasi ganyan. puro kasi kasi kasi!! puro dahilan. hindi ko naman sinasabing sapilitan sila sumama, pero.. kung mababaw lang naman yung dahilan, hindi ba nila kayang gawan ng paraan para makasama???

- kung wala kang pera, wag ka sumali sa exchange gifts! pamasahe lang kailangan mo gastusan. siguro naman hindi ka manggagaling sa liblib na lugar kaya hindi lalampas ng 50php o 100php yung pamasahe mo diba? o kung sasabihin mong wala kang pera pamasahe, tangna pauutangin kita!

- kung bawal ka gabihin, e di kahit dumaan ka lang! magpakita ka lang samin, "hi charism, bye bye" tapos umalis ka na!! para lang malaman namin kung humihinga ka pa ba o patay ka na.

- kung iniisip mo hindi ka papayagan, gaano ba kahirap sabihin na "nay, tay.. pwede ba akong pumunta sa christmas party ng classmates ko nung 4th year. once a year lang kasi to mangyari kaya sana po payagan niyo na ko" nagagawa niyo ngang magliwaliw ng college classmates mo tapos yung isang araw hindi mo kayang ibigay sa highschool friends mo? oh come on!

- kung busy ka, sino bang hindi?! pare-pareho lang tayong busy! ako nga hindi nagaaral ngayon pero ang busy busy ko. kung sa anime nga may "busy" paano pa kaya in real life?!

- kung may klase ka sa araw na yun, edi pag uwi mo! bago ka umuwi sa inyo, dumaan ka muna dun. tapos umalis ka na rin agad kung gusto mo.

- kung may exam ka sa araw na yun, edi pag uwi mo rin! siguro naman wala ka ng exam kinabukasan dahil sunday na yun. kaya hindi mo pwede idahilan na magrereview ka pag uwi mo!

- kung may iba kang lakad, siguraduhin mong importante yan.

- kung tinatamad ka lang, TANGINA MO! yun lang masasabi ko.

KUNG GUSTO MAY PARAAN. KUNG AYAW MARAMING DAHILAN.

kaya ko lang naman pinagtyatyagaan yung pagoorganize nito dahil sa mga salitang binitiwan ko kay shayne. dun ako nagkamali e. ininsist ko masyado na sana matuloy to. kaya umasa siya. kapag hindi ko to tinuloy, for sure magtatampo yun. at ako rin ang masisisi NUNG IBA kasi hindi ko inasikaso. mali rin ako dahil sinanay ko sila na ako ang taga-organize. lahat tuloy sila pumepetix na lang tapos inaasa lahat sakin. hay buhay. ginagawa ko lang naman to dahil gusto ko palagi kaming may bonding. pero kung wala lang din namang magcocooperate, e hindi bale na lang rin. SINUSUMPA KO, ITO NA ANG HULING BESES NA MAGOORGANIZE AKO SA LAKAD NG CHARISM.

maoffend na ang gusto maoffend. magtampo na ang gusto magtampo. magalit na ang gusto magalit. PAGOD NA KO SA PAGAASIKASO NITO KAYA WALA NA AKONG PANAHON SA ARGUMENTO. adios amigos.