11/2/10

okay pinapanood ko ngayon yung pesonal taste :D ang dami na nagsusuggest nito sakin dati pa pero hindi ko pinapanood. jun pyo - jan di tandem lang kasi ang gusto ko talaga. at ayokong makita si lee minho na may ibang partner XD pero eto pinapanood ko na siya ngayon.. reasons are: leading man si lee minho dun, gusto ko na yun tapusin bago pa ipalabas sa channel 2, at dahil lang bored ako ngayon.second day ko na ngayon pero nasa episode 10 pa lang ako. hindi ko siya minarathon unlike boys over flowers! tinapos ko yun lahat ng 25 (or 26 ba?) episodes in just two days! hahahahaha kaya nga ang lakas ng impact sakin nung series na yun e! well nagagandahan din naman ako sa personal taste, sadyang mas mahal ko lang talaga yung boys over flowers :D

hmm naalala ko pala dati, sabi ko dati nung early episodes ng boys over flowers, ampopogi nung f4 tapos yung babaeng bida ampanget! pero nung tumagal, dun ko na naappreciate si jan di :D same thing with personal taste. sabi ko pa kahapon ampanget ni kae-in. pero ngayon gusto ko na din siya para kay minho :D

although hindi ko pa tinatapos agad yung personal taste, it doesn't mean hindi ko siya nagustuhan. sobrang cute kaya ng story nito!! and guess what? eto pa lang yung korean romantic comedy series na nakakapagpaiyak sakin lagi T^T sa boys over flowers twice lang yata ako umiyak dun e (nung nasa macau sila at nung naaksidente si jun pyo XD) pero dito sa personal taste every episode yata naiiyak ako D: i don't know. there's really something special about this series na hindi ko maexplain kung ano.

haaay. 6 more episodes to go and the fun stops! D: