11/21/10

namimiss ko yung dating ako. yung ako nung 2-4 years ago. konti lang yung mga kaibigan ko talaga dati, karamihan pa sa kanila nakilala ko lang online, pero nakakasiguro naman ako na naging totoo silang lahat sakin. unlike ngayon marami na akong bagong kaibigan pero hindi ko alam kung totoo ba sila.

pakiramdam ko ngayon nagiisa ako. kahit maraming kaibigan ang nakapaligid sakin, parang wala lang din naman sila. hindi ko maramdaman na special ako sa kanila. i'm just one of their important friends. that's all and nothing else. oo nandyan nga sila physically pero yung appreciation nila sakin wala. hindi ko naman nilalahat, but most of them are like that.

buti pa talaga dati, may mga nakakaappreciate sakin kahit hindi ko ineexpect. kahit pinagtatabuyan ko na, kahit wala akong pakialam, kahit niloloko ko lang, loyal pa rin sakin. pero ngayon, yung ineexpect kong makakaappreciate sakin dedma lang ako. ako na mismo ang nagpapapansin pero hindi pa rin nagiging proud para sakin. kung sa bagay, there's nothing special about me. gaya ng linya sakin ni kuh dati, i'm worthless to you.

hay bakit ba ang drama nitong post na to? tangina hahaha.