11/7/10

birthday ni jaye ngayon (happy birthday!) kaso hindi ako nakapunta sa bahay nila D: nag-gm pa naman siya last week. sabi niya magtatampo daw siya sa hindi pupunta aww. kasi naman e wala akong makakasama T____T baka mamaya puro inom inom dun nako. tapos si dan hindi rin yata pumunta.

anyway, birthday din pala ni dan nung isang araw. (belated!) kaso the next day ko lang siya nabati D: nakalimutan ko yung birthday niya e. tsk tsk. pero balak ko bigyan si dan ng gift. nakakatuwa kasi si dan :D naalala ko lang dati nung magkablock pa kami, madalas siya bumibili ng gifts para sa mga kaibigan niya nung highschool. o kaya kahit sinong friend niya. nagpapatulong siya magisip o maghanap ng pwede ibigay. hindi mo maiisip na yung napakalaking tao na siga siga e thoughtful pala pagdating sa mga kaibigan :D basta marami pa akong naencounter kay dan na proof sa pagiging generous niya. this time, siya naman dapat ang makareceive.

pero hindi pa ako sure kung ano ibibigay ko. ewan ko nga kung makakahabol pa ko. just in case na masyado ng late, baka babawi na lang ako sa christmas. hindi ako nanghihinayang magbigay sa kanya kasi siya yung pinaka naging kaclose ko sa first year first sem ko :DDD at isa pa, he deserves to be given kasi mabait talaga siya~ kesa naman sayangin ko yung pera for some selfish stuffs and creatures. diba?