10/17/10

PART 3

x: oi sino ba talaga to

o: search mo angel locsin para makilala mo ako.
x: siguro chaka ka
o: chaka my ass. te goodnight na. huwag mo na ko masyado isipin ha? itulog mo na lang yan. alam ko mahirap yang pinagdadaanan mo pero malalampasan mo rin yan.

- sarcastic talaga dapat yun last part XD

x: sino ba to? kainis ka bakit alam mo? i hate you :( sino ka ba kasi? pinapaisip mo ako sabihin mo na kasi kung sino ka para hindi na ko magisip. gusto ko lang malaman kung bakit nakalagay number mo sa phone ni manuel. are you one of his girls?
o: wait lang te, mamaya kita rereplyan huwag ka muna matutulog nageenjoy pa ko sayo :D

- kasalukuyan kong finoforward kay jep yung conversation namin kaya hindi ako agad nakapagreply dun sa unknown texter. pero habang tumatagal, napagcoconnect-connect ko rin. hindi pala niya kaaway yung elaine viaje. naisip ko siguro sa boyfriend niya yung number na yun tapos naghihinala siya na may babae yung boyfriend niya. kaya nagtetext siya ngayon sakin cinoconfirm kung isa nga ba talaga ako sa mga babae ng boyfriend niya. nung narealize ko na yun, sineryoso ko na yung pakikipagusap sa kanya~ dahil ayokong nagtritrip sa relasyon ng iba :3

x: sino ka ba kasi? sobrang confused na ko wag mo na dagdagan please. i can't stop thinking.
o: ate eto lang masasabi ko, my name isn't elaine viaje. hindi ko kilala si manuel. hindi niyo ako third party dahil may boyfriend din ako. wrong number kayo :D
x: ah ok thanks. hay nabawasan sakit ng ulo ko pero bakit may number ka sa kanya kung hindi mo siya kilala hay
o: ano ba full name ng boyfriend mo?
x: emmanuel f. bado, ue ka ba nagaaral? baka kasi kaklase mo siya kaya siya may number mo. hay paranoid hmp
o: ate, wala akong kilalang ganun. i swear. kung naghihinala ka sa boyfriend mo, siya mismo ang iconfront mo para malaman mo ang totoo.
x: hindi ko siya boyfriend. husband ko siya. married kami kaya ako ganito. hay sige salamat pasensya niya.

- nung binanggit niya na sa ue nagaaral yung boypren niya, naisip ko si eki o si earl~ baka isa sa kanila nakitawag o nakigamit ng cellphone para itext ako tapos nastore yung number ko dun! O___O pero mas nashock ako nung sinabi niyang husband na niya yun!!! grabeee.

o: oh my god, for real?! sorry ate. sorry if i acted like that. i didn't mean to make fun of you. akala ko kasi nantritrip ka lang din. you don't have to worry, i really don't have any connection with your husband. i just don't know kung paano napunta number ko dyan. again, i'm sorry. goodnight.
x: pasensya na din sa pangiistorbo. ayoko kasi siyang iconfront lagi siyang galit. kaya ang aawayin ko at icoconfront ko yung babae kaya i thought ur one of them. mali pala. sensya na bye.

- i didn't thought na asawa na pala niya yun O____O hindi ko na sinabi sa kanya yung tungkol kay eki or earl. baka kasi lalo pa siyang maconfuse. at least sigurado naman akong hindi ako isa sa mga babae nung asawa niya XD grabe talaga. sa dinami-dami ng pwede ko mapagtripan, bakit magasawa pa? tsk tsk. i feel so bad. karma, stay away. please? ;p