10/11/10

tandang tanda ko pa, meron akong ganitong baby doll nung bata pa ako!! XD pumunta sila nanay (lola ko), tatay (lolo ko) at si madur sa states nung 2001. mga 6 months siguro sila nagstay dun. pare-pareho kasi silang nakakuha ng multiple visa. tapos nung umuwi sila, binigyan ako ni nanay ng doll :D mukha siyang totoo. as in parang tao talaga! pwede siya suotan ng damit tapos may pacifier pa~ pinangalanan ko siyang GIGI (JIJI) kasi nakasulat dun sa isang shirt niya "gigi" siguro yun yung brand ng toy na yun or what.

tuwing umaalis ako ng bahay kasama ko si gigi. for example may lakad, pupunta sa mall, pupunta sa kamaganak, out-of-town vacation, o kaya kahit sasama lang ako pag namamalengke hahahaha feeling ko kasi baby ko talaga si gigi :D akala din tuloy nung mga nakakakita nun, totoong baby yung binubuhat ko XD

tapos naaalala ko rin nung grade 2 ako, pinagdadala kami ng laruan. tapos dinala ko si gigi. kasya naman siya sa trolley ko nun e. nung nakita ng mga kaklase ko, syempre naging center of attention ako XD tapos yung math teacher namin, akala niya totoong bata yung dinala ko hahahahahaha pero kapag napapagalitan ako dati, ang punishment sakin tinatago nila si gigi T_____T tapos sad ako aww D: hindi ko na maalala ngayon kung saan na napunta si gigi~ i don't know if pinamigay na ni nanay bago siya madeads. o kaya tinago lang nila tapos nakalimutan ko na hanapin. ewan ko kung nasaan na si gigi ngayon. sayang namimiss ko na siya.

meron pa kong isang toy nung bata ako e.. pero next time ko na lang ipopost dito kasi hindi ko pa naiiscan yung picture~