10/22/10

shit. nagbreakdown yung katawan ko pagkatapos ko maglaro ng pump kahapon O______O si geib at eki pa lang yung kasama ko nun, hindi pa dumadating si booh. nagpunta muna kami sa wof dahil maglalaro ako ng pump mga 2 tokens lang. tapos nung turn ko na, naglaro ako ng hold the line (pang warm up) at tsaka energizer & you fall in me (mga pinapraktis ko ngayon) nilaro ko yun ng walang pahinga pahinga! the hell~ hindi ko na nga natapos yung you fall in me e. yung last part na mahirap huminto na ko dahil sa pagod. nung lumabas na yung grade, napaupo ako sa harap ng pad dahil nga sa sobrang pagod. tapos sinabi ko na lang sa next na maglalaro, sila muna yung mauna. tapos lumapit ako kila eki at geib. at dun na ko nahilo, black out yung paningin ko, hindi ako makagalaw, hindi ako makadilat, hindi ako makapagsalita, basang basa ako ng pawis, nanlalamig ako, numb yung buong katawan ko, nasusuka ako... akala ko nga mamamatay na ko nun e, nakita ko na kasi si san pedro sinusundo ako hahahahahahaha joke lang XD

siguro mga 15 minutes din yun bago ako naging okay ulit. sabi nga ni geib, bakit daw ako nagkaganun e sanay naman ako magpump. naisip ko naman, kaya siguro ganun nangyari sakin kasi giniginaw ako that time tapos bigla ako pinagpawisan ng todo. chaka hindi pa ko naglulunch nun D: buti na lang talaga nandun si geib at eki. kung hindi, baka tuluyan na kong nagcollapse dun.

naalala ko tuloy si JQ. may sakit kasi siya nung isang araw tapos gusto niya agad maglaro ng pump. sabi ko magpahinga na lang muna siya at huwag na muna maglaro dahil baka lumala pa yung sakit niya. tapos oh, ganun pala ang mangyayari sakin hahahaha tsk tsk.