10/24/10

okay, here's a picture of my younger brother who died 14 years ago~ joke lang! ahahahahahahahahahah ako talaga yan! hindi ako sure kung exactly ilan taon ako nyan. siguro mga 3 or 4 years old? ang luma pa ng bahay ni nanay dyan oh. takte kung wala siguro sa background ko yung upuan ni nanay, hindi ko maiisip na ako yan. ANG POGI KO NO? nyahahah hindi ko akalain na lalake pala ako nung bata ako ahahahahahahah

anyway, yung stuffed toy na pusa na yun, pangalan nyan baby :D yan kasi yung baby ko dati e :D sabi nila ate jen naredeem daw namin dati yan sa world of fun :D tapos naging favorite toy ko na~ naaalala ko kasi nung bata ako, lagi akong sinasama nila ate sa sm tapos naglalaro ako sa wof. dun pa dati yung wof sa lumang sm north edsa annex. tapos mano mano pa yung pagbibilang ng tickets XD katabi ko yan dati sa pagtulog kahit sobrang dugyot na at hindi nalalabhan hahahah! minention ko na yan sa post ko last time.. nung naggradeschool ako, nagkaron na ako ng ibang favorite toy. at yun si gigi.. uhh basta kausapin mo ko personally ikwekwento ko sayo ng buong buo hahaha

hmm maghahanap pa nga ulit ako ng mga lumang picture :D natatawa ako sa mga nakikita ko e XD