10/16/10

oh blog, i missed you! sorry kung hindi kita nauupdate ha? ngayon lang kasi ako nagkaron ng time. well, gusto ko lang naman ikwento sayo yung mga nangyari sakin nitong huli.

sembreak ko na. but guess what? hindi ako masaya.

ano ba kasing meron kung sembreak? chance to rest? break from school works? siguro para lang yun sa mga kabatch at kakilala kong todo effort sa first year first semester nila. pero sa katulad ko.. i don't know. hindi ko kasi talaga kinarir yung first year first sem ko. ni hindi nga ako nathrill sa mga major exams e hahahah samantalang yung iba super stressed! XD

siguro hindi pa talaga ako nakakamove on sa highschool kaya papetix petix lang ako nung buong semester. kaya nga medyo nahihirapan ako ngayon e hahahahah takte nagsisisi ako ngayon kung bakit hindi ko inayos tong pinakaunang semester ko. kung sa bagay marami rin kasing naging conflict kaya nawalan ako ng gana nung simula pa lang. mabuti na nga lang at nagkaron pa ako ng mga kaibigan :D (at least!)

hmm kaya din siguro hindi ako naeexcite sa sembreak e dahil hindi ako mageenroll next sem. kinailangan ko kasi magstop for some reasons. so baka sa june na ako magenroll ulit :3 yeah. it sounds exciting kasi makakapagpahinga ako totally. as in no school works at all :D pero at the same time, pahinga rin ako sa income. syempre paano ako magkakaron ng pera kung hindi ako papasok? no school, no allowance D:

sa ngayon, hindi ko pa talaga alam kung anong gagawin ko mula november to june. gusto ko sana magpart-time job kaya lang masyado akong tamad umattend ng mga seminar D: magsstop din pala si eki next sem kaya kung anu anong trip ang naiisip namin. pero pareho naming pinoproblema yung kawalan ng income so paano namin maisasagawa yung mga trip trip? T^T sana naman sipagin kami maghanap ng job~ at sana makahanap kami ng matino-tino :D and not those lame networking shits.