10/5/10

naaalala ko pa nung first year highschool ako, usong uso yung punk rock pati na rin yung musical instruments. nahook ako sa ganung genre and at the same time determinado din akong matuto ng gitara at drums.

habang naglalaro ako ng faerieland dati sa computer shop namin sa lepanto, tandang tanda ko pa nasa pc number 35+ something pa ako nun! alam ko kasi malapit yun sa cr e. dun ako sa dulo naglalaro mga pc number 30 to 40 hahah XD so yun nga, habang naglalaro ako, napatingin rin ako sa friendster profile ni patrick pelino (o2jammer siya. friend ni jude moreno na kabatch kong o2jammer din. at nung tumagal nalaman kong kakilala din pala sila ni james gugol na close friend kong o2jammer din. putangina ang daming pangalan ang nabanggit! hahahahaha) o2jammer player rin ako dati pero hindi ko siya naging friend dahil sa o2jam.. kundi dahil pareho kaming magaling marunong magletter art :D pero wala naman talagang kinalaman yung o2jam at letter art sa totoong kwento ko~ sa kanya ko nadiscover yung my chemical romance. background music niya dati yung kantang welcome to the black parade sa friendster profile niya. pero nung time na yun, hindi pa narerelease yung music video kaya hindi pa ganong sikat yun. nagandahan ako sa kanta na yun kaya sinearch ko yung tungkol sa my chemical romance. (o diba ang haba ng connection namin pero ang bottomline hindi rin pala talaga kami magkakilala ahahahahahahah)

anyway, balik sa kwento. naadik naman ako sa my chemical romance. at nainlove ako kay gerard way. lead singer ng my chem.

nung tumagal, lalo pa akong nahook sa my chemical romance. bumili ako ng three cheers for sweet revenge at the black parade. kung meron nga lang sana akong nakita na i brought you my bullets, you brought me your love at life on the murder scene dito sa pilipinas, baka binili ko rin yun. dahil kay gerard way, lagi na akong naglalagay ng eyeliner! (wala e lab ko talaga siya) akala nga nung iba punk punk na rin ako e ahahahah leche!! hindi naman talaga XD tapos yung iba naman iniisip pampaganda ko daw yun! yakk naman! mas lalong hindi no!! naging favorite store ko yung american boulevard kaya dun ako lagi bumibili ng black shirts. every night ko plineplay yung album nila sa disc man ni kuya france. pampatulog ko yun kahit napakaingay ng mga kanta nila sa 2nd album. gumawa ako ng music video ng welcome to the black parade orange version (ginaya ko lang yung original music video pero yung mga tao dun puro orange na may drawing na mukha) nagpost rin ako ng video sa youtube na naggigitara ako ng cancer (nahihiya ako pag naaalala ko puta) naging ultimate crush ko si gerard way (tinutwo time ko sila ni randy orton ahahahhahah) basta marami pa.

kaya lang hindi ko na alam ngayon kung nasaan yung mga album ko hahahah yung three cheers naiwan ko yata sa bahay ni nanay e. tapos yung black parade may hayup na nagnakaw yata nung mismong cd sa school. naiwan lang sakin yung case. leche. basta pag narelease yung danger days: the true lives of the fabulous killjoys bibili talaga ako!! :D

haba ng kwento ahahahahah wala e, sila lang kasi talaga yung banda na minahal ko ng bongga :D