10/18/10

dinelete ko na yung draft ko nung isang araw. tungkol sa mga gusto ko dating sabihin sayo pero hindi ko masabi. dinelete ko na lahat. nasabi ko na naman lahat ng gusto ko sabihin e. nasasayo na lang yun kung ano ang next move mo. kung titigil ka na ba o magpapatuloy pa rin. hindi ko rin kasi alam kung mababalik pa yung tiwala namin sayo. walang wala na e. pero sana naman huwag mo na paabutin sa punto na pati yung respeto namin sayo mawala na rin.

huwag ka magalala hindi ako galit sayo. ayoko rin kasi magtanim ng sama ng loob sayo dahil kahit pagbali-baligtarin ko ang mundo, tatay pa rin kita. naiinis lang ako dahil niloko mo kami. sa totoo lang naaawa nga ako sayo e. awang-awa ako. kaso kasalanan mo rin naman e. kasalanan niyo ng malanding kabit mo. kaya wala na akong magagawa. choice mo yan diba? kaya huwag mo pagsisisihan. matanda ka na. kaya mo na sarili mo. goodluck!