10/11/10

bagong foot spa at pedicure pala ko ngayon! nanibago nga yung nagfoofoot pa sa salon e. sabi niya parang mas bumigat daw yung paa ko ngayon D: sabi ko dahil yun sa nilalaro ko (PIU) oh well, hindi naman talaga tungkol dun tong entry ko. gusto ko lang ishare yung nabasa kong article sa magazine na binabasa ko habang nagpapafoot spa ako~ it's about BLOGGING :D"The truth is; blogging has gotten me in trouble more times than I'd like to admit. There was the time my mother got mad because I had devoted a number of entries to her flair for melodrama. It was undeniably worth writing act, of course she got mad, it's even more melodrama. Then one time another blogger decided to steal entries from mine and other people's blogs and decided to pass them off as her own. She was able to build this whole online "persona". And we tracked her down. Then there was my break up, which became everybody's business. My entries about him made my readers fall in love with my ex. When it was time to end that relationship, I did not blog about it. But he did, and the situation got messy. Still, these things didn't stop me from blogging."

tinype ko lang sa cellphone ko yung first part e~ hindi ko na nakopya yung buong article dahil tinamad na ko D: pero ang gusto talaga iparating nung writer, from the title itself, "Why I stopped blogging?"

nung nagsisimula pa lang daw siya, nagbloblog lang siya dahil gusto niyang makwento yung mga bagay na nangyayari sa pangaraw-araw na buhay niya. nung tumagal, sinubukan niya itrack yung mga bumibisita sa blog niya at nagulat siya dahil marami na palang nakakapagbasa nun. naging malaking parte na ng buhay niya yung pagbloblog. to the point na hindi niya mapapalampas ang isang araw ng hindi nakakapagpost ng entry. she blogs about everything. ultimo maliit na bagay tungkol sa buhay niya tulad ng kung anong kinain niya for dinner o kung ano yung bagong bili niyang damit. everything about her is online. marami na siyang nakilala sa pagbloblog. bloggers and blog readers. she even gained fame by blogging~ minsan pag pumupunta siya sa malls may magaapproach sa kanya at sasabihin na natutuwa sila sa blog niya. she find it sweet. but later she realized, it's too much already. or something like that.

after seven years of blogging, she decided to stop. mas gusto na lang niya munang magfocus sa offline life niya at maglie-low sa online life. nasobrahan na siya sa attention ng ibang tao. gusto niyang mamuhay ng tahimik at maglibang ng hindi niya iniisip kung paano niya isusulat yun sa blog niya maya-maya. hinahanap ng mga blog readers niya yung presence niya, hinihintay na makapagpost siya ulit. nagexplain naman siya at nagsorry sa kanila. hindi naman daw niya tinalikuran yung pagbloblog. she's still ready to blog if given a chance, pero hindi na kasing adik tulad ng dati :D

"I had become the star of my own online reality tv show when I should have been concentrating on living my life."

ohhh nakakarelate ako :DDD she got a nice point there.. pero hindi ako umaagree sa lahat ng sinabi niya. parang nakapagbigay lang siya ng idea kung anong posibleng mangyari kapag nasobrahan sa pagbloblog.

ayokong dumating sa point na gusto ko na rin tumigil magblog. i can't even see myself not blogging anymore. oo, minsan nakakatamad. pero hindi ako nagsasawa. and as much as possible, i try to update this blog everyday para hindi talaga ako magsawa :3 malaki rin naman kasi ang natutulong sakin nitong blog. bukod sa meron akong napaglalabasan ng feelings at ideas, nagkakaron din ako ng record ng mga pangyayari sa buhay ko. i have a bad case of short term memory, eventually makakalimutan ko rin yung mga simpleng bagay na nangyayari sa pangaraw-araw. pero kapag meron akong ganitong blog, hindi na to mawawala.

balik dun sa article, siguro kailangan lang talaga nung writer/blogger na ibalance yung offline at online life niya :3 masyado niyang kinareer ang blogging kaya siguro nawalan na siya ng time para sa reality. don't forget that too much of anything isn't good.