10/29/10

...b-but i was just trying to reach you D:

10/28/10

that's HARD GAY :D well actually, he's not a gay. he's really a straight guy! proof? he has a freakin' hot wife! for a guy to act so gay but still remains heterosexual just simply means he has a strong sense of straightness, don't you think? :D gaaahhh i really love hard gay! ♥

10/26/10

sa wakas inaccept ko na nanay ko sa facebook hahahahahaha :D

10/25/10

triny kong iopen ko yung lumang photobucket account ko at natatawa ako sa mga nakita ko :D siguro nung second year pa ako nito. kasi puro audition ang laman. tapos mga banda banda. at meron din palang mga nakasave dun na pictures ko dati ahahahahahah umeepic fail ako dati shit XD
meron pang iba e kaso nahihiya na akong ipost ahahaha natatawa na lang ako kapag naaalala ko yung sarili ko nung 12 to 14 years old ako XD tingin ko kasi sa sarili ko nun matured enough na ko ahahahahahahah pero narealize ko ngayon na napakachildish ko pa pala nun. tapos puro problema ang nakikita ko sa buhay! mga problema na akala ko hindi ko malulutas! mga problema na akala ko suicide na lang ang tanging choice! mga problema na akala ko problema talaga! ahahahah pero hindi pala :D masyado lang akong nadadala ng emosyon nung mga panahon na yun ahahahaha at siguro naman karamihan ng teenager dumaan sa ganun. those times that you're trying to be somebody wuhhh.

10/24/10

okay, here's a picture of my younger brother who died 14 years ago~ joke lang! ahahahahahahahahahah ako talaga yan! hindi ako sure kung exactly ilan taon ako nyan. siguro mga 3 or 4 years old? ang luma pa ng bahay ni nanay dyan oh. takte kung wala siguro sa background ko yung upuan ni nanay, hindi ko maiisip na ako yan. ANG POGI KO NO? nyahahah hindi ko akalain na lalake pala ako nung bata ako ahahahahahahah

anyway, yung stuffed toy na pusa na yun, pangalan nyan baby :D yan kasi yung baby ko dati e :D sabi nila ate jen naredeem daw namin dati yan sa world of fun :D tapos naging favorite toy ko na~ naaalala ko kasi nung bata ako, lagi akong sinasama nila ate sa sm tapos naglalaro ako sa wof. dun pa dati yung wof sa lumang sm north edsa annex. tapos mano mano pa yung pagbibilang ng tickets XD katabi ko yan dati sa pagtulog kahit sobrang dugyot na at hindi nalalabhan hahahah! minention ko na yan sa post ko last time.. nung naggradeschool ako, nagkaron na ako ng ibang favorite toy. at yun si gigi.. uhh basta kausapin mo ko personally ikwekwento ko sayo ng buong buo hahaha

hmm maghahanap pa nga ulit ako ng mga lumang picture :D natatawa ako sa mga nakikita ko e XD
if i were a guy, i will try to give my girlfriend anything that can make her happy. without hoping, asking or waiting for something in return :D





haaay. why so sweet? gusto ko tuloy manood ng gore XD
The film's plot is often compared to Pier Paolo Pasolini's Teorema, in which a strange visitor to a wealthy family seduces the maid, the son, the mother, the daughter, and finally the father, before leaving a few days after, subsequently changing their lives.

ONE SICK MOVIE!! kakaiba yung concept nito shit XD i want to watch this~ as well as the other works of takashi miike O___________O parang gusto ko tuloy bumili ng portable DVD player D:

10/23/10

pasensya na.. hindi pa rin talaga ako nakakarecover sa picture na to e ;p
o sige ako na! ako na! ako na lahat!
YEEEEEEEEEEEEEAAAAAHHH~ nagkita-kita na ulit kaming apat :D sa wakas nakompleto kami sa lakad nitong college!! actually nakompleto na rin kami once, nung tumambay kami sa bahay ni geib, kaso wala kaming dalang camera nun T______T oh well, masaya pa rin naman kami nun! pero syempre, mas masaya na nitong huling UBE namin dahil may camera na kaming dala :D walang sawang picturan :DDDDsupposed to be magreredbox kami kaso walang vacant D: triny na lang namin sa ktv ng timezone kaso wala rin D: manonood na lang sana kami ng movie kaso baka gabihin si geib kapag hinintay pa namin D: so naisipan na lang namin magpurikura~kahit sobrang overpriced dito sa photobooth na to (160 php dalawang shot) pinatulan na rin namin! first time kasi namin makakapagpurikura ng kompleto :D favorite ko yung 4th picture e XD jejemon kasi yung pose namin dun ahahaha yung 3rd picture naman nacover yung mukha ni booh at eki ahahah nagpanic kasi si geib sa paglagay ng scribbles XDpagkatapos namin magpurikura pumunta na lang kami sa bubble tea. dun na lang kami nagpaubos ng oras. ang mahal ng food dun tapos hindi ko pa naappreciate!! pero okay lang bawing bawi naman kami sa picture. nagmistulang photo studio yung 2nd floor ng bubble tea ahahahahahah wala kasi kaming ginawa kundi magphotoshoot XD pero umorder din naman kami no!! nagkataon lang na kami lang yung tao sa 2nd floor kaya ang gulo namin dun :D
aishhh.. wala na kong makwento. wala naman kami masyadong nagawa e. kailangan na din kasi umuwi ni geib ng maaga nun. well, at least nakapagkita-kita na kaming apat! :D at sobrang masaya yung araw na yun! hindi ko talaga maipaliwanag yung feeling! siguro kami lang talaga makakaintindi kung ano yung feeling kapag magkakasama kami~

more pictures here.

10/22/10

shit. nagbreakdown yung katawan ko pagkatapos ko maglaro ng pump kahapon O______O si geib at eki pa lang yung kasama ko nun, hindi pa dumadating si booh. nagpunta muna kami sa wof dahil maglalaro ako ng pump mga 2 tokens lang. tapos nung turn ko na, naglaro ako ng hold the line (pang warm up) at tsaka energizer & you fall in me (mga pinapraktis ko ngayon) nilaro ko yun ng walang pahinga pahinga! the hell~ hindi ko na nga natapos yung you fall in me e. yung last part na mahirap huminto na ko dahil sa pagod. nung lumabas na yung grade, napaupo ako sa harap ng pad dahil nga sa sobrang pagod. tapos sinabi ko na lang sa next na maglalaro, sila muna yung mauna. tapos lumapit ako kila eki at geib. at dun na ko nahilo, black out yung paningin ko, hindi ako makagalaw, hindi ako makadilat, hindi ako makapagsalita, basang basa ako ng pawis, nanlalamig ako, numb yung buong katawan ko, nasusuka ako... akala ko nga mamamatay na ko nun e, nakita ko na kasi si san pedro sinusundo ako hahahahahahaha joke lang XD

siguro mga 15 minutes din yun bago ako naging okay ulit. sabi nga ni geib, bakit daw ako nagkaganun e sanay naman ako magpump. naisip ko naman, kaya siguro ganun nangyari sakin kasi giniginaw ako that time tapos bigla ako pinagpawisan ng todo. chaka hindi pa ko naglulunch nun D: buti na lang talaga nandun si geib at eki. kung hindi, baka tuluyan na kong nagcollapse dun.

naalala ko tuloy si JQ. may sakit kasi siya nung isang araw tapos gusto niya agad maglaro ng pump. sabi ko magpahinga na lang muna siya at huwag na muna maglaro dahil baka lumala pa yung sakit niya. tapos oh, ganun pala ang mangyayari sakin hahahaha tsk tsk.

10/21/10

okay, muntik ko na talaga idelete tong blog ko dahil kay jep. napakasinungaling kasi niya. sabi niya tinatamad siyang basahin to tapos malalaman ko binabasa niya na pala ng palihim?! what the heck. ang babaw no? sa totoo lang kasi hindi lang naman yun ang pinoproblema ko. may iba pang mga dahilan kung bakit ako naiinis. ganun kasi kabig deal sakin tong blog na to. hay whatever. liar.

10/20/10




YOU'RE A LIAR.



hindi na daw talaga muna ako mageenroll this semester for some reasons. baka sa june na lang ulit ako pumasok. panigurado mabobored ako. walang pasok, walang pera, walang gala. pucha hindi ako mageenjoy kapag nandito lang ako lagi sa bahay. hmm habang hindi pa ako pumapasok ulit, gusto ko na lang idaan sa kain ang lahat. pampatanggal boredom at para tumaba na rin ako. ayaw daw kasi ni jep ng ganito e. sabi ko sa kanya sana mataba na lang ligawan niya para matuwa siya. kaso ayaw naman niya. labo e no.

anyway, gusto ko talaga tumikim ng iba't ibang klase ng pagkain. gusto ko kumain ng limang beses o higit pa sa isang araw. gusto ko tumaba.

gusto ko ng mga pinoy na pagkain. gusto ko ng karne. ayoko masyado ng gulay. basta karne. as in baka o baboy. gusto ko ng maasim na maasim na maasim na sinigang na baboy. gusto ko yung maraming sitaw. gusto ko ng taba. gusto ko rin ng sinigang na hipon. pwede rin yung hipon lang. walang sabaw. yung kulay orange lang. gusto ko ng orange thing. gusto ko yung nabibili sa fatima, sa likod ng AMS building, sa tabi ng kantunan (tindahan ng pancit canton) gusto ko yung sauce nila ng orange thing tapos hahaluan ng suka (shet sarap) gusto ko ng beef gyudon. gusto ko ng tempura. gusto ko ng california maki. gusto ko ng sushi. gusto ko ng pumapak ng crab sticks habang gumagawa ako ng california maki. gusto ko ng alimasag o kaya alimango (what's their difference?) tapos uutusan ko si jep magtanggal ng shell. gusto ko ng rice na bagong luto. yung nakakapaso ng dila sa sobrang init at umuusok-usok pa. gusto ko ng longganisa na nabibili kay aling luming. tapos may crab and corn soup. gusto ko ng spam. yung hindi fried. gusto ko yung galing pa sa lata. gusto ko ng tilapia. pwedeng prito, pwedeng ihaw. pero mas gusto ko ihaw. isasawsaw sa toyo at calamansi. tapos kakain ako ng nakakamay (tangina sarap talaga) gusto ko ng fried rice. gusto ko ng tapsilog sa k2. gusto ko ng barbecue. gusto ko ng isaw. gusto ko ng gusto ko ng inihaw na hotdog on a stick. gusto ko ng mga tinda ni manong squid balls. gusto ko ulit ng orange thing. yung nabibili naman sa gilid ng laco. gusto ko yung hash brown nila. pati yung black gulaman. gusto ko ng big bite sa 7-11. gusto ko ng siopao na special. gusto ko yung asado. gusto ko ng ramen. gusto ko ng plus na orange. yung may picture ng batang nagtataekwondo (fuck i miss highschool! T^T) gusto ko ng french fries. gusto ko ng pasta. gusto ko ng bacon and cheese pizza. gusto ko rin ng pizzang mumurahin. yung puro ham at cheese lang. gusto ko ng baked macaroni. gusto ko ng lasagna. tapos may garlic bread. gusto ko ng donuts. gusto ko ng chicken sa chowking. gusto ko ng unlimited rice sa mang inasal. gusto ko ng bbq shakin shots sa kfc. gusto ko ng twister fries ng mcdo (okay napapaendorse na ko hahaha) gusto ko ng ice cream. gusto ko ng sundae. gusto ko ng banana split. gusto ko ng coke float. gusto ko ng buko juice. walang halong malisya! (defensive? haha) gusto ko ng santol juice na natikman ko dati. gusto ko ng prutas. gusto ko ng strawberry, mango, banana, cherry, apple, grapes, lemon, lime, mangosteen, melon, orange, papaya, etc (kahit anong prutas, wag lang durian!) pagkatapos ko kumain ng dessert, kakain ulit ako ng heavy meal. gusto ko ng karne ulit. gusto ko ng karneng napakalambot. yung parang lumalabas pa yung katassss. gusto ko ng pagkaing tunay. gusto ko masarap. gusto ko pag hiningi ko handa na agad ibigay. gusto ko pag kinain ko para akong nasa ulap. gusto ko para akong kumain sa labas. gusto ko yung savory yung lasa. gusto ko karneng karne talaga. gusto ko habang kumakain ako nanonood si jep naglalaway hahahaha! gusto ko kainin lahat magisa. gutom na ko. putangina.

10/18/10

okay public muna blog ko ngayon
hahahahahahahahahave fun :D
dinelete ko na yung draft ko nung isang araw. tungkol sa mga gusto ko dating sabihin sayo pero hindi ko masabi. dinelete ko na lahat. nasabi ko na naman lahat ng gusto ko sabihin e. nasasayo na lang yun kung ano ang next move mo. kung titigil ka na ba o magpapatuloy pa rin. hindi ko rin kasi alam kung mababalik pa yung tiwala namin sayo. walang wala na e. pero sana naman huwag mo na paabutin sa punto na pati yung respeto namin sayo mawala na rin.

huwag ka magalala hindi ako galit sayo. ayoko rin kasi magtanim ng sama ng loob sayo dahil kahit pagbali-baligtarin ko ang mundo, tatay pa rin kita. naiinis lang ako dahil niloko mo kami. sa totoo lang naaawa nga ako sayo e. awang-awa ako. kaso kasalanan mo rin naman e. kasalanan niyo ng malanding kabit mo. kaya wala na akong magagawa. choice mo yan diba? kaya huwag mo pagsisisihan. matanda ka na. kaya mo na sarili mo. goodluck!
nakakatuwa dahil may mga pumupuri sa primary picture ko ngayon kahit medyo napapangitan ako sa ichura ko. mukha kasi talaga akong retarded dun O___O at lalo pa akong pumangit dahil sakto yung mukha ko sa thumbnail hahaha

sabi nga ni JQ bilog na bilog daw mukha ko dun hahahaha ewan ko kung compliment yun pero kahit paano natuwa naman ako :D feeling ko kasi tumaba ako kahit hindi naman hahaha tapos kagabi nakausap ko si flip (kagabi lang kami ulit nakapagusap pagkatapos ng mahabang panahon) sabi niya ang cute daw ng primary pciture ko hahahah hindi niya naman ako madalas pinupuri e kaya napaniwala niya agad ako :D pero sabi niya mas gusto pa din niya yung long hair ko dati.

haaay wala lang. ang sarap lang sa pakiramdam na may mga kaibigan ako na laging nandyan para mang-uto hahahahah joke lang.

I need a caramel macchiato so make it a grande
A double shot espresso, extra whip on a latte
A Tazo passion or green shaken iced tea
And while you're at it, heat up a muffin for me
I wanna peppermint white chocolate soy milk mocha
Don't make it to hot, cuz I don't wanna choke-a
I want something else, wait a second or three
Yeah a pumpkin spice frap light blended coffee
I wanna triple grande cinnamon latte with soy
And a copy of Shep's book Beautiful Boy.
Give me something else, I want something to eat
Cuz a seven layer bar is my favorite treat.
I want a cream cheese Danish and a hot cross bun
And a poppy seed bagel, just for fun
Now that I have plenty of food
I got one more order so make it good
A tall caramel frap with caramel on top.
Flat lid two napkins don't spill a drop
Don't worry 'bout payment cuz I got a gift card
Hope this complicated order isn't too hard
But I really do hope I get my order for free
If not y'all gotta spit a rap back at me.

ahahahahahahah COOL! this was like two years ago~ pero ngayon ko lang to nakita XD at masyado akong natuwa ahahahah
FORWARDED EMAIL
AUTHOR UNKNOWN

Ngayong araw na ito, sa ating pagtatapos, mayroon akong dalang Transcript of Record. Ang estudyanteng may-ari ng transcript na ito ay nag-aral sa De La Salle University. Sa unibersidad na ito, kapag ikaw ay isang undergraduate, may ID number ka na nagsisimula sa “94” at pataas, kung lumipas ang isang buong school year at umabot ka sa 15 units na bagsak, masisipa ka sa paaralan.

Ang transcript na hawak ko ay mayroong 27 units ng bagsak. 12 sa mga ito ay tinamo ng estudyante sa iisang schoolyear lang. Ang isang subject ay kadalasang may bigat na 3 units. Kung iisiping mabuti, isang subject na bagsak na lang ay pwede na masipa ang estudyanteng may-ari ng transcript na ito.

Ang speech na ito ay hindi ko ginawa para i-acknowledge ang paghihirap ng ating mga magulang sa pagpapaaral satin. Hindi ko din ito ginawa para maghayag ng political statement, o kumbinsihin kayo na huwag umalis sa bansa at tulungan itong makaahon. Ang speech na ito ay para sa mga normal na estudyante na kagaya ng may may-ari ng transcript na hawak ko, dahil madalas, wala talagang pakialam ang unibersidad sa mga achievements nila. May mga awards na gaya ng “Summa Cum Laude”, “Best Thesis Award” at “Leadership Award.” Pero ni minsan, hindi pa ako nakakakita ng unibersidad na nagbigay ng “Hang-on and managed to graduate despite nearly getting kicked-out during his academic stay” award.

Maaaring isang malaking kagaguhan ang konseptong ito para sa karamihan. Bakit mo pararangalan ang isang estudyanteng bulakbol, bobo, tamad o iresponsable? Hindi ba dapat isuka ito ng unibersidad? Ito yung mga tipo ng estudyanteng walang ia-asenso sa buhay, hindi ba?

Ayun. Natumbok niyo.Iyun na nga ang dahilan.

Madalas, pag ang isang estudyante ay may pangit na marka sa paaralan, lalong lalo na sa kolehiyo, nakakapanghina ito ng loob. Nandiyan yung tatamarin ka mag-aral, nandyan yung iisipin mo “Ano pa kayang trabaho ang makukuha ko? Call center na naman o clerical? Ba’t kasi ang bobo ko. Kung matalino lang ako, sana, sa Proctor and Gamble ako, o kung saang sikat na kumpanya.”

Mas mahirap ang dinadaanan ng mga estudyanteng bumabagsak. Kahit na sabihin mong kasalanan nilang bumabagsak sila, hindi ninyo alam kung ano ang pakiramdam ng ganun. Madaling sabihin na “Kaya mo yan, mag-aral ka lang,” pero alam ba natin talaga ang sinasabi natin?

Kapag ang isang estudyante ay bumabagsak sa unibersidad, nandiyan yung tatawanan niya lang yan. O di kaya naman, ipagmamalaki niya pang “TAKE 5 NA KO!!!” o “Pare, magpi-PhD na ako sa Anmath3/Calculus/etc.” Pero hindi alam ng mga isang Summa Cum Laude kung ano ang nasa isip ng isang normal na estudyante sa tuwing matutulog ito at alam niyang pag-gising niya, kailangan niya na namang ulitin ang isang subject na nakuha niya na sa susunod na term.

Kahit kalian, hindi naging problema sa “Star Student” na sabihing “Nay, bagsak ako.” at hindi kailanman sumagi sa isip nila na “Paano kaya kung sa walang-pangalang kumpanya lang ako makapagtrabaho?” Dahil sigurado sila sa kinabukasan nila.

Huwag na tayong maglokohan. Grades are everything. Kahit bali-baligtarin mo iyan, hindi magiging patas ang mga kumpanyang kumukuha ng fresh graduates para magtrabaho sa kanila. Minsan din naman, nadadaan sa palakasan, pero ganun pa din. Kung hindi ka academically good, wala kang patutunguhan. Kung hindi man yun, mas mahirap yung dadaanan mo para lang makaabot sa prestihiyosong posisyon.

Kaya ngayong graduation, ang speech na ito ay inaaalay ko para sa mga estudyanteng lumagpak, muntik-muntikan nang masipa o yung sa lahat ng paraang pwede, ginawa na para lang makatapos. Gagawin kong patas ang mundo para sa inyo kahit isang araw lang. Kahit ano pa ang sabihin ng ibang tao, kesyo kasalanan mo man na pangit ang marka mo o muntik ka nang makick-out, saludo ako sa hindi mo pagtigil sa pag-aaral. Saludo ako na may lakas ka ng loob na harapin pa rin ang mundo kahit alam mong hindi ito magiging patas sa iyo. Saludo ako na kahit pangit ang transcript mo, taas noo ka pa rin ngayong graduation at proud na proud sa sarili mo.

Ano ngayon ang mangyayari sa mga graduates pagkatapos nitong graduation? Ayoko nang puntahan yung pwedeng mangyayari sa mga Cum Laude. Baduy. Alam mo namang may patutunguhan ang buhay nila e. Pero dun sa mga lumagpak, ano ang meron?

Maaring makakuha kayo ng mediocre na trabaho lang. Pwede ka rin swertehin, baka makapagtrabaho ka sa magandang kumpanya. Madami pang pwedeng mangyari. Huwag kayong mawalan ng pag-asa. Kung nung college, nagtiyaga kayo e ba’t titigilan niyo yung pagti-tiyaga ngayon?

Pwede ring ganito: Mag-aral ka ulit. Ipakita mo sa kanila na kung sisipagin ka lang, malayo ang mararating mo. Subukan mong patunayan sa kanila na kapag pinilit mo, kaya mo ring abutin yung naabot nila. Na hindi ka bobo, kundi tinamad ka lang.

Baka sabihin ninyo, drowing lang ako.

I’ve been on both sides. Naranasan ko na ring lumagpak, at muntikan na din akong masipa. Naranasan ko na ang umulit ng 4 na beses sa iisang subject. Naranasan ko na ang masumbatan ng magulang, kapatid at kung sino-sino pang propesor na walang pakialam sa pakiramdam ng estuyante. Naranasan ko nang hindi makatulog ng maraming gabi sa pagiisip kung paano ko na naman sasabihin sa magulang ko na may bagsak na naman ako. Kaya alam ko ang pakiramdam ninyo.

Akin ang transcript na ito.

Pagkagraduate ko ng college, ano ang ginawa ko? Eto. Nagtrabaho muna ng konti, tapos aral ulit. Kuha ng Masteral sa kurso ko. Hindi para sa trabaho o kung ano man. Kundi para patunayan sa sarili ko na noong mga panahong bumabagsak ako, tinatamad lang ako.

This is a rebellion. I raise my middle finger to every professor, over-achiever, naysayer and detractor THAT TOLD ME THAT I CAN'T MAKE IT. I raise my middle finger to every valedictory or graduation speech that only gratifies the university, those who were achievers in school or those who gratify the country when it’s supposed to be the graduate’s moment of glory. You are supposed to acknowledge EVERYONE. Even those who failed many times.

Kaya sa inyong mga graduates na medyo hindi maganda ang marka, para sa inyo ito. Kung kinaya ko ito, kaya niyo rin to. Imposibleng hindi.

KUNG SINO MAN SUMULAT NITO, MABUHAY KA! ANG HUSAY MO!

10/17/10

drafts deleted. haaaaaay~

will you ever notice me? until when am i going to wait? D:
PART 3

x: oi sino ba talaga to

o: search mo angel locsin para makilala mo ako.
x: siguro chaka ka
o: chaka my ass. te goodnight na. huwag mo na ko masyado isipin ha? itulog mo na lang yan. alam ko mahirap yang pinagdadaanan mo pero malalampasan mo rin yan.

- sarcastic talaga dapat yun last part XD

x: sino ba to? kainis ka bakit alam mo? i hate you :( sino ka ba kasi? pinapaisip mo ako sabihin mo na kasi kung sino ka para hindi na ko magisip. gusto ko lang malaman kung bakit nakalagay number mo sa phone ni manuel. are you one of his girls?
o: wait lang te, mamaya kita rereplyan huwag ka muna matutulog nageenjoy pa ko sayo :D

- kasalukuyan kong finoforward kay jep yung conversation namin kaya hindi ako agad nakapagreply dun sa unknown texter. pero habang tumatagal, napagcoconnect-connect ko rin. hindi pala niya kaaway yung elaine viaje. naisip ko siguro sa boyfriend niya yung number na yun tapos naghihinala siya na may babae yung boyfriend niya. kaya nagtetext siya ngayon sakin cinoconfirm kung isa nga ba talaga ako sa mga babae ng boyfriend niya. nung narealize ko na yun, sineryoso ko na yung pakikipagusap sa kanya~ dahil ayokong nagtritrip sa relasyon ng iba :3

x: sino ka ba kasi? sobrang confused na ko wag mo na dagdagan please. i can't stop thinking.
o: ate eto lang masasabi ko, my name isn't elaine viaje. hindi ko kilala si manuel. hindi niyo ako third party dahil may boyfriend din ako. wrong number kayo :D
x: ah ok thanks. hay nabawasan sakit ng ulo ko pero bakit may number ka sa kanya kung hindi mo siya kilala hay
o: ano ba full name ng boyfriend mo?
x: emmanuel f. bado, ue ka ba nagaaral? baka kasi kaklase mo siya kaya siya may number mo. hay paranoid hmp
o: ate, wala akong kilalang ganun. i swear. kung naghihinala ka sa boyfriend mo, siya mismo ang iconfront mo para malaman mo ang totoo.
x: hindi ko siya boyfriend. husband ko siya. married kami kaya ako ganito. hay sige salamat pasensya niya.

- nung binanggit niya na sa ue nagaaral yung boypren niya, naisip ko si eki o si earl~ baka isa sa kanila nakitawag o nakigamit ng cellphone para itext ako tapos nastore yung number ko dun! O___O pero mas nashock ako nung sinabi niyang husband na niya yun!!! grabeee.

o: oh my god, for real?! sorry ate. sorry if i acted like that. i didn't mean to make fun of you. akala ko kasi nantritrip ka lang din. you don't have to worry, i really don't have any connection with your husband. i just don't know kung paano napunta number ko dyan. again, i'm sorry. goodnight.
x: pasensya na din sa pangiistorbo. ayoko kasi siyang iconfront lagi siyang galit. kaya ang aawayin ko at icoconfront ko yung babae kaya i thought ur one of them. mali pala. sensya na bye.

- i didn't thought na asawa na pala niya yun O____O hindi ko na sinabi sa kanya yung tungkol kay eki or earl. baka kasi lalo pa siyang maconfuse. at least sigurado naman akong hindi ako isa sa mga babae nung asawa niya XD grabe talaga. sa dinami-dami ng pwede ko mapagtripan, bakit magasawa pa? tsk tsk. i feel so bad. karma, stay away. please? ;p
PART 2

x: oi ano miss bruha nakita mo na ako? nahiya ka siguro ngayon dahil kilala mo na ako


- at dahil nauto nga ako nung unknown texter na to, naisipan kong hanapin yung name niya sa facebook XD ahahahahahah

o: oo, nahiya nga ako sa ichura mo. kasing pangit ng ichura mo yang ugali mo.
x: talaga? insecure!

- at yun na lang ang nasabi niya ahahahahahahah ay nako!! e nagsasabi naman talaga ako ng totoo e :DDDDD

okay medyo nageenjoy na ako dito :D sayang kasi matutulog na ko ngayon. pero pag nakareceive ulit ako ng text galing sa kanya, hindi ko na talaga palalampasin nyahahah

10/16/10

PART 1

x: oi

o: sino ka?
x: ei sino ba to kasi nakita ko yung number mo sa phone ni manuel
o: who are you? the hell?
x: can u please answer my question? what is ur relation with him?
o: i don't even know what you're talking about. i keep on receiving text messages from your number these past few days but i just ignored you since your number isn't stored in my list. i have no idea who the hell are you so please stop bothering me. you're wasting my time.
x: i'm not wasting ur time i'm just asking a question. kung kilala mo ba si manuel bado oo lang o hindi diba? kung sinagot mo edi sana tapos na kasi may number ka sa phone niya walang pangalan di naman kita itetext kung wala yung number mo dun
o: if i knew somebody named manuel, i would probably care exchanging information with you. i already told you i don't know what you're talking about. don't bother asking me any more questions because i don't give a damn.
x: is this elaine viaje?

- hindi ako nagreply. pero after ng ilang minuto nagtext ulit siya.

x: ur so arte freak ka naman
o: hahaha ang cheap mo.
x: totoo naman taba

- sinearch ko sa facebook yung mga pangalan na binanggit niya XD at sakto may nakita akong elaine viaje na medyo mataba hahahah hula ko magkaaway tong dalawang to e

o: you know what? you need to go to school :D grow up, little kid. and oh, if you're looking for elaine viaje, why not use facebook? it's easier that way. actually i searched for her name, is she an FEU student? haha you're full of bitterness. i feel bad for you. you're lucky because i'm not in the mood right now making fun of people like you.
x: ah search mo naman debbie delacruz para makita mo ko haha

- okay parang wrong move ako dito ah? XD ahahah

ang taray ko ba?????! ahahhahahah not really~ actually mabait ako sa personal XD medyo masungit lang ang dating ko ngayon dahil badtrip na nga ako maghapon, sasabayan pa ng nakakainis na unknown texter. ayoko lang talaga ng mga makukulit na unknown texter tapos hindi magpapakilala. leche. panira ng gabi. nako te! kung sino ka man, swerte mo lang talaga!
oh blog, i missed you! sorry kung hindi kita nauupdate ha? ngayon lang kasi ako nagkaron ng time. well, gusto ko lang naman ikwento sayo yung mga nangyari sakin nitong huli.

sembreak ko na. but guess what? hindi ako masaya.

ano ba kasing meron kung sembreak? chance to rest? break from school works? siguro para lang yun sa mga kabatch at kakilala kong todo effort sa first year first semester nila. pero sa katulad ko.. i don't know. hindi ko kasi talaga kinarir yung first year first sem ko. ni hindi nga ako nathrill sa mga major exams e hahahah samantalang yung iba super stressed! XD

siguro hindi pa talaga ako nakakamove on sa highschool kaya papetix petix lang ako nung buong semester. kaya nga medyo nahihirapan ako ngayon e hahahahah takte nagsisisi ako ngayon kung bakit hindi ko inayos tong pinakaunang semester ko. kung sa bagay marami rin kasing naging conflict kaya nawalan ako ng gana nung simula pa lang. mabuti na nga lang at nagkaron pa ako ng mga kaibigan :D (at least!)

hmm kaya din siguro hindi ako naeexcite sa sembreak e dahil hindi ako mageenroll next sem. kinailangan ko kasi magstop for some reasons. so baka sa june na ako magenroll ulit :3 yeah. it sounds exciting kasi makakapagpahinga ako totally. as in no school works at all :D pero at the same time, pahinga rin ako sa income. syempre paano ako magkakaron ng pera kung hindi ako papasok? no school, no allowance D:

sa ngayon, hindi ko pa talaga alam kung anong gagawin ko mula november to june. gusto ko sana magpart-time job kaya lang masyado akong tamad umattend ng mga seminar D: magsstop din pala si eki next sem kaya kung anu anong trip ang naiisip namin. pero pareho naming pinoproblema yung kawalan ng income so paano namin maisasagawa yung mga trip trip? T^T sana naman sipagin kami maghanap ng job~ at sana makahanap kami ng matino-tino :D and not those lame networking shits.

10/15/10




please don't cry my dear..
because my heart breaks when you're sad D:



10/14/10

"I failed in some subjects in exam, but my friend passed it all. Now he's an Engineer in Microsoft, and I am the owner." -Bill Gates

- oh yeah XDDD

10/12/10

may nakilala ako sa facebook na PIU player sa singapore named JQ :D i really enjoy talking to him kasi tingin ko matalino siya! kahit malayo siya, ang dami ko pa ring natututunan sa kanya. ang dami naming napaguusapan, since the day that i asked him if he can be my friend, until now hindi kami nauubusan ng topic XD

kaya lang grabe nosebleedan makipagusap sa kanya!! PURE ENGLISH nyahahahahahah e ang galing pa naman ng grammar niya! syempre ako ayoko magpatalo hahah bumabanat rin ako ng english nyahahahah at natuwa naman ako nung sinabihan niya ko na magaling daw ako magenglish XD hindi daw kasi lahat ng pilipino mahusay (but it doesn't mean na dinodown niya yung mga pilipino or something..) wala lang natuwa lang talaga ko~ buti pa yung taong hindi pa ako masyadong kilala, cinocompliment ako XD samantalang yung -- ayoko na nga magsalita :D hahahahaha

ohh i just love the good feeling of having intelligent conversations with intelligent people ♥

10/11/10

bagong foot spa at pedicure pala ko ngayon! nanibago nga yung nagfoofoot pa sa salon e. sabi niya parang mas bumigat daw yung paa ko ngayon D: sabi ko dahil yun sa nilalaro ko (PIU) oh well, hindi naman talaga tungkol dun tong entry ko. gusto ko lang ishare yung nabasa kong article sa magazine na binabasa ko habang nagpapafoot spa ako~ it's about BLOGGING :D"The truth is; blogging has gotten me in trouble more times than I'd like to admit. There was the time my mother got mad because I had devoted a number of entries to her flair for melodrama. It was undeniably worth writing act, of course she got mad, it's even more melodrama. Then one time another blogger decided to steal entries from mine and other people's blogs and decided to pass them off as her own. She was able to build this whole online "persona". And we tracked her down. Then there was my break up, which became everybody's business. My entries about him made my readers fall in love with my ex. When it was time to end that relationship, I did not blog about it. But he did, and the situation got messy. Still, these things didn't stop me from blogging."

tinype ko lang sa cellphone ko yung first part e~ hindi ko na nakopya yung buong article dahil tinamad na ko D: pero ang gusto talaga iparating nung writer, from the title itself, "Why I stopped blogging?"

nung nagsisimula pa lang daw siya, nagbloblog lang siya dahil gusto niyang makwento yung mga bagay na nangyayari sa pangaraw-araw na buhay niya. nung tumagal, sinubukan niya itrack yung mga bumibisita sa blog niya at nagulat siya dahil marami na palang nakakapagbasa nun. naging malaking parte na ng buhay niya yung pagbloblog. to the point na hindi niya mapapalampas ang isang araw ng hindi nakakapagpost ng entry. she blogs about everything. ultimo maliit na bagay tungkol sa buhay niya tulad ng kung anong kinain niya for dinner o kung ano yung bagong bili niyang damit. everything about her is online. marami na siyang nakilala sa pagbloblog. bloggers and blog readers. she even gained fame by blogging~ minsan pag pumupunta siya sa malls may magaapproach sa kanya at sasabihin na natutuwa sila sa blog niya. she find it sweet. but later she realized, it's too much already. or something like that.

after seven years of blogging, she decided to stop. mas gusto na lang niya munang magfocus sa offline life niya at maglie-low sa online life. nasobrahan na siya sa attention ng ibang tao. gusto niyang mamuhay ng tahimik at maglibang ng hindi niya iniisip kung paano niya isusulat yun sa blog niya maya-maya. hinahanap ng mga blog readers niya yung presence niya, hinihintay na makapagpost siya ulit. nagexplain naman siya at nagsorry sa kanila. hindi naman daw niya tinalikuran yung pagbloblog. she's still ready to blog if given a chance, pero hindi na kasing adik tulad ng dati :D

"I had become the star of my own online reality tv show when I should have been concentrating on living my life."

ohhh nakakarelate ako :DDD she got a nice point there.. pero hindi ako umaagree sa lahat ng sinabi niya. parang nakapagbigay lang siya ng idea kung anong posibleng mangyari kapag nasobrahan sa pagbloblog.

ayokong dumating sa point na gusto ko na rin tumigil magblog. i can't even see myself not blogging anymore. oo, minsan nakakatamad. pero hindi ako nagsasawa. and as much as possible, i try to update this blog everyday para hindi talaga ako magsawa :3 malaki rin naman kasi ang natutulong sakin nitong blog. bukod sa meron akong napaglalabasan ng feelings at ideas, nagkakaron din ako ng record ng mga pangyayari sa buhay ko. i have a bad case of short term memory, eventually makakalimutan ko rin yung mga simpleng bagay na nangyayari sa pangaraw-araw. pero kapag meron akong ganitong blog, hindi na to mawawala.

balik dun sa article, siguro kailangan lang talaga nung writer/blogger na ibalance yung offline at online life niya :3 masyado niyang kinareer ang blogging kaya siguro nawalan na siya ng time para sa reality. don't forget that too much of anything isn't good.
tandang tanda ko pa, meron akong ganitong baby doll nung bata pa ako!! XD pumunta sila nanay (lola ko), tatay (lolo ko) at si madur sa states nung 2001. mga 6 months siguro sila nagstay dun. pare-pareho kasi silang nakakuha ng multiple visa. tapos nung umuwi sila, binigyan ako ni nanay ng doll :D mukha siyang totoo. as in parang tao talaga! pwede siya suotan ng damit tapos may pacifier pa~ pinangalanan ko siyang GIGI (JIJI) kasi nakasulat dun sa isang shirt niya "gigi" siguro yun yung brand ng toy na yun or what.

tuwing umaalis ako ng bahay kasama ko si gigi. for example may lakad, pupunta sa mall, pupunta sa kamaganak, out-of-town vacation, o kaya kahit sasama lang ako pag namamalengke hahahaha feeling ko kasi baby ko talaga si gigi :D akala din tuloy nung mga nakakakita nun, totoong baby yung binubuhat ko XD

tapos naaalala ko rin nung grade 2 ako, pinagdadala kami ng laruan. tapos dinala ko si gigi. kasya naman siya sa trolley ko nun e. nung nakita ng mga kaklase ko, syempre naging center of attention ako XD tapos yung math teacher namin, akala niya totoong bata yung dinala ko hahahahahaha pero kapag napapagalitan ako dati, ang punishment sakin tinatago nila si gigi T_____T tapos sad ako aww D: hindi ko na maalala ngayon kung saan na napunta si gigi~ i don't know if pinamigay na ni nanay bago siya madeads. o kaya tinago lang nila tapos nakalimutan ko na hanapin. ewan ko kung nasaan na si gigi ngayon. sayang namimiss ko na siya.

meron pa kong isang toy nung bata ako e.. pero next time ko na lang ipopost dito kasi hindi ko pa naiiscan yung picture~
okay change of plans. yung sa k-on na lang daw muna icocosplay namin ni geib next next convention. sa susunod na yung sa alice academy. kaya lang namromroblema ako sa k-on character na icocosplay ko kasi hindi ko naman alam yung personality nung character na yun -___- kung hindi lang dahil kay geib, mas gusto ko sana talaga si hotaru na lang! pero okay lang rin naman yung icocosplay ko sa k-on. ang cute rin naman nung outfit e :D

10/9/10

ganito itsura ko pag long hair hahahahahahahhahahahhahahah gosh i'm so gay! - sus akala mo hindi ako long hair dati e no? hahahah ohh i miss my hair two years ago D:

10/7/10

okay nawala ang galit ko sa kanya dahil papahiramin niya daw ako ng the sims 2 installer :3 ahahaha opportunista much? XD nahh, masyado lang talaga akong naiinggit sa sims niya T_____T

goo jep pyo,
okay bati na ulit tayo ha ♥
aww that panda si mean D: ahahahahahahah

takte hindi ako makamove on sa advertisement na to XD funniest ad i've ever seen!! ang harsh nung panda pero pag tinititigan mo siya, hindi mo magagawang magalit dahil sobrang cute niya ahahahahah

never say no to panda!! SAY YES OR DIE? ;p

HAPPY BIRTHDAY FLIP!

3 years na kitang beastfwend hahahahah
kaso hindi ka na nagpaparamdam ngayon..
aww

naglalaro si jep ngayon ng sims 2 T______T at malapit na akong mamatay sa inggit!! tapos nung nagiisip siya ng pwede ipangalan sa sims niya, bigla niya naisip yung...


GOO JEP PYO

at

GEUM JIASHI


hahahahahhahaha pwede? PWEDEEEEEEEEE!!

10/6/10

it's so sad to see a baby like her undergo such surgeries D: but it's very inspiring to see her fight and survive despite her prematurity :D

good thing, Kayleigh is so strong as well as her family! God is really the greatest!

oh yes, i cried. so you better prepare tissue as you watch this video.

hey, don't forget to follow Kayleigh Anne Freeman's story!
pinakita sakin ni geib yung facebook fan page ni pinoy jun pyo (alfredo palmiery jr.) at natuwa naman ako dahil kahawig nga talaga niya si lee min ho!! hindi niya masyadong kamukha pero kahit anong angle ng mukha niya nareresemble niya si lee min ho :D he's also a cosplayer~ syempre si gu jun pyo ang ginagaya niya :Dwhile looking at his page, i was surprised when i found out that he just died three days ago!! (june 21, 1989 - october 3, 2010) O_______O nagbasa-basa pa ako ng posts dun at nalaman kong car accident pala ang ikinamatay niya! and guess what? engaged siya! parang sa meteor garden lang diba.. wuhhhh until now i still feel some goosebumps.

it's just so sad that he died too young. kawawa naman yung fiancee niya. at tsaka konti na nga lang yung maswerteng may ganung mukha, madedeads pa ng maaga T______T it's really sad.. maybe if he was still alive, he would attend otaku expo '10 and i might even get a chance to meet him personally! sayang!

rest in peace, pinoy jun pyo.

10/5/10

hello diana. nakadisable yung comments sa blog mo kaya dito ko na lang ibibigay yung feedbacks ko regarding sa blog post mo.

- interesting siya basahin (lalo na kung may alam yung reader tungkol sa personal life mo) medyo nakikita ko si jian sayo e :DDD

- ganda ng flow ng story! hindi nakakaboring basahin! galing ng transition from love story to thiller~

- yung sa baliw part.. sa text message yung idea nun e diba? (if i'm not mistaken) kahit nabasa ko na siya dati, at medyo naging familiar na ako sa pwedeng maging ending, nafeel ko pa rin yung takot XDDD in short, ang galing ng remake mo!

- and last but not the least, perfect spelling and capitalizations & you got awesome tagalog grammar! ang husay mo magtagalog hands down ako!! bumabagsak kasi ako sa filipino subject ko dati e T_____T pilipinong pilipino pa naman ako, bobong bobo sa tagalog err.

hmm dapat pala hindi ako yung tinatawag mong idol e. ako dapat tumawag sayo nun!

basta ayun.. negenjoy ako :D
what if.. icosplay namin yung twisted princess series?

si geib si sleeping beauty.

si eki si cinderella.

si jacinto si alice in wonderland.

si olivia si pocahontas.

si booh si mulan.

at ako.. ako si princess jasmine! :D

nyahahahah babaeng babae pota XD siguro si booh papayag pa kay mulan~ pero yung sakin.. prinsesa pa ahahah! tapos sumakto pa na medyo daring yung damit ni jasmine emf. but i think it would be cool when we try cosplaying them :D creepy but cool version of princesses~ kaso ang daming gastos nun shit ahahah
kahit ano pang hair style at hair color mo
mahal na mahal pa rin kita ♥

sana next time yung favorite color ko naman..
LIME GREEN! AHAHAH
joke lang labyu XD
naaalala ko pa nung first year highschool ako, usong uso yung punk rock pati na rin yung musical instruments. nahook ako sa ganung genre and at the same time determinado din akong matuto ng gitara at drums.

habang naglalaro ako ng faerieland dati sa computer shop namin sa lepanto, tandang tanda ko pa nasa pc number 35+ something pa ako nun! alam ko kasi malapit yun sa cr e. dun ako sa dulo naglalaro mga pc number 30 to 40 hahah XD so yun nga, habang naglalaro ako, napatingin rin ako sa friendster profile ni patrick pelino (o2jammer siya. friend ni jude moreno na kabatch kong o2jammer din. at nung tumagal nalaman kong kakilala din pala sila ni james gugol na close friend kong o2jammer din. putangina ang daming pangalan ang nabanggit! hahahahaha) o2jammer player rin ako dati pero hindi ko siya naging friend dahil sa o2jam.. kundi dahil pareho kaming magaling marunong magletter art :D pero wala naman talagang kinalaman yung o2jam at letter art sa totoong kwento ko~ sa kanya ko nadiscover yung my chemical romance. background music niya dati yung kantang welcome to the black parade sa friendster profile niya. pero nung time na yun, hindi pa narerelease yung music video kaya hindi pa ganong sikat yun. nagandahan ako sa kanta na yun kaya sinearch ko yung tungkol sa my chemical romance. (o diba ang haba ng connection namin pero ang bottomline hindi rin pala talaga kami magkakilala ahahahahahahah)

anyway, balik sa kwento. naadik naman ako sa my chemical romance. at nainlove ako kay gerard way. lead singer ng my chem.

nung tumagal, lalo pa akong nahook sa my chemical romance. bumili ako ng three cheers for sweet revenge at the black parade. kung meron nga lang sana akong nakita na i brought you my bullets, you brought me your love at life on the murder scene dito sa pilipinas, baka binili ko rin yun. dahil kay gerard way, lagi na akong naglalagay ng eyeliner! (wala e lab ko talaga siya) akala nga nung iba punk punk na rin ako e ahahahah leche!! hindi naman talaga XD tapos yung iba naman iniisip pampaganda ko daw yun! yakk naman! mas lalong hindi no!! naging favorite store ko yung american boulevard kaya dun ako lagi bumibili ng black shirts. every night ko plineplay yung album nila sa disc man ni kuya france. pampatulog ko yun kahit napakaingay ng mga kanta nila sa 2nd album. gumawa ako ng music video ng welcome to the black parade orange version (ginaya ko lang yung original music video pero yung mga tao dun puro orange na may drawing na mukha) nagpost rin ako ng video sa youtube na naggigitara ako ng cancer (nahihiya ako pag naaalala ko puta) naging ultimate crush ko si gerard way (tinutwo time ko sila ni randy orton ahahahhahah) basta marami pa.

kaya lang hindi ko na alam ngayon kung nasaan yung mga album ko hahahah yung three cheers naiwan ko yata sa bahay ni nanay e. tapos yung black parade may hayup na nagnakaw yata nung mismong cd sa school. naiwan lang sakin yung case. leche. basta pag narelease yung danger days: the true lives of the fabulous killjoys bibili talaga ako!! :D

haba ng kwento ahahahahah wala e, sila lang kasi talaga yung banda na minahal ko ng bongga :D
the official music video is not out yet but i'm already loving this lyric video! the song is kinda catchy! :D although the lead vocals doesn't sound like gerard way's voice O_____O hindi ko alam kung naninibago lang ako dahil matagal ko ng hindi napapakinggan mga kanta nila o sadyang nagiba lang talaga boses niya ngayon. oh well.. i love him/them still ♥
twisted princesses series ♥

SO FREAKIN' COOL.

made by jefftoon01~

10/4/10

"Just walk it. Just talk it. Just preach it. Just pray it. Just teach it. Just tell it. Just live it. Just give it. Just wear it. Just share it. Just shout it. Just sing it. Just proclaim it. Just prove it. JUST DO IT. Live for Jesus."

- nabasa ko sa shirt nung mamang nakasabay ko sa jeep. ewan ko lang kung nike shirt e. siguro hindi. siguro oo. nakaemphasize pa kasi dun yung just do it e XD

wala lang. nacoolan lang ako :D
ako lang siguro ang taong hindi mahilig sa ice cream O_______O

not unless..
rocky road~ kung hindi lang ako mahilig sa chocolate baka hindi na talaga ako titikim ng pangkaraniwang ice cream XD
nestle drumstick with kitkat~ ohh sarap nito XD actually gusto ko lang talaga yung kitkat na part e! chocolate pa rin hahahaha
sundae cone~ yung normal na mabibili na vanilla sundae na nasa cone! ayoko nung sugar cone err hindi ko type lasa nun! unless sa drumstick XD
banana split~ saraaaaaap!! tae nagcracrave tuloy ako dito ngayon T_____T everytime na lang na makikita ko to sa picture haaay
strawberry sundae~ ohh i love this ♥ siguro dahil rin sa strawberry fruit XD my favorite fruit yey!
dippin dots~ ice cream of the future! XD ahahah dito kahit anong flavor gusto ko!!! pero favorite ko yung banana split at bubble gum yey XD

o partida hindi pa ako mahilig nyan sa ice cream ah!! what more kung mahilig pa ako? ahahaha i really don't know why i'm not fond of eating ice cream OwO kanina bumili si ate ng nestle na three flavors.. isang scoop lang suko na ko -_____-
i skipped classes today. sorry.

pinapunta ako ni jaye sa north tapos pinasunod namin si dan. usapan kasi namin ni dan mangheheram ako ng notes sa kanya sa chemistry. habang hinihintay namin si dan, naglaro muna ako ng nx. it's been a week since the last time i played nx T_____T anyway, nakakatuwa yung nakita kong twins na naglalaro ng nx :D actually matagal ko na rin sila nakikita sa north naglalaro ng ddr at kung anu ano pa. wala lang ang cute lang nila tignan :Dokay bigla ko lang naalala ngayon, hindi nga pala sila twins! tinanong yata ni magkapatid lang pero hindi kambal~ akala ko kasi talaga nung una twins sila e! pareho sila ng aura ahahah! yan lang yung picture ko sa kanilang dalawa e kasi hindi ko naman sila kilala personally! dibale magkamukha pa rin naman sila kahit nakatalikod ahahahahah

kaya din pala nandun si jaye kanina, kasi balak na niya magexam para makasali sa fz. ang tindi rin nitong si jaye e! sa fz nageexam siya tapos sa subjects niya hindi hahahahah naiisip ko tuloy parang kasalanan ko pa dahil tinuruan ko siya magnx kaya nasayang nanaman ang isang sem niya XD ilang semester na ang nasayang dahil sa pagloloko niya dati! bad! anyway, nakapasa naman siya sa fz e~ at si kuya rocky mismo ang examiner niya! O____O ohhh
habang hinihintay ko matapos magexam si jaye, dumating na sila eki at geib. nagtext kasi sila na pupunta sila dun kaya hinintay ko rin sila. pero nauna na dumating si dan. then nung dumating na si geib at eki, pinakita ko sa kanila si kuya rocky :D kinwento ko yung mga nalalaman ko tungkol kay kuya rocky at naamaze naman silang dalawa! kaya nga crush na naming tatlo yun si kuya rocky e ahahahahah at medyo determinado na akong sumali ng fz nung nakita ko siya kanina XD (pasensya ulit kung likod nanaman ang kuha sa picture T^T)tapos nun nagpaalam muna ako kay jaye at dan na kakain lang kami nila geib at eki~ kumain kami sa food court sapagkat dun lang ang pinakamalapit na kfc! kaya lang hindi ako nakakain ng paborito kong shakin shots dahil nabusog agad ako sa steak err.

habang nasa wof pala kami kanina, nakita namin si ate shawie dun (elaine) :D pero hindi kami nakapagpicture picture! tapos nagkita rin ulit kami sa food court kaya dun na lang kami nagpicture :D minsan lang kasi kami magkita kita kaya ayun sinamantala na.
pagkatapos nun kung saan saan na kami pumunta. comic alley, fully booked (nakita pa ako ni cabbe dito! hahahah), national bookstore, picture picture kung saan saan.. tapos inaya ko pala sila bumili sa snowflakes! nakita ko kasi may nakasulat "taiwan's #1 ice cream" something like that XD bigla kong naalala si kuyang taiwanese na crush ni geib sa uste hahahah e sakto naman na nagkakaayaan kami bumili ng strawberry sundae! buti na lang may strawberry din dun sa snowflakes! :Dmasarap naman :D not bad para sa 40 php! yung fresh strawberry talaga nagustuhan ko dun e! i love strawberry fruits ♥

tapos... hmm umuwi na rin kami. wala naman masyadong ginawa e. pero nagenjoy ako syempre kasama ko sila :D



happy birthday Nanay ♥
i love you and i miss you. still.



hindi ko pa rin nauupload hanggang ngayon yung mga pictures namin sa fil-kor culture fest! T^T ewan ko ba kung ano ang nagloloko! usb port? usb cable? mismong camera? o yung memory card? tsk tsk

nagkataon pa naman na hindi ko masyadong ginamit yung cam phone ko kasi iniisip ko nga may dala naman akong camera! at mas masaklap pa e nandun sa camera yung magagandang pictures! haaay sayang talaga. sana naman this week maupload ko na yun.

10/3/10

hindi ko muna ipopost dito yung mga nangyari kahapon sa filipino-korean culture fest sapagkat hindi ko pa nauupload yung mga pictures namin T______T nakakainis yung usb cable ko e ayaw makisama wuhh.

10/1/10

kung ako ay tunay na lalake hindi ko hahayaan na hindi ko matitira kahit dalawa lang sa kanila hahahahahah alam mo yung kahit hindi naman sila ganun kaganda pero akit na akit ako! hindi ko alam kung bakit XD hahahahh tangna.
okay, tingin ko kailangan ko na talaga magpakatotoo dito sa blog ko since ako na lang naman ang nakakabasa nito ngayon. nung nakapublic pa kasi to, medyo pigil pa ako sa pagshashare. baka kasi may maligaw at makabasa nung mga sinusulat ko kaya hindi ako ganun kaopen.

---

hindi ako sigurado kung hanggang kailan ako magbloblog o kung kailan ako titigil magblog. hindi ko naman ginagawa to para lang sa mga taong gusto maupdate sa mga kaganapan sa buhay ko (kung meron man hahaha) at lalong hindi ko to ginagawa para lang masabing naguupdate ako ng blog! babaw nun pare! kung ganun lang ang dahilan ko, tatagal ba ako ng 5 years sa pagbloblog?! hindi rin.. sa totoo lang kasi, nageenjoy talaga ako tuwing nagbloblog ako :D hindi ako mahilig magkwento sa ibang tao, pero dito sa blog ko kampante ako magshare. so kahit papaano, nailalabas ko pa rin yung mga dinadamdam ko. no suicidal tendencies hahahahah shit.

sana nga hangga't kaya ko pa, magbloblog pa rin ako. kahit matandang matanda na ko o mayaman na mayaman na ko, magbloblog pa rin!! ahahahah hindi ako magaasawa! magaampon lang ako ;p katulad ng plano ko dati pa. anyway, basta magbloblog pa rin ako kahit anong mangyari :D para pagtanda ko matatawa na lang ako sa mga kagagahan ko hahahah
ako na lang nakakabasa nito ngayon. tangna kasi e parang nababasa rin ni jep yung posts ko e. nakakababa. err
pasensya na, hindi ko mapigilan sarili ko na iupload to dito sa blog ko. sobrang natutuwa kasi ako sa ichura ko dito ahahahahahahahahahah parang batang may masamang balak sa kalaro :D