9/30/10

Summer has come and passed
The innocent can never last
Wake me up when September ends

okay september is about to end.. and the last day of september is my real birthday. pero pili lang yung mga taong nakakaalam ng totoong birthday ko. karamihan kasi june 4 ang alam nilang birthday ko kaya dun nila ako naaalala. but today, september 30, is really my birthday.

ishashare ko lang yung ginawa ko maghapon (na buong akala ko e magiging normal na araw lang) :D

pumunta si eki dito sa bahay kaninang 9 kasi nangheheram siya sakin ng pera para makabili na siya ng p3. tapos pinaheram ko naman siya. e mga 10:30 pa daw next class niya kaya tumambay muna siya sa bahay. ako naman 12 pa pasok ko. tapos habang naglalaptop siya, sabi ko tara cam whore tayo. at ayun nagcam whore naman kami
pagtapos namin magcam whore nagdecide siya na wag na lang pumasok sa computer class niya. mga 1:30 na lang daw siya papasok, sasabay na lang siya sakin lumabas ng bandang 11:30. kaya lang mga 12:30 na nakarating si ate, pagdating ko sa chemistry edi 1 hour late na ko! kaya nagdecide rin ako na wag na lang pumasok ahahahahah sabi ko sasamahan ko na lang siya bumili ng p3.

tapos nung napadaan kami sa mcdonalds sabi ko, eki gusto ko ng sundae last last week pa ko nagcracrave sa sundae T^T kaya sabi niya magsundae daw muna kami :D tapos bumili kami pareho ng large cone!! ang gara nung crew ang daming nilagay na ice cream sakin parang very very large yun e!
pagtapos kong masatisfy sa sundae, dumiretso na rin kami sa sm north para maghanap nung p3. ayy dumaan pa pala kami sa stall ng cherry mobile sa victory at grand kaya lang hindi rin dun bumili si eki. nung nasa annex na kami, nakabili rin agad si eki ng p3. tapos habang naglalakad lakad kami sa cyberzone, may nakita akong poster ng boyfriend ko hahahahahahaha kaya medyo kinilig kilig pa ako nung mga oras na yun hahahahhahahnagkatinginan lang kami nung boyfriend ko tapos umalis na rin kami ni eki. dapat pauwi na kami nun pero nung nakita namin yung kfc, sabi ko bibili muna ako ng paborito kong shakin shots. tangna naaadik ako dun hindi ko alam kung bakit ahahahahah tapos ayun nagcam whore lang ulit kami.tapos gumawa rin pala kami ng video para kay geib at booh :D
pagtapos nun, umuwi na rin kami.

nung nasa mcu na ko, tinawagan ako ni ate. sabi kain daw kami. kaya pumunta na ako sa mc kasi dun siya naggrocery. then kumain kami sa greenwich. habang naghihintay kami ni ej, vinideohan ko muna siya. sabi ko batiin niya ko ng happy birthday kasi birthday ko ngayon :D at ginawa naman niya hahahahah
o diba parang ang daming nangyari ngayong araw na to kahit konti lang naman talaga yung ginawa ko :3 nagcam whore lang kami ni eki, nasatisfy ko na yung pagcracrave ko sa sundae, nakita ko yung poster ni lee min ho sa cyberzone, natikman ko ulit yung paborito kong shakin shots, kumain lang kaming tatlo ni ate at ej sa labas, nakatanggap lang ako ng greetings sa mga taong nakaalala talaga sakin, NAGING MASAYA NA KO. hindi na kailangan ng maraming handa at bisita.. basta yung idea na may nakaalala sakin, sapat na :D

basta masaya ako ngayon! yun na yon! tapos!