9/16/10

mga 11 pm kagabi, nagpapahintay siya sakin magoonline daw siya. sabi ko kailangan ko matulog ng maaga kasi 7 am pasok ko kapag thursday. pero nangulit talaga siya kaya pinagbigyan ko na. hindi ko na namalayan yung time, napansin ko na lang 12:30 am na kaya nagpaalam na ako na matutulog na ako. habang nakavideo call kami, nakatulog ako.

sandali pa lang ako nakakatulog nun, tapos nagising ako dahil sa ring ng cellphone ko at dun sa video call. tawag ng tawag si jep. dinivert ko na lang yung phone ko tsaka minute ko yung laptop. at natulog na ulit ako. tapos kaninang umaga pagtingin ko sa phone ko punong puno yung inbox. flinood ako ni gago.

nakakabadtrip tangina. hindi ko siya magets. kung iisipin yun, ang liit liit na bagay lang nun e. pero mas nakakainis isipin na mababaw na bagay lang, hindi pa niya magampanan. what more yung malalaking bagay na?

ayoko ng nagaaway kami. pero ayoko din naman ng ganito kami. pinagbibigyan ko naman talaga siya na magusap kami hanggang gabi e, kaya lang sana wag masyadong late kasi minsan maaga pasok ko. pero bakit ganun? parang kulang pa yun sa kanya -____- hindi pa ba sapat yung pagbibigay ko?

i understand his imperfections. pero wag naman sana dumating sa punto na mas marami siyang nagagawa na nakakainis kesa sa ikatutuwa at ikabubuti ng relasyon namin.

he's being immature na. i swear.