9/21/10

ikaw! alam mo ayokong maniwala na ginawa mo nga talaga yung mga chinichismis nila tungkol sayo. hindi kasi ganun ang pagkakakilala ko sayo. alam kong mabuti kang tao. at alam kong hindi mo magagawa yung ganung bagay. pero naisip ko din, paano sila makakapagsalita ng ganun sayo kung hindi naman nila nakita? diba? pero who knows? baka hindi naman talaga totoo. posibleng namisinterpret lang nila yung nakikita nila. pero sana you should have done something to avoid issues. may mali ka din kasi e. hinahayaan mo yung mga oportunistang tao sa paligid mo na itake ka for granted. sa totoo lang, nakakaawa ka kapag nagtuloy tuloy yung balak niyang mangyari sa inyo.

at ikaw naman! bakit naniniwala ka agad sa mga sabi sabi ng ibang tao? hindi mo pa naman yata talaga siya nahuhuli ever e. first mistake niya to (if ever totoo nga talaga yung issue) madadaan naman siguro yun sa magandang usapan. lahat kasi dinadaan mo sa sigaw, sa masasakit na salita, sa pagmumura. kahit ako nasasaktan kapag naririnig kong sinasabihan mo siya ng ganun. sana pinakinggan mo rin muna yung explanation niya. pero hindi e.. you tend to jump into conclusions most of the time. kahit hindi mo naman talaga alam yung buong pangyayari! hmm feeling ko labag sa loob mo yung desisyon na ginawa mo e. ayaw mo rin namang umabot sa ganung punto. i hope you would let him explain his side again..

hays i'm so disappointed with them D: sayang lang talaga dahil wala ako sa lugar para magsalita sa kanilang dalawa e.