9/30/10

...dahil nga konti lang nakakaalam ng totoong birthday ko, konti lang rin ang bumati sakin. pero masaya ako ngayong araw na to sa totoo lang! aside sa mga masasayang pangyayari ngayong araw na to (na nakwento ko kanina sa isang post), natuwa rin ako sa mga bumati sakin :D yung iba kasi sa kanila minsan ko na lang makausap, pero grineet pa rin nila ako! may nakakaalala sakin kahit sa simpleng paraan lang.. alam mo yung ramdam mo na may nagpapahalaga sayo? kahit hindi naman talaga? ahahahaha joke lang. ganun yung nafeel ko e.

ang sarap.

---

kaya lang... nagtatampo ako sa isang tao kasi yung pinaka inaasahan ko na babati sakin, hindi man lang ako binati. ayy kagabi pala mga bandang 12 binati na niya ako habang magkachat kami. nagpasalamat naman ako tapos sabi ko batiin niya ulit ako mamayang umaga. pero sabi niya, wag na daw. binati na daw niya ako enough na yun. bigla ako nawalan ng gana! tangna. pero hindi ko naman pinaalam sa kanya na nagtampo ako kaya parang wala lang din sa kanya.

pagkagising ko kaninang umaga, naabutan ko siyang online pero hindi niya ko pinapansin. at pinandigan nga niya na hindi ako igreegreet! tangna talaga! ang masaklap pa dun, hindi ko man lang naramdaman yung presence niya sa buong araw na to.

akala niya lang siguro nagbibiro ako dun sa simpleng favor ko kagabi. e seryoso naman ako talaga nun! kung sa bagay, hindi ko siya masisisi kasi hinahayaan ko lang siya na barahin ako. tapos ganun rin naman ako sa kanya. kaya parang normal lang samin yung ganun. walang seryosohan.

ang sakit.