9/3/10

bakit kaya hindi na natapos tapos ang kalungkutan sa buhay ko? hindi pa nga ako fully recovered dun sa isa, may panibago nanaman. tapos eto pang isa. hay sunod sunod talaga sila dumating.. parang nananadya e T^T kung sa bagay ako rin naman may kasalanan kung bakit ganito ang pakiramdam ko ngayon. hinayaan ko to mangyari e.

two days (or more?) na kami hindi naguusap ni jep. may nagawa kasi siya na hindi ko nagustuhan. kadalasan kapag nagkakaron kami ng ganitong tampuhan, siya talaga yung unang nagaapproach. nagkakabati rin kami agad. pero nito lang talaga ako nakaramdam ng pagod. tapos kagabi nakipagusap na siya sakin. pinipilit niya ako na magkabati na kami. pero pinilit ko rin siya na maghiwalay na kami.

tapos ayun nagusap usap pa kami. sabi niya hindi daw siya susuko sakin kahit ano mangyari. kung kinakailangang manligaw siya ulit gagawin niya. pero syempre pinagpilitan ko pa rin na maging magkaibigan na lang kami.. then habang naguusap pa kami, may nasabi siguro ako na naoffend siya kaya bigla niya sinabing "ayoko na jaz, suko na ko"

putangina.

hindi ko alam kung ano gagawin ko nun. hindi ko mapigilan umiyak. pakiramdam ko sobrang sakit sa puso. WASAK hahahah! oo tae! yun yung pinakaunang beses na umiyak ako ng bonggang bongga dahil sa break up. oo gusto ko na nga talaga makipaghiwalay (or maybe i just need some space) pero iba pala ang pakiramdam kapag narinig mo sa partner mo na sinusuko ka na niya T^T alam ko naramdaman niya din yun nung pinipilit ko makipagbreak. basta ang sakit sakit hahahah nagsabi pa kasi siya na hindi niya ko isusuko kahit anong mangyari tapos wala pang isang oras sumuko na si loko hahahahah

PERO.. okay lang yun! napansin ko kasi na wala pala talaga siyang effort :D kasi kung may effort siya, bakit hindi niya kaya pinanindigan yung mga sinabi niya? wala pang one hour sumuko agad? ahahahaha damn. kung sa bagay..... hmm :D well at least may isang factor pa rin na nagpapatunay na hindi dapat ako manghinayang~ thank you!

habang nagtetext text pa kami ni jep bandang 12, naggm ako ng T^T sa mga taong malapit sakin ngayon. si jaye lang ang nagreply. sabi niya ano daw problema ko. sabi ko kulang yung magdamag para ikwento ko. never pa kasi ako nagopen up sa kanya ng tungkol sa mga problema namin ni jep kaya wala siyang kaide-idea. pero dahil pinilit niya ako na magopen, kinwento ko na rin T____T

ayun binigyan niya ko ng advice, alam ko kasi na mas experienced siya pagdating sa ganitong sitwasyon. actually, alam ko naman talaga yung mga dapat at hindi dapat gawin e. that's why i rarely talk to people about my problems because i never asked for advice. pero iba pa rin kasi yung may napagsasabihan ka.. kaya sabi niya rin sakin, iiyak ko lang daw para lumabas lahat ng kinikimkim ko. nakatulong naman si jaye sakin.. pero hindi pa rin totally gumaan yung pakiramdam ko.

ang totoo kasi, wala akong ibang pinairal nun kung hindi pride ko. sinabihan ko pa siya kunware ng ayoko na talaga! maghiwalay na tayo! sawang sawa na ko! lagi na lang away! mas okay pa na maging magkaibigan na lang tayo! - pero deep inside putangina ang sakit sakit T______T hindi ko rin alam kung bakit yun pa yung sinabi at ginawa ko. pero dahil nangyari na, ayoko na bawiin pa.. see? hanggang ngayon pride pa rin. hay..

anyway anyway.. ayoko muna ideclare na wala na kami (parang dineclare ko na rin yun ah?) ahahahahaha labo. basta hayaan niyo na muna ako magisip isip at magmuni muni. hihintayin ko muna na makapagusap kami na parang normal na lang :D hopefully as soon as possible~