9/30/10

...dahil nga konti lang nakakaalam ng totoong birthday ko, konti lang rin ang bumati sakin. pero masaya ako ngayong araw na to sa totoo lang! aside sa mga masasayang pangyayari ngayong araw na to (na nakwento ko kanina sa isang post), natuwa rin ako sa mga bumati sakin :D yung iba kasi sa kanila minsan ko na lang makausap, pero grineet pa rin nila ako! may nakakaalala sakin kahit sa simpleng paraan lang.. alam mo yung ramdam mo na may nagpapahalaga sayo? kahit hindi naman talaga? ahahahaha joke lang. ganun yung nafeel ko e.

ang sarap.

---

kaya lang... nagtatampo ako sa isang tao kasi yung pinaka inaasahan ko na babati sakin, hindi man lang ako binati. ayy kagabi pala mga bandang 12 binati na niya ako habang magkachat kami. nagpasalamat naman ako tapos sabi ko batiin niya ulit ako mamayang umaga. pero sabi niya, wag na daw. binati na daw niya ako enough na yun. bigla ako nawalan ng gana! tangna. pero hindi ko naman pinaalam sa kanya na nagtampo ako kaya parang wala lang din sa kanya.

pagkagising ko kaninang umaga, naabutan ko siyang online pero hindi niya ko pinapansin. at pinandigan nga niya na hindi ako igreegreet! tangna talaga! ang masaklap pa dun, hindi ko man lang naramdaman yung presence niya sa buong araw na to.

akala niya lang siguro nagbibiro ako dun sa simpleng favor ko kagabi. e seryoso naman ako talaga nun! kung sa bagay, hindi ko siya masisisi kasi hinahayaan ko lang siya na barahin ako. tapos ganun rin naman ako sa kanya. kaya parang normal lang samin yung ganun. walang seryosohan.

ang sakit.
"Green Day lead singer Billie Joe Armstrong wrote this (Wake Me Up When September Ends) about his father, who died of cancer on September 1st, 1982. At his father's funeral, Billie cried, ran home and locked himself in his room. When his mother got home and knocked on the door to Billie's room, Billie simply said, "Wake me up when September ends," hence the title."

ngayon ko lang naman to.. ohh
Summer has come and passed
The innocent can never last
Wake me up when September ends

okay september is about to end.. and the last day of september is my real birthday. pero pili lang yung mga taong nakakaalam ng totoong birthday ko. karamihan kasi june 4 ang alam nilang birthday ko kaya dun nila ako naaalala. but today, september 30, is really my birthday.

ishashare ko lang yung ginawa ko maghapon (na buong akala ko e magiging normal na araw lang) :D

pumunta si eki dito sa bahay kaninang 9 kasi nangheheram siya sakin ng pera para makabili na siya ng p3. tapos pinaheram ko naman siya. e mga 10:30 pa daw next class niya kaya tumambay muna siya sa bahay. ako naman 12 pa pasok ko. tapos habang naglalaptop siya, sabi ko tara cam whore tayo. at ayun nagcam whore naman kami
pagtapos namin magcam whore nagdecide siya na wag na lang pumasok sa computer class niya. mga 1:30 na lang daw siya papasok, sasabay na lang siya sakin lumabas ng bandang 11:30. kaya lang mga 12:30 na nakarating si ate, pagdating ko sa chemistry edi 1 hour late na ko! kaya nagdecide rin ako na wag na lang pumasok ahahahahah sabi ko sasamahan ko na lang siya bumili ng p3.

tapos nung napadaan kami sa mcdonalds sabi ko, eki gusto ko ng sundae last last week pa ko nagcracrave sa sundae T^T kaya sabi niya magsundae daw muna kami :D tapos bumili kami pareho ng large cone!! ang gara nung crew ang daming nilagay na ice cream sakin parang very very large yun e!
pagtapos kong masatisfy sa sundae, dumiretso na rin kami sa sm north para maghanap nung p3. ayy dumaan pa pala kami sa stall ng cherry mobile sa victory at grand kaya lang hindi rin dun bumili si eki. nung nasa annex na kami, nakabili rin agad si eki ng p3. tapos habang naglalakad lakad kami sa cyberzone, may nakita akong poster ng boyfriend ko hahahahahahaha kaya medyo kinilig kilig pa ako nung mga oras na yun hahahahhahahnagkatinginan lang kami nung boyfriend ko tapos umalis na rin kami ni eki. dapat pauwi na kami nun pero nung nakita namin yung kfc, sabi ko bibili muna ako ng paborito kong shakin shots. tangna naaadik ako dun hindi ko alam kung bakit ahahahahah tapos ayun nagcam whore lang ulit kami.tapos gumawa rin pala kami ng video para kay geib at booh :D
pagtapos nun, umuwi na rin kami.

nung nasa mcu na ko, tinawagan ako ni ate. sabi kain daw kami. kaya pumunta na ako sa mc kasi dun siya naggrocery. then kumain kami sa greenwich. habang naghihintay kami ni ej, vinideohan ko muna siya. sabi ko batiin niya ko ng happy birthday kasi birthday ko ngayon :D at ginawa naman niya hahahahah
o diba parang ang daming nangyari ngayong araw na to kahit konti lang naman talaga yung ginawa ko :3 nagcam whore lang kami ni eki, nasatisfy ko na yung pagcracrave ko sa sundae, nakita ko yung poster ni lee min ho sa cyberzone, natikman ko ulit yung paborito kong shakin shots, kumain lang kaming tatlo ni ate at ej sa labas, nakatanggap lang ako ng greetings sa mga taong nakaalala talaga sakin, NAGING MASAYA NA KO. hindi na kailangan ng maraming handa at bisita.. basta yung idea na may nakaalala sakin, sapat na :D

basta masaya ako ngayon! yun na yon! tapos!
ahahahah huling post bago ako matulog. nakita ko kasi yung english version ng ghita. ang cute ng accent niya grabe T_______T (eto nanaman ang cute stuffs haaay) she sound so innocent! naiisip ko tuloy paano kaya nila napaarte si cleo dun sa music video? e 3 year old lang siya nung time na yun XD she's really amazing~

okay matutulog na ko. bukas na ulit ako magdodownload ng mp3.

noapte buna cleo ♥
nakwento ko na kay jep yung tungkol kay cleo at nakita na din niya yung music video ng ghita! wala daw siya maintindihan ahahahahaha kaya nga ako binookmark ko na yung google translate dito sa browser e XD at sa totoo lang medyo natututo na rin ako magpronounce ng romanian language nyahahahahah
anyway, masyado na akong adik sa kantang to :D hindi naman obvious e diba? nakakailang post na ako tungkol kay cleo tapos ginawa ko pang background music ng blog ko ahahahahah hindi hook na hook e no?

nakakatuwa lang kasi talaga e :D parang crush niya si ghita tapos disappointed siya kasi inindian siya or something like that~ basta cute! yun na yun!

9/29/10

Cleopatra Stratan is MINE!!
joke lang hahahah anyway..

marami akong nagiging favorite bands and artists like.. my chemical romance, system of a down, tatu, disturbed, katy perry, rico blanco/rivermaya, eheads, parokya, lily allen, we the kings, fall out boy (hmm what else?) basta sila yung mga tipong pinagtyatyagaan kong hanapin yung mp3 ng mga kanta nila from underground to mainstream!! pero hindi lahat ng yan e nahumaling ako ng todo! pili lang yung mga artists na pati buong pagkatao sinesearch ko.

pero ngayon masyado na talaga akong nahoohook kay cleo. interesado na akong malaman buong buhay niya. she's starting to top my list!! ang pagkakaiba lang, ang layo ng genre niya sa mga banda at artist na nabanggit ko kanina. kung sabagay bata pa lang naman siya e. asa namang magmemetal agad yung ganung edad diba XD ahahahah but that's the most amazing thing about her actually! at a very early age, she had already created her own name in her own way! :D
well, she's not just talented. she's also undeniably cute and adorable! siguro kaya ko siya nagustuhan dahil dun! because i have such a weakness towards cute stuffs T______T ohh
a cute talented kid + a cool handsome husband = the luckiest woman ever XDDD

sana anak ko na lang si cleo tapos asawa ko ang tatay niya hahahahahahaha

okay sobra na to.
okay may bago akong idol :D si cleopatra stratan. grabe!! mahal na mahal ko na tong batang to XD yes, you read that right. BATA. she's just 7 years old now. turning 8 this october~ what's so special about that kid? well..
Cleopatra Stratan (born October 6, 2002 in Chişinău, Moldova) is the youngest person ever to score commercial success as a singer, with her 2006 album La vârsta de trei ani ("At the age of 3"). She holds the record for being the youngest artist who performed live for two hours in front of a large audience, the highest paid young artist, the youngest artist to receive an MTV award and the youngest artist to score a #1 hit in a country ("Ghiţă" in Romanian Singles Chart).

Pavel Stratan, father of Cleopatra, was in a studio recording a song with 3-year-old Cleopatra hanging around. Impulsively, she grabbed a microphone and started singing along with Pavel. Everybody was stunned so they ended up recording the song with Cleopatra performing the lead vocals, and suggested that as she is younger than Shirley Temple, she should be included in the Guinness Book of World Records as the youngest talent ever to perform on stage and record her own album. In Romania, Moldova, and around the world, there seems to be a growing fan base. Some of her songs have already been translated into English and Spanish. She also found success in Japan. La vârsta de trei ani ("At the age of 3") was a double platinum disk in the summer of 2006 for selling more than 150,000 albums in Romania. In December 2006, her father announced that until the next album (possibly in one or two years), she will no longer sing publicly.

As of 2006 December, Cleopatra's biggest hit is the song "Ghiţă".

In 2008, Cleopatra released her second album called La Varsta De 5 Ani with the hit song "Zunea-Zunea". On December 13, 2008, her brother, Cezar (named by Cleopatra) was born. She also had a concert on 20 December before leaving for Chisinau to see her younger brother.

o ayan!! ako na ang naghanap sa wikipedia ahahahah naaamaze talaga ako ng bonggang bongga sa kanya ngayon e :D



Hainita sta in cui
Afara soare nu-i
Nimic nu-i bun de cand
Ma gandesc la Ghita
Dar Ghita nu-i in sat
Eu m-am interesat
Imi pare ca-i plecat
Dupa granita...
Greu, tare mi de greu,
Vreau, dar nu stiu ce vreau
Stiu ca si tu ma placi
Spune, Ghita ce tu taci?
Ori vino ori te du
Ori spune da ori nu
Eu te rog nu ma nerva
Ghita ce-i cu viata ta?

Ghita, te astept diseara la portita
Langa portita de la scoala
Vino dar numai nu veni cum vii tu
De obicei cu mana goala
Cine te mai asteapta ca si mine
O seara intreaga numai pe tine
Ghita, arata tu o fata care
Sa te iubeasca asa de tare!

Ghita, te astept diseara la portita
Langa portita de la scoala
Vino dar numai nu veni cum vii tu
De obicei cu mana goala
Cine te mai asteapta ca si mine
O seara intreaga numai pe tine
Ghita, arata tu o fata care
Sa te iubeasca asa de tare!

Ghita, te astept diseara la portita
Langa portita de la scoala
Vino dar numai nu veni cum vii tu
De obicei cu mana goala
Cine te mai asteapta ca si mine
O seara intreaga numai pe tine
Ghita, arata tu o fata care
Sa te iubeasca asa de tare!



hindi ko gusto yung ibang bagay na nakikita ko. gusto ko sanang icorrect. gusto ko ayusin according sa kung anong gusto ko o kung saan ako sa magiging masaya. nakakaturn off kasi pag ibang tao pa ang nakapansin. pero pag ginawa ko naman yun, baka makaoffend ako ng ibang tao. at dun makikita kung marunong ako makuntento o hindi. parang ang awkward naman ng ganun diba? kaya kailangan ko na lang tanggapin ang katotohanan na ang bawat tao sa mundong ito ay may kanya kanyang imperfections.

kainis hindi ko talaga maperfect yung pagtatagalog ko XD laging may english word tsk

9/28/10

para kaming gagu ni jep sa facebook.. nagpopost kami ng kung anu anong pagkain sa wall namin! banana split, cakes, strawberry sunday, etc.. ahahahahah kaya pareho tuloy kaming natatakam ngayon XD feeling ko nga ngayon sumasakit yung chan ko sa gutom e ahahah hindi bale next week talaga!! magfofoodtrip kami for the first time!! kailangan ko ngayon magkaron ng income para may pangkain hahah

haaaay sana ganito kami lagi kasaya kahit hindi kami magkasama. at kapag magkasama kami sana mas masaya pa :D

ayoko na ng away.. please?

9/25/10



what's the point of telling.. if you won't bother listening?


with or without you...












what THE HELL IS THE DiFFeReNCe?

9/23/10




jeppeo oppa.. kuriwohaeyo T^T


*with paawa effect*





HAPPY SEVENTEENTH BIRTHDAY EKI UNNI ♥
(hindi ba obvious na napilitan ako bumati? hahahah)
wala naman ako masabi ngayon. dapat nga bukas pa kita batiin e! kasi bukas pa naman talaga birthday mo! ikaw naman kasi talaga tong nagpumilit sakin na ispecial mention kita dito sa private blog ko kahit wala namang nagbabasa nito hahah! tsaka two months before your birthday mo pa ako kinukulit na batiin kita sa birthday mo hahahah! pwersahan XD pero ayos lang. ang kapalit naman nito dapat ipagluto mo kami ng pancakes! gusto ko with love ahahah

hmm hopefully makapagcelebrate tayo as soon as possible!! i miss you! as well as ramen plus~ oh i wanna see you guys na T^T para din maikwento ko na sa inyo yung mga dapat ko ikwento. grabe pwede na ko magsulat ng libro sa sobrang naipon na kwento. sige yun lang. i love you!

come on let us all drink soju ♥

9/22/10

waa isa pa tong favorite ko T___________T ohh nakakaiyak sa sobrang cute! eto pa lang yung narinig kong rock song na cute ahahahahah weird.. but honestly, i find it even cuter than those latest kpop songs~

neon naege banhaesseo, neon naege banhaesseo, neon naege banhaesseo T________T
okay nagsisimula na akong masanay sa NX2! ikaw ba naman kung three to four times a week ka magNX2 hindi ka pa ba masanay diba! kahit nga dalawang token per credit dun nagtyatyaga na ako e. yun lang kasi pinakamalapit sa school ko. sa north naman masyadong dominating yung FZ kaya nakakahiya maglaro~
anyway.. eto yung favorite song ko ngayon sa NX2. hindi ko siya nilalaro pero natutuwa lang talaga ako :D naaalala ko kasi yung korn sa kanila! one of my favorite metal bands XD astig din naman yung singer nyan e, si seo taiji :D kahit parang bulol bulol yung mga koreano pag pinakinggan mo sila magsalita, carry din pala nila makipagrakrakan hahahah basta naaastigan ako dito sa feel the soul! trip ko ulit yung metal metal :D

suck my brain, bitch.

9/21/10

kapag bored kami ni jep naguusap kami ng ganito sa facebook hahahah! at maraming tao naman ang natutuwa? ang labo e no. hindi ko alam kung bakit sila natutuwa pero kami ni jep natutuwa lang sa pinaggagawa namin. minsan nagrorole play kami bago matulog.. ngayon yung episode na to tungkol sa magasawang nagaaway XD next time siguro maganda kung masamang anak, kalarong may masamang balak o kung anu ano pa. basta yung mga bagay na ganun hahah once a week lang kasi kami magkita kaya sa facebook na lang namin dinadaan yung trip namin XD
thank you daddy ♥and i love you!
nothing is more HURTFUL than seeing your parents fight..

or even separate.
ikaw! alam mo ayokong maniwala na ginawa mo nga talaga yung mga chinichismis nila tungkol sayo. hindi kasi ganun ang pagkakakilala ko sayo. alam kong mabuti kang tao. at alam kong hindi mo magagawa yung ganung bagay. pero naisip ko din, paano sila makakapagsalita ng ganun sayo kung hindi naman nila nakita? diba? pero who knows? baka hindi naman talaga totoo. posibleng namisinterpret lang nila yung nakikita nila. pero sana you should have done something to avoid issues. may mali ka din kasi e. hinahayaan mo yung mga oportunistang tao sa paligid mo na itake ka for granted. sa totoo lang, nakakaawa ka kapag nagtuloy tuloy yung balak niyang mangyari sa inyo.

at ikaw naman! bakit naniniwala ka agad sa mga sabi sabi ng ibang tao? hindi mo pa naman yata talaga siya nahuhuli ever e. first mistake niya to (if ever totoo nga talaga yung issue) madadaan naman siguro yun sa magandang usapan. lahat kasi dinadaan mo sa sigaw, sa masasakit na salita, sa pagmumura. kahit ako nasasaktan kapag naririnig kong sinasabihan mo siya ng ganun. sana pinakinggan mo rin muna yung explanation niya. pero hindi e.. you tend to jump into conclusions most of the time. kahit hindi mo naman talaga alam yung buong pangyayari! hmm feeling ko labag sa loob mo yung desisyon na ginawa mo e. ayaw mo rin namang umabot sa ganung punto. i hope you would let him explain his side again..

hays i'm so disappointed with them D: sayang lang talaga dahil wala ako sa lugar para magsalita sa kanilang dalawa e.

9/20/10

four days akong hindi nakapagupdate! oh i miss blogging~ masyado kasi akong masaya lately kaya ganun.

well.. not anymore.

may malungkot na nangyari ngayon lang kaya bigla ko naisipan magblog. does this mean na kapag malungkot lang ako, tsaka ko lang naaalala tong blog ko? oh no.. it's not like that. pero kahit naman nakakapagblog na ako ngayon, hindi ko pa rin alam kung paano ko sisimulan yung pagshashare ko. too personal? i guess.
oh blog.. i need you right now T_______T

you.. and jeff.

9/16/10

mga 11 pm kagabi, nagpapahintay siya sakin magoonline daw siya. sabi ko kailangan ko matulog ng maaga kasi 7 am pasok ko kapag thursday. pero nangulit talaga siya kaya pinagbigyan ko na. hindi ko na namalayan yung time, napansin ko na lang 12:30 am na kaya nagpaalam na ako na matutulog na ako. habang nakavideo call kami, nakatulog ako.

sandali pa lang ako nakakatulog nun, tapos nagising ako dahil sa ring ng cellphone ko at dun sa video call. tawag ng tawag si jep. dinivert ko na lang yung phone ko tsaka minute ko yung laptop. at natulog na ulit ako. tapos kaninang umaga pagtingin ko sa phone ko punong puno yung inbox. flinood ako ni gago.

nakakabadtrip tangina. hindi ko siya magets. kung iisipin yun, ang liit liit na bagay lang nun e. pero mas nakakainis isipin na mababaw na bagay lang, hindi pa niya magampanan. what more yung malalaking bagay na?

ayoko ng nagaaway kami. pero ayoko din naman ng ganito kami. pinagbibigyan ko naman talaga siya na magusap kami hanggang gabi e, kaya lang sana wag masyadong late kasi minsan maaga pasok ko. pero bakit ganun? parang kulang pa yun sa kanya -____- hindi pa ba sapat yung pagbibigay ko?

i understand his imperfections. pero wag naman sana dumating sa punto na mas marami siyang nagagawa na nakakainis kesa sa ikatutuwa at ikabubuti ng relasyon namin.

he's being immature na. i swear.
nakakatawa dahil hindi ako makapagupdate dito. wala akong balak bitiwan to no! masyado lang talaga akong masaya nitong huli kaya nakakalimutan ko magblog. pero next time talaga pag hindi na ako masyadong busy maguupdate ako. i miss you blog ♥

anyway, bukas flight ni madur. sa february ko na ulit siya makikita~ ohh ang lungkot ng christmas 2010 namin walang kasama.

9/13/10

ohh sam's bandmates are even more handsome than him! XD (band niya lang sa latest tv show na idol)

9/10/10

"giving your full presence to someone would be the sweetest thing you will do.. but are you appreciated?"

- quote na natanggap ko from diana XD

it's just that... haaaays.
nakakatuwa mameet yung pamilya ng mga kaibigan ko :D

especially when they have a cool mom hahah

jealous much~

9/9/10

kanina pinalabas yung cars sa disney channel~ as usual tinapos ko ulit kahit napanood ko na yun ng 500 times XD it's one of my favorite movies ever!

so ayun, nung natapos na, edi pinapakita yung credits.. ngayon ko lang napansin sa huling part, nakasulat RIP joe ranft something~ tapos naggoogle agad ako sa cellphone ko sinearch ko kung sino si joe ranft. ayon sa wikipedia, joe ranft is one of the pixar team at co-director siya sa cars~ namatay siya habang prinoproduce yung cars movie. guess what kung ano kinamatay niya? car accident O____O

how ironic.

9/8/10

i took this quiz and look what it gave me..of all the seven deadly sins, why lust?! akala ko nga greed lalabas sakin e XD oh well, nandun pa rin naman yung pride kaya okay lang hahah

9/7/10

i guess he is starting to look for a new one... should i still wait for him? T________T

siguro kahit mageffort man ako o hindi, jep wouldn't want me back. kung sa bagay ang dami naman niyang makikita na pamalit sakin.

hays. i really have to stop hoping that jep and i be together again. wala din naman akong mapapala.

i have to do the same thing he does. get over the past and wait for my future lover :D
why do i keep on talking without even thinking first? hindi ko napapansin na mas matindi pala yung sakit na nagagawa ko sa kanya kesa dun sa simpleng ugali niya na kinaiinisan ko.

who do i easily lose my patience now? dati naman hindi ako ganito ah.. does this mean that he should understand me more? e pano naman siya? i have to consider his feelings too..

why am i so full of pride? i want to apologize, pero dahil nga pinapangunahan ako ng pride ngayon... hindi bale na lang.. but if i were given a chance, i'd really say sorry and..... T^T

dear blog,
sorry kung puro tungkol samin yung napopost ko ngayon.
hindi ko talaga maiwasang maging emosyonal..
ngayon ko lang nararamdaman yung sakit.
at ang sakit sakit putangina T_______T

9/6/10

yesterday i thought we can still make our relationship work, but now i feel like i'm falling out of love.. ohh

iba na talaga ngayon e. nawala na yung thrill. nawala na yung excitement. nawala na lahat. hindi ko alam kung saan na napunta yung maganda at masayang relasyon na meron kami dati. bigla na lang nawala. bigla na lang nagbago. ang daming bagay na hindi ko na maintindihan ngayon. pati siya mismo hindi ko na maintindihan.

sa ngayon hindi ko alam kung sino ang may kasalanan samin..

siya ba na laging gumagawa ng dahilan para mainis ako?

o

ako ba na madaling maubusan ng pasensya?

hays i really can't express my feelings right now.. if only you know how hurtful pride can be T__________T

9/5/10

i think i still love him yet i want to be single...

kahit wala na kami ni jep, aminado ako na mahal ko pa din siya.. kahit paano. hindi naman agad mawawala yun e. sa ngayon, gusto ko muna magisa. sa totoo lang, gusto ko talaga na nakakasama siya. pero gusto ko rin naman maging single.

ang labo ko tae. itutuloy ko na lang to next time.

9/4/10

maybe if i were good looking, that's only the time you're going to butter me up.

but since i'm not, i will never ever get a compliment from you.

oh lucky ladies ♥
kung pinanganak ka from early 80's to early 90's, panigurado makakarelate ka sa video na to!! this will bring you back so much memories~

1993 na ako pinanganak pero aware ako sa mga old school.. kapanahunan kasi ng mga ate ko yan, pati ng mga pinsan ko hahahaha kaya puro ganyan pinapatugtog sa bahay o kaya sa van namin XD

nakakamiss sobra..
ahahahahahahahhahahahahahahahahahah sa mga makakabasa nito, laughtrip to!! XD

naisipan kong buksan ulit yung friendster account ko :D nagtingin ng photo comments, testimonials, messages, etc.. natatawa na lang ako sa mga nakita ko e ahahahah

ilan lang to sa mga message na narecover ko~
ohh nicababes ♥ classmate ko nung second year :D may pinapaupload siyang picture nyan galing sa cellphone ko~ tapos yung sinasabi niyang umiiyak si joan, yan yata yung time na umamin ako kay sir gon na nagcucutting class ako XD tapos umiyak si joan kasi hindi rin siya pumapasok nun. basta yan yung pinaka wasak na taon sa highschool life ko~ second year XD hahahah punong puno ng bisyo (PIU at online games XD)
si dante kilala siya ng ibang kabatch ko sa laco e~ hmm sa pagkakaalala ko, niligawan ako nito kaya ganito na lang siya kaconcern sakin hahahahahahahah pero hindi ko rin inentertain kasi mas mahal ko si kuh nung time na yun -____- anyway, yung message niya!! tangina look at the date! ahahahah SECOND WEEK OF APRIL! isang linggo akong wala sa bahay nyan! ahahahah naglayas ako shit hahah ayoko na maalala yung pangyayari na yun sapagkat naaalala ko ang pagiging bobong anak ko! XD see? wasak talaga buhay ko nyan hahah
oh i can't remember this guy O____O siguro isa sa mga nilalandi ko sa audition dati ahahah couple daw e XD no wonder why lahat ng kaibigan ko sa audition inaaway ni kuh~ mapababae mapalalake hahah nakakatuwa mantrip ng mga audista jusko~ minsan nagpapanggap akong lalake tapos manchchx ako. o kaya peperahan ko yung mga EP boy dun XD hindi ko naman sineseryoso e. trip trip lang! :D kaya nga pati si kuh dati pinagtritripan ko lang bwahahahahah kaya kung feeling mo kinakati ka, maglaro ka lang ng audition. maraming mapagpatol dun hahah
hahahah si jin XD sa lahat yata ng online game naging friend ko to~ from audition to RPGs. pareho kaming adik sa iba't ibang online games. until now friends pa rin kami sa facebook pero wala na masyadong contact.. hmm
kasabay ng pagkaadik ko sa online games, sobrang adik rin ako sa anime :D see? he's asking where i bought my death notebook at tawag niya sakin neko pa hahahah japanese term for cat~ tsaka yun talaga yun nickname ko dati sa mga online games :D neko or pusa~ at isa pa, walang hindi makakaalam ng NEKONIKUH dati! hahahahah putanginang yan.

naghahanap pa ako ng nakakatawang message e XD wait lang..

ay eto!!
si jhomar bestfriend ni kuh.. dati! (nagkaron na sila ng conflict lately e pero hindi na importante yun sakin) siya ung nagiging tulay namin ni kuh kapag nagkakaron kami ng away ahahahah at naging crush ko rin to XD tangina kasi lagi na lang siya yung nakakausap ko kapag may problema ako! tapos ang bait bait sakin T^T sino ba namang hindi mafafall dun diba! pero hindi ko rin naman nasabi sa kanya dahil malaking gulo yun kapag nalaman ni kuh! oh well anyway.. nagpapagawa rin siya ng layout oh XD i used to create friendster layouts for free! kaya yung ibang message na iniskip ko, puro pagawa ng pagawa lang err..
isa rin sa mga nagpapagawa sakin ng layout~ hackin niyo na dali! hahah joke! as far as i can remember, kaclan ko to sa insane :D yun yung clan ni sora dati sa audi tapos sinali niya ako. kasumpa sumpa yang clan na yan dahil saksakan ng dami ng makakati at nangangarir! nagquit rin ako agad dun dahil parang walang patutunguhan yung buhay nila dun hahahahah
hahahhhahahahahahahahaha!! putangina ang dami kong tawa dito hahahahah kaso walang name e T^T hindi ko na maalala kung sino to pero tawang tawa talaga ako! ahahah siguro kalaro ko to dati sa audition? ang landi e! ahahah wag daw ako magmessage sa kanya kasi mababasa ng girlfriend niya! at itext ko na lang daw siya! hahahah at take note, may miss you, mwah at love you pa! hahhahahahah tangina natatawa talaga ko shit.
ay nako ivaaaan!! yareeee! ahahahah ang dami kasing germs na nagcocomment sakin nun (as of now may 6k++ comments yung profile ko) yung iba dun mga sugar daddy ko sa audition (pero walang seryoso dun) hahah i wonder if he can still remember this :D siguro pati siya matatawa na lang ahahahahaha
tuwing nagkakatampuhan kami ni kuh, nagpapalit ako ng cellphone number. kaya gumawa si kuh ng friendster account para macontact niya pa rin ako XD maraming message niya na nakastore sa inbox ko, yan yung pinakauna e. at tuwing magkakatampuhan kami, magaaya siya makipagkita sakin. at tuwing magkikita kami, magkakabati kami. at tuwing magkakabati kami, alam na kasunod.. chocolates! CADBURY SYEMPRE wahahah madalas yan yung peace offering niya sakin e :D kaya mas okay pang magkagalit kami lagi wahahah joke lang hahah
hmmmm bigla lang ako may naalala -____- sa lahat kasi ng nagustuhan ko, isa to sa mga sineryoso ko. imagine, gusto niya ako, gusto ko siya, pero hindi naging kami. mas sineryoso ko pa nga siya kay kuh e. given na lahat samin. nagdadate kami, late night talks, parang kami na rin talaga. hindi nga lang official. hanggang sa nawalan ng communication, nagkaron ng bagong buhay, nagkalimutan. hahah sayang ang lahat.. pero may contact na kami ngayon~ at happy ako para sa kanilang dalawa nung girlfriend niya :D

so yan lang muna.. masyado kasing marami e XD

9/3/10

bakit kaya hindi na natapos tapos ang kalungkutan sa buhay ko? hindi pa nga ako fully recovered dun sa isa, may panibago nanaman. tapos eto pang isa. hay sunod sunod talaga sila dumating.. parang nananadya e T^T kung sa bagay ako rin naman may kasalanan kung bakit ganito ang pakiramdam ko ngayon. hinayaan ko to mangyari e.

two days (or more?) na kami hindi naguusap ni jep. may nagawa kasi siya na hindi ko nagustuhan. kadalasan kapag nagkakaron kami ng ganitong tampuhan, siya talaga yung unang nagaapproach. nagkakabati rin kami agad. pero nito lang talaga ako nakaramdam ng pagod. tapos kagabi nakipagusap na siya sakin. pinipilit niya ako na magkabati na kami. pero pinilit ko rin siya na maghiwalay na kami.

tapos ayun nagusap usap pa kami. sabi niya hindi daw siya susuko sakin kahit ano mangyari. kung kinakailangang manligaw siya ulit gagawin niya. pero syempre pinagpilitan ko pa rin na maging magkaibigan na lang kami.. then habang naguusap pa kami, may nasabi siguro ako na naoffend siya kaya bigla niya sinabing "ayoko na jaz, suko na ko"

putangina.

hindi ko alam kung ano gagawin ko nun. hindi ko mapigilan umiyak. pakiramdam ko sobrang sakit sa puso. WASAK hahahah! oo tae! yun yung pinakaunang beses na umiyak ako ng bonggang bongga dahil sa break up. oo gusto ko na nga talaga makipaghiwalay (or maybe i just need some space) pero iba pala ang pakiramdam kapag narinig mo sa partner mo na sinusuko ka na niya T^T alam ko naramdaman niya din yun nung pinipilit ko makipagbreak. basta ang sakit sakit hahahah nagsabi pa kasi siya na hindi niya ko isusuko kahit anong mangyari tapos wala pang isang oras sumuko na si loko hahahahah

PERO.. okay lang yun! napansin ko kasi na wala pala talaga siyang effort :D kasi kung may effort siya, bakit hindi niya kaya pinanindigan yung mga sinabi niya? wala pang one hour sumuko agad? ahahahaha damn. kung sa bagay..... hmm :D well at least may isang factor pa rin na nagpapatunay na hindi dapat ako manghinayang~ thank you!

habang nagtetext text pa kami ni jep bandang 12, naggm ako ng T^T sa mga taong malapit sakin ngayon. si jaye lang ang nagreply. sabi niya ano daw problema ko. sabi ko kulang yung magdamag para ikwento ko. never pa kasi ako nagopen up sa kanya ng tungkol sa mga problema namin ni jep kaya wala siyang kaide-idea. pero dahil pinilit niya ako na magopen, kinwento ko na rin T____T

ayun binigyan niya ko ng advice, alam ko kasi na mas experienced siya pagdating sa ganitong sitwasyon. actually, alam ko naman talaga yung mga dapat at hindi dapat gawin e. that's why i rarely talk to people about my problems because i never asked for advice. pero iba pa rin kasi yung may napagsasabihan ka.. kaya sabi niya rin sakin, iiyak ko lang daw para lumabas lahat ng kinikimkim ko. nakatulong naman si jaye sakin.. pero hindi pa rin totally gumaan yung pakiramdam ko.

ang totoo kasi, wala akong ibang pinairal nun kung hindi pride ko. sinabihan ko pa siya kunware ng ayoko na talaga! maghiwalay na tayo! sawang sawa na ko! lagi na lang away! mas okay pa na maging magkaibigan na lang tayo! - pero deep inside putangina ang sakit sakit T______T hindi ko rin alam kung bakit yun pa yung sinabi at ginawa ko. pero dahil nangyari na, ayoko na bawiin pa.. see? hanggang ngayon pride pa rin. hay..

anyway anyway.. ayoko muna ideclare na wala na kami (parang dineclare ko na rin yun ah?) ahahahahaha labo. basta hayaan niyo na muna ako magisip isip at magmuni muni. hihintayin ko muna na makapagusap kami na parang normal na lang :D hopefully as soon as possible~








umiiyak.

9/2/10

so yeah, i changed everything.. from layout to settings :D i also removed unimportant gadgets~ para hindi masyadong messy. because from now on, this will be my personal blog. puro tungkol sakin lang! wala ng iba pang shit! but it doesn't mean na ako lang makakabasa nito. i would still allow people to read this. pero ang mga post ko na dito karamihan tungkol sa buhay ko sa araw-araw na ginawa ng diyos XD kaya depende na lang sa kanila kung magiinteres pa silang magbasa nito hahahah

as you can see, i also changed my domain name to nursejiashi.blogspot.com~ feeling ko kasi nalaman ni madur yung gummysnake ko dati. e ayoko pa naman ipaalam tong blog ko sa kanya dahil mauupdate siya sa mga happenings sa buhay ko -_____- at ayokong mangyari yun! dahil kapag nangyari yun, tapos ang maliligayang araw ko! hahahahahah

oh by the way.. just for your information, i'm not a registered nurse! neither a nursing student~ feel ko lang talaga tawaging nurse ang sarili ko bwahahahah o baket aangal ka? blog mo ba to ha? hahah

9/1/10

pagtingin ko sa records ko dun ko lang nalaman na september na pala :D at pag ber month na.. it means.. malapit na.. ang real birthday ko :D akala niyo christmas ang sasabihin ko no? bwahahahah actually hindi ako masyadong naeexcite sa christmas. kasi sa september 16 pupunta na si madur sa states. 6 months siya dun para magayos nanaman ng kung anu anong papeles. mga february pa siya uuwi kaya sa december kaming tatlo lang dito sa bahay T_____T for sure matutulog lang ulit kami sa christmas and new year's eve. hahahahah

anyway, ang sarap kumanta ngayon ng wake me up when september ends :D yun kasi theme song ko para sa birthday ko every year! hahah except last year~ dahil birthday sex ang lagi kong kinakanta nung nagred box kami. i dunno why O_____O pero walang malisya hoy.

sana masaya ulit ang real birthday ko ngayon with my real friends. nung fake birthday ko kasi napakamaraming bumati kahit hindi ko kakilala pero hindi naman ako natouch hahahahah mas okay pa yung real birthday na konti lang ang babati pero alam mo namang sincere sila :D

ohh i love my friends ♥
hindi pa nga tapos yung kalungkutan ko nung isang araw may panibagong kalungkutan nanaman hahah what a life. pero ayos lang naman yun sakin. sabi nga ni tae kyung "if i let make me feel bad, i lose" kung pwede ko naman balewalain yung mga pangit na pangyayari, i'll just let it pass and pretend that it didn't happen :D

well anyway, i have moved on.. i guess? dahil meron pang mas importanteng bagay na dapat ay iniisip ko ngayon. MIDTERMS! -______- yeah right. today is the first day of midterms. pero parang hindi naman hahahah hindi ko man lang alam yung schedule ko, hindi ko alam kung anong rereviewin ko, "and i don't feel any pressure right now!" (janina san miguel's version XD) ewan ko ba. nung highschool ganitong ganito rin ako hahah but the difference is.. college na ako ngayon (oo, alam ko mukha akong highschool.. pero college na talaga ako!) at hindi na pwedeng magpetix petix O___O nung prelims naman parang ganito rin, stock knowledge lang (maliban sa chemistry na kinarir ko ng major major!) so far, wala naman akong failing remarks dun (buhat bangko mode) sana this midterms makachamba ulit T_______T