8/22/10

nung nasira yung desktop ko few months ago, nakikigamit na lang ako sa laptop ni madur. but since maghapon naman siyang wala sa bahay, i can use her laptop the whole day :D pero pag dumating siya sa gabi, hindi na ko makagamit.. because she HAVE to serve food and harvest crops. hanggang madaling araw siya dun! hindi na ako makakasingit kapag nasimulan niya! e sa gabi pa naman maganda magonline, kahit umiyak at magmakaawa pa ko sa harapan niya, hindi niya ko pagagamitin.

then lately, nagsawa na siya sa farmville farmville at restaurant restaurant~ hindi na siya masyado naglalaro ng kung anu anong applications sa facebook (although may mga nilalaro pa rin naman siyang iba) but at least she will no longer spend much time on facebook. yesss! :D

pero yun ang akala ko!! -____-

...because of facebook, nacontact nila ng tita ko na nasa states (which is her twin) yung mga kaklase nila nung gradeschool. overwhelmed naman sila dahil sabay silang nagrereminisce ng mga kabataan days nila while chatting. yung iba niyang classmate naguupload pa ng mga class pictures kaya yung madur ko enjoy na enjoy sa pagtatag ng mga kaklase niya!minsan nga, naririnig namin siya nagsasalita magisa habang tinitignan yung class picture. paulit-ulit na nga e! nakabisado ko na! hahahaha

"ay ito yun teacher na namamalo ng estudyante"
"ito yung humalik sakin nung grade 2 ako tapos umiyak ako"
"ito yung bestfriend ko pero nakalimutan ko pangalan niya"
"pumupunta ko sa bahay nito dati kapag uwian"
"itatag ko pangalan nito ng may RIP kasi patay na to ngayon"
"mali yung nakatag na pangalan, hindi naman to si ano e"
"ginupit niya yung picture kasi crush niya to dati"

basta marami pa!!

madalas namin sila kinakantyawan ng mga pinsan ko kapag nakavideo call silang kambal sa YM, wala na kasi silang ibang pinagusapan kundi yung tungkol sa gradeschool days nila! nagbabalak pa nga ata sila ng reunion? tapos meron na rin silang facebook group para sa batchmates nila hahah

but guess what? even though those photos were like taken 30 to 40 years ago, they can still recognize the faces and names of their classmates until now :D and that's a good thing about them~ kaya lang hindi ko na talaga siya lalo maawat sa computer ngayon dahil mas parang mas lalo pa siya naadik sa facebook T_______T

(anyway, she has no idea that i exposed their old pictures here in my blog hahahah)