8/29/10

malungkot ako ngayon. masyado maraming gumugulo sa isip ko. ang bigat sa pakiramdam. sabay sabay dumating yung mga panira ng mood. gusto ko magwala. gusto ko umiyak. gusto ko magisa. at the same time gusto ko rin ng makakausap. labo hahah sana yung makakausap ko willing makinig sa akin. ultimo yung mga walang kwentang bagay na sasabihin ko pakikinggan niya. kaya lang wala naman akong ganung kaibigan. oo, marami akong maituturing na tunay na kaibigan. pero wala yung matalik na kaibigan. labo nanaman hahahah

tuwing ganito ang nararamdaman ko, blog ko lang tinatakbuhan ko dahil wala ngang ibang tao na handang makinig sakin. at least sa blog ko malaya akong nakakapaglabas ng sama ng loob. kahit paano, nababawasan yung bigat sa pakiramdam ko. pero syempre, iba pa rin kapag may taong aakbay sayo habang umiiyak ka.. hindi yung mamamaga yung mata mo kakaiyak sa harap ng computer na kahit kailan hindi ka icocomfort.

madali naman akong pasayahin kahit sobrang malungkot ako. pero kung wala namang tao na mageeffort na pasayahin ako, wala rin. sabagay ano ba namang mapapala nila kung mapasaya nila ko? wala naman diba?

anyway, nagpipigil ako sa pagpopost ng personal stuffs sa blog ko ngayon dahil alam kong maraming pwede makabasa nito. pinipilit ko imaintain yung image nito na pagiging happy blog. no emotional stuffs, just about living my everyday life happily. simple as that. most of my online friends see me as a happy person. of course, i'm good at pretending! bwahahahah ikaw ba maiisip mo na walanghiya ako sa totoong buhay? hindi naman diba? kung akala mo mabait ako, totoo yun hahahah

maguupdate na lang ako next time.. bahala na kung anong gagawin ko sa blog na to. basta kailangan maging personal blog na ulit to.

goodbye to my nosy readers, stalkers and haters. i love you all. i'll support you until all of you die ♥