8/4/10

isang napakatangang pangyayari kahapon..

nagkita kami ni eki at geib dahil wala naman akong klase tuwing tuesday. at laging maaga matapos yung klase nila. si booh kasi mga 5pm pa yung uwi kaya hindi namin siya madalas makasama. dinaanan ko muna si eki sa UE tapos dumiretso kami sa grand para magpaprint ng pictures sa tronix. pagkatapos nun, pupunta na kami sa sm san lazaro para sunduin si geib galing UST.

habang hinihintay ko si eki sa pagpapaprint, nakakita ako ng free charging station :D so chinarge ko muna si asmo (short for asmodeus , name ng cellphone ko :D) dahil konti na lang rin yung battery. pagkatapos magpaprint ni eki, pumunta na kami sa sm san lazaro. then naghintay kami sa mcdo dahil wala pa naman si geib.

nung hinahanap ko na si asmo, hindi ko siya makita sa bag ko :3 nung una hindi pa ako nagwoworry dahil kadalasan naman namimisplace ko yung phone ko. pero nung tinanggal ko na lahat ng laman ng bag ko at hindi ko pa rin makita, dun ko lang naalala na naiwan ko pala yun sa grand!! tangina.

hindi na ko mapakali nun! siguro talagang hopeless na ko marecover si asmo. pero naalala ko na merong tronix dun sa san lazaro, sa tapat ng world of fun~ dun kasi dati nagpapaprint dati si jek :D iniwanan ko muna si eki sa mcdo tapos pumunta ako sa tronix sa 4th floor. nagbakasakali ako na baka pwede nilang contactin yung ibang tronix branch.

buti na lang.. buti na lang talaga!! ahahahahah narecover pa nila T_______T naiiyak iyak pa nga ako nung nalaman kong nandun pa e hahahahah nakakahiya. pero nakakatuwa :D thank you tronix! ♥