8/13/10

habang kausap ko si jep sa phone, bigla naming napagusapan yung tungkol sa password ng blogger account ko. sabi ko sa kanya, pinalitan ko na yung password nito. dati kasi alam niya e. minsan nga nagpopost pa siya e hahahah tapos bigla ako napaisip kung ibibigay ko pa ba sa kanya yung bago kong password. hindi ko nga alam kung nabubuksan niya pa tong blog ko e (sana hindi na!!) hahah

pagiisipan ko muna ng bonggang bongga bago ko ibigay sa kanya yung password at yung website. kahit 6 months na kami at marami na kaming pinagdaanan na kung anu anong shit, shy pa rin talaga ako pag aware ako na nababasa niya tong blog ko ahahahah ewan ko ba -______- dito kasi sa blog na to nagsimula ang lahat lahat e!! ahahahah pahamak na blog XD nalaman tuloy niya dati na crush ko siya hahahahahahah landi much! kaya hindi ko tuloy maiwasan na maconscious ;p

papa jep,
hoy tae ka!! kung alam mo lang...
kinilig ako nung dinikit mo yung surname mo sa first name ko!
wahahahahahahahahahaha
yun kasi yung unang beses na nabasa ko yun XD
wala lang hahahahahahahahah
sana lang talaga hindi mo to nababasa ahahahaha
tae ka talaga!!
i love you!