8/6/10

bago ako pumasok kanina, dumaan ako sa tindahan. tatay ko nagbabantay. dumilihensya lang ako dahil wala akong pera. pagkatapos nun, umalis na ako.

tatawid na sana ako para makapag-abang ng jeep papuntang monumento, nang biglang may dumating na dalawang babaeng nakamotor. so umatras muna ako at hinintay ko sila na makaparada sa gilid ko. sumakto naman nung patawid na talaga ako, biglang bumaba yung babaeng nakaangkas sa motor.. at natamaan niya ako :D sa gulat ko, napamura ako ng "ay puta!" at sabay kaming napatingin sa uniform ko. pareho naming nakita ang uniform kong napakalinis at napakaputi na may bahid ng nangingitim na putik na nanggaling sa tsinelas ng putang inang babae na yon!

napapailing na lang ako habang tinitignan ko yung uniform ko. siya naman, hingi ng hingi ng tawad at nagpapaliwanag "pasensya na talaga, sakto kasi pagbaba ko sa motor tatawid ka naman, sorry talaga miss.." napapangiti na lang ako sa kanya e pero sa isip ko parang gusto ko sabihin na "hayup kang babae ka! alam mo ba kung anong ginawa mo sa uniform ko? nilalabhan ko to araw araw, mano mano! tinitiis ko lahat ng hapdi sa kamay ko para lang mapanatiling malinis to! hindi mo alam kung gaano ako kaproud tuwing suot ko to! o ngayon, malilinis ba ng sorry mo tong napakagandang uniform ko ha? gusto mo na ba makipagmeet kay kamatayan? tangina mo bitch!"

OA e no? ahahahahaha actually hindi naman talaga ganyan naiisip ko kanina. hindi ko nga rin alam kung bakit hindi ko magawang magalit sa kanya nung mga oras na yun e. basta habang nageexplain siya, wala akong binitawang kahit anong salita. umalis ako dun ng nakangiti at parang walang nangyari.
o diba parang wala lang? ahahahahah hindi naman kasi talaga ganyan itsura nyan kanina. malinis na yan sa lagay na yan! pero kanina halatang halata pa yung marka ng tsinelas nung gagong babae na yun!

bumalik ulit ako sa tindahan para sabihin kay fadur na hindi na ako papasok dahil nga nadumihan yung uniform ko. tapos sabi niya saan ko daw nakuha yung putik na yun. sabi ko na lang sa jeep. tapos sabi niya madali lang daw linisin yun. kumuha siya ng towel at binasa niya sa tubig na may sabon. iniscrub niya yung part na puro putik. unti-unti namang luminis. effective! naamaze nga ako e hahahahah pakiramdam ko ang sarap ng feeling ng may magulang habang nililinis ng tatay ko yung uniform ko hahahah at naisip ko rin.. siguro kung si madur yung nagbabantay kanina, baka kakaibang scenario ang abutan ko. anyway, nung malinis na yung uniform ko, sabi ni fadur pumasok na raw ako. pero sabi ko, uuwi na lang ako.

naisip ko kasi, wala naman talaga akong klase pag friday. balak ko lang talaga magpasuk-pasukan kanina para makahingi ako ng pera. at yung nangyari sa uniform ko, hindi yun dahil sa katangahan nung babae.. baka sadyang kinarma lang agad ako :D