8/29/10

malungkot ako ngayon. masyado maraming gumugulo sa isip ko. ang bigat sa pakiramdam. sabay sabay dumating yung mga panira ng mood. gusto ko magwala. gusto ko umiyak. gusto ko magisa. at the same time gusto ko rin ng makakausap. labo hahah sana yung makakausap ko willing makinig sa akin. ultimo yung mga walang kwentang bagay na sasabihin ko pakikinggan niya. kaya lang wala naman akong ganung kaibigan. oo, marami akong maituturing na tunay na kaibigan. pero wala yung matalik na kaibigan. labo nanaman hahahah

tuwing ganito ang nararamdaman ko, blog ko lang tinatakbuhan ko dahil wala ngang ibang tao na handang makinig sakin. at least sa blog ko malaya akong nakakapaglabas ng sama ng loob. kahit paano, nababawasan yung bigat sa pakiramdam ko. pero syempre, iba pa rin kapag may taong aakbay sayo habang umiiyak ka.. hindi yung mamamaga yung mata mo kakaiyak sa harap ng computer na kahit kailan hindi ka icocomfort.

madali naman akong pasayahin kahit sobrang malungkot ako. pero kung wala namang tao na mageeffort na pasayahin ako, wala rin. sabagay ano ba namang mapapala nila kung mapasaya nila ko? wala naman diba?

anyway, nagpipigil ako sa pagpopost ng personal stuffs sa blog ko ngayon dahil alam kong maraming pwede makabasa nito. pinipilit ko imaintain yung image nito na pagiging happy blog. no emotional stuffs, just about living my everyday life happily. simple as that. most of my online friends see me as a happy person. of course, i'm good at pretending! bwahahahah ikaw ba maiisip mo na walanghiya ako sa totoong buhay? hindi naman diba? kung akala mo mabait ako, totoo yun hahahah

maguupdate na lang ako next time.. bahala na kung anong gagawin ko sa blog na to. basta kailangan maging personal blog na ulit to.

goodbye to my nosy readers, stalkers and haters. i love you all. i'll support you until all of you die ♥

8/28/10

nung isang araw, nakita ko si EJ naglalaro ng games sa website ng cartoon network. hindi niya alam kung ano paano yung gagawin sa laro dahil hindi pa naman siya marunong magbasa. so i tried to help him. when i took a closer look at the laptop, the game he's playing looks familiar to me~ and then i realized that.. that's one of the cartoon network games i used to play when i was a kid :Di can no longer remember who taught me or how i exactly learned~ ang naaalala ko lang, nasa korea si ate joy nung panahon na yun at ang tanging contact namin ay through yahoo messenger. so as early as 7 years old (2001 if i'm not mistaken?) i got my very first email address which is khulaza30@yahoo.com :D and i can still open that account until now.

naaalala ko pa nun, may nakachat ako dati sa yahoo chat rooms. buban something yung name. pero "baboon" yung pagkakabasa ko dun dati dahil sa character na IR Baboon sa cartoon na i am weasel. nagpanggap ako sa kanya na 18 years old na ako at nagtratrabaho sa kenny rogers. sinabi ko pa sa kanya na 5pm to 7pm ang pasok ko. nung kinwento ko yun sa ate ko, dun ko lang nalaman na wala palang nagtratrabaho ng ganun kaikling oras. daig ko pa daw yung manager kung ganun. hindi ko na rin maalala kung naniwala sakin si buban dati. malamang hindi.

hanggang sa natuto ako magbrowse browse sa internet, pero prepaid internet cards pa gamit namin nun. isp bonanza XD tapos naglalaro ako sa website ng cartoon network at neopets (wala pang neohomes nun!) pero working offline lang ako after magload ng game~ they don't let me use the internet before dahil nga prepaid lang kami T_____T

after ilang years, naglagay na sila ng games sa computer. yung medal of honor allied assault, the sims at gta: vice city :D nung grade 5 ako, nagbusiness si ate joy dito sa pinas. computer shop. sa lepanto katabi ng back gate ng ue recto. every weekend ako nandun kahit malayo sa bahay. yun yung time na naadik ako sa online gaming. gunbound philippines ang pinakaunang onlione game na nilaro ko aside from neopets. then i started blogging when i was in grade 6 :D friendster blog pa ang gamit ko nun! si john rey ian san diego ang pinakaunang blog reader ko (sapilitan yun!! hahahah) too bad i already deleted my friendster account kaya hindi ko na marerecover yun~ lalo pa akong naadik sa online gaming nung highschool ako! yun na yung panahon na niloloadan ko yung laro ko at hindi ako pumapasok para maglaro -____-

hahahah ang sarap magreminisce tae! basta marami pang kung anu anong shit. kaso baka wala na mageffort na basahin to pag sobrang haba kaya di bale na lang XD

natuwa lang talaga ako nung nakita ko yung nilalaro ni EJ. kasi parang kailan lang adik na adik din ako dun... tapos ngayon siya na tong naaadik dun! isa lang ang ibig nito.. tumatanda na ako waaaaa!

peter pan, i need you T_______T

8/26/10

hindi natin masisisi yung ibang hong kong nationals kung magtanim sila ng galit sa mga pilipino pagkatapos ng nangyaring hostage taking~ kaya nga may mga pilipinong gumagawa ng facebook fan pages na humihingi ng tawad sa mga taga-hong kong. hindi naman natin agad makukuha ang loob nila, pero at least, kahit sa simpleng paraan lang, malaman nila na taos-puso tayong nakikiramay sa mga namatay.. at maipaalam natin sa kanila na hindi lahat ng pilipino ay iisa ang ugali. mas marami pa rin tayong magagandang traits na pwede natin ipagmalaki sa buong mundo, at walang sinuman ang naghangad na mangyari ang hostage taking.

pero... paano natin mapapatunayan sa kanila ang sincerity natin kung......ganyan ang ginagawa ng mga pulis?

ay nako! nung nakita ko to sa fan page na Hongkong, Our apology for what happened, nahihiya ako sa mga hong kong nationals na makakakita sa picture na to~ ano pang silbi ng sorry nung mga pilipino kung ganyan rin lang naman ang pinaggagawa ng mga punyetang pulis na yan. sa katunayan, marami silang palpak na ginawa sa hostage drama e. hindi ko na kailangang banggitin dahil alam kong alam niyo na rin yun. baka nga kung lumabas yung resulta ng imbestigasyon sa crime scene, kalahati ng bilang ng mga namatay, PNP pa ang nakabaril. bobo nga kasi.

pwede pamura lang? kahit isa lang.. PUTANG INA NIYO! MGA WALA KAYONG SILBI! NATURINGAN PA KAYONG MGA PULIS! HAYUP! -_____-

sana naman.. sana lang talaga.. magkaron na tayo ng magandang gobyerno at matinong kapulisan. P-Noy, we're counting on you.

8/25/10

congratulations to venus raj! :D yung makasali lang siya sa top 5, major major achievement na yun XD
at dahil sa Q&A portion niya, nalaos ang expression na "bonggang bongga"! may bago na e, "major major"! english version lang hahahah

8/24/10

manila hostage taking. manila hostage taking. manila hostage taking. manila hostage taking. manila hostage taking. manila hostage taking. manila hostage taking. manila hostage taking. manila hostage taking. manila hostage taking...

puro yan na lang ang maririnig mo ngayon kahit saan ka pumunta.. facebook, blogs, other websites, all over the internet, news, school, binabanggit ng professor, kwentuhan ng ibang tao, as in everywheeeeere! kanya-kanyang opinion, iba-iba ang sinisisi.. kaso nga lang, kahit sinong makita nila ngayon, sinisisi sa pangyayari! nagiging overrated tuloy yung hostage crisis na yun.

oo nga, may mali si rolando mendoza. may mali yung kapatid niya. may mali yung mga pulis. may mali yung media. lahat sila may pagkakamali. pero wala rin namang magagawa yung paninisi nila e diba? tapos na yun, hindi na maibabalik ng paninisi nila yung mga inosenteng buhay na nawala. why don't they shut their mouth and just pray for the souls of those who died in the incident? they keep on blaming everybody, without noticing that they're just making the situation worse.

sa totoo lang, ayoko na banggitin dito sa blog ko yung detalye ng hostage taking. it's just so depressing to know that those hong kong nationals went here just to see the beauty of the philippines.. and now, they will go back home to their country with a very tragic news. try putting yourself in their shoes, isn't it heart breaking? T____T

8/23/10

i skipped classes a while ago.. (promise last na talaga to!!! T_______T) at nagkita kami ni papa jep~ pinapunta ko siya kanina sa mcdo habang nagbrebreakfast ako at nung medyo nabobored na kami, naisipan kong ayain siya sa sm para paglaruin ng PIU :D
sa sm north kami naglaro, dun kasi siya nag-aya XD buti na lang wala pa yung mga FZ members (Forever Zero, number 1 PIU group here in the philippines) dahil kung nandun sila, malamang hindi makakapaglaro si jep dun -_____-

first time niya magtry kanina kaya weak lang siya hahahahah gusto ko maabutan niya yung level ko XD anyway, i've been playing this game for about three years~ kaya aja na lang sayo jep kung maabutan mo pa ko bwahahhah joke lang :D weak pa rin ako no! hmm willing naman ako turuan siya e. para anytime pwede ko na siya ayain maglaro tapos magkasabay pa kami :D oha oha!
gusto ko kumita sa blog na to -______-

makes me wonder how and how long they practiced this O____O anyway, this is one of the reasons why i keep on loving korea :D nakakaproud maging asyano hahahah! they're just... AMAZING! go korea! fighting!

8/22/10

i joined a cool facebook group named The Butterfly Project :D i saw it while i was blogwalking yesterday :D i just can't remember where i exactly got it, so forgive me please T______T

anyway, here are the simple rules:

1. When you feel like you want to cut, take a marker, pen, or sharpies and draw a butterfly on your arm or hand.
2. Name the butterfly after a loved one, or someone that really wants you to get better.

3. You must let the butterfly fade naturally. NO scrubbing it off.
4. If you cut before the butterfly is gone, you've killed it. If you dont cut, it lives.
5. If you have more than one butterfly, cutting kills all of them.
6. Another person may draw them on you. These butterflies are extra special. Take good care of them.
7. Even if you don't cut, feel free to draw a butterfly anyways, to show your support. If you do this, name it after someone you know that cuts or is suffering right now, and tell them. It could help. =]
so there~ although i don't harm myself, i still drew a butterfly to show my support :D i really like their cute idea! but until now, i don't know what name will i give to my new butterfly. hmm..
nung nasira yung desktop ko few months ago, nakikigamit na lang ako sa laptop ni madur. but since maghapon naman siyang wala sa bahay, i can use her laptop the whole day :D pero pag dumating siya sa gabi, hindi na ko makagamit.. because she HAVE to serve food and harvest crops. hanggang madaling araw siya dun! hindi na ako makakasingit kapag nasimulan niya! e sa gabi pa naman maganda magonline, kahit umiyak at magmakaawa pa ko sa harapan niya, hindi niya ko pagagamitin.

then lately, nagsawa na siya sa farmville farmville at restaurant restaurant~ hindi na siya masyado naglalaro ng kung anu anong applications sa facebook (although may mga nilalaro pa rin naman siyang iba) but at least she will no longer spend much time on facebook. yesss! :D

pero yun ang akala ko!! -____-

...because of facebook, nacontact nila ng tita ko na nasa states (which is her twin) yung mga kaklase nila nung gradeschool. overwhelmed naman sila dahil sabay silang nagrereminisce ng mga kabataan days nila while chatting. yung iba niyang classmate naguupload pa ng mga class pictures kaya yung madur ko enjoy na enjoy sa pagtatag ng mga kaklase niya!minsan nga, naririnig namin siya nagsasalita magisa habang tinitignan yung class picture. paulit-ulit na nga e! nakabisado ko na! hahahaha

"ay ito yun teacher na namamalo ng estudyante"
"ito yung humalik sakin nung grade 2 ako tapos umiyak ako"
"ito yung bestfriend ko pero nakalimutan ko pangalan niya"
"pumupunta ko sa bahay nito dati kapag uwian"
"itatag ko pangalan nito ng may RIP kasi patay na to ngayon"
"mali yung nakatag na pangalan, hindi naman to si ano e"
"ginupit niya yung picture kasi crush niya to dati"

basta marami pa!!

madalas namin sila kinakantyawan ng mga pinsan ko kapag nakavideo call silang kambal sa YM, wala na kasi silang ibang pinagusapan kundi yung tungkol sa gradeschool days nila! nagbabalak pa nga ata sila ng reunion? tapos meron na rin silang facebook group para sa batchmates nila hahah

but guess what? even though those photos were like taken 30 to 40 years ago, they can still recognize the faces and names of their classmates until now :D and that's a good thing about them~ kaya lang hindi ko na talaga siya lalo maawat sa computer ngayon dahil mas parang mas lalo pa siya naadik sa facebook T_______T

(anyway, she has no idea that i exposed their old pictures here in my blog hahahah)
simula nung unang beses na nakita ko tong video na to, until now, hindi ako nagsasawang panoorin to araw araw :D i adore their innocence! hahahahaha! this always makes my day! ♥

8/21/10

naglaro kami kahapon ni Jaye Yow ng PIU sa SM valenzuela kahapon. mga 5 hours rin siguro yun? tapos may nakita akong PIU player na tagalaco dati! i don't know him personally but his face looks fmailiar! kaya pinatanong ko kay jaye kung nagaaral dati sa laco yung lalake. at ayun tama nga XD ahead siya sakin ng two years, then one year pa lang daw siya naglalaro ng PIU! pero mas magaling na siya sakin T_____T kaya na niya mga level 20 something. err nainggit tuloy ako kasi letter A niya yung Faster Z. bakit ba kasi ang liit ng paa ko e!! hahahah nahihirapan ako sa mga steps na tatlong arrows amf. pero natuwa ako kasi akala ko ako lang yung naglalaro ng PIU sa laco XD

anyway, nung maglalast game na sana kami, biglang..................................... XD wahahaha TAE!

dear Lord,
sorry, hindi ko kaya ikwento sa blog ko yung tungkol sa "optimus prime"
baka kasi isipin ng mga makakabasa nito napakawalangya ko hahahahahah
pero sana mapatawad mo kami sa ginawa namin ni jaye T_____T
alam ko maling mali to..
pero hindi na rin namin alam kung ano ang gagawin namin ngayon..
basta sorry.
yun lang.
pramis hindi kami aabuso :D
finally! umorder na ulit si ate ng cyleina black pearl :D bigla kasi dumami yung pimples ko nung kojic ginagamit ko kainis. nitong bago magpasukan kasi nagpalit ako ng soap. dapat talaga hindi na ako nagstop sa paggamit nung black pearl e! mas okay pa yun dati haaayo ayan, magsawa ako sa organic soaps! ahahahahah ang cute nung bago na malaking black pearl XD parang bato talaga hahah

sana lang talaga effective tong black pearl ngayon.. please please?

8/20/10

just woooooow O________O

8/19/10

i wonder how it feels like to be broken-hearted O____O as far as i know, i haven't felt yet that my heart was totally broken by somebody~ i don't know if i'm too insensitive, too good at pretending or i just learned this from my previous relationship.

i'm just wondering :D because i keep on seeing a lot of emotional shits lately~ oh well..

8/18/10

every time i listen to nickelback's far away, it reminds me of a lot of good GREAT memories~ particularly my highschool days T________T minsan nga hindi ko maiwasan napaluha kapag naaalala ko e XDDD hahahahah or sometimes when i look at our highschool pictures and videos, i can hear nickelback's far away playing in my mind O___O kumbaga may background music habang nagrereminisce ako hahah

i don't know, wala naman akong experience na may kinalaman sa kantang yan. pero ang lakas talaga ng impact sakin T______T baka sadyang nakakadala lang yun~ leche ang emo ko ngayon hahahah

i miss highschool so freakin bad.
tangina tangina tangina. - (kailangan talaga may mura e T____T pagbigyan..)

8/17/10

"Why do ladies wear super miniskirt/p3kp3k shorts?"

masyado akong natawa at natuwa sa isang post ni nafacamot tungkol sa miniskirt at p3kp3k shorts :D aminado ako mahilig ako magsuot ng miniskirts, pero hindi naman yung mga super duper mega micro mini! hindi rin ako nagsusuot nung tinatawag nilang p3kp3k shorts. nagtataka lang si nafacamot kung bakit nagsusuot yung mga babae ng ganun~ let me share my insights :D

"Is it confy?"
ABSOLUTELY! this is the main reason why i love wearing miniskirts! i feel completely comfortable! :D you can rarely see me wearing pants dahil para akong hindi makahinga (okay, OA na yata yun masyado) basta parang init na init lang ako XD tinanong ako ni jep dati kung paano ako maiinitan sa pants e hindi naman legs ko yung humihinga -___- ay nako ang sarap na lang kutusan hahahahah hindi kasi talaga ako sanay magsuot ng skinny jeans! okay pa sana yung loose e. pero pag fitted talaga, naiirita ako O___O you might find it weird.. pero ganun talaga pakiramdam ko. i also don't know why.

"Is it cheap?"
uhh, not actually. most skirts are ranging from 500php to 1000php + + buti sana kung may makikita kang tig-500php na maganda ang design!! e kadalasan pa naman sa mga stores dito sa pinas, pare-pareho na lang yung designs ng skirts. kaya minsan nagmamakaawa pa tuloy ako sa ate ko sa america para ibili niya ako ng skirts online or sa stores sa states. at yung price dun madugo rin!! hindi bababa sa $25 -___- well, meron rin namang mga tig200php na skirts! dun sa divisoria~ kaya lang kahit san ka pumunta, tiyak may makikita ka na ganun rin yung suot na skirt.

"Is it uso?"

i don't know~ hindi kasi ako updated sa usong fashion e. kung ano yung gusto ko, yun yung sinusuot ko. i don't like people who wear clothes just because it's fad! kahit obvious naman na hindi bagay sa kanila! err you should wear clothes that fits you and not because it's the trend tsk tsk~ tulad na lang nung sa emo looks! nakaitim na shirt, pants, shoes, eyeliner, hair, lahat itim!! e pano pa kaya kung hindi naman sila maputi diba? mukha silang naglalakad na kamagong -____- kaya depende pa rin talaga yan sa nagdadala. kung carry naman niya magsuot ng ganun, edi hayaan na lang natin :D

"O gusto lang nila na may naglalaway sa kanila?"
hahahahahahah!! buti na lang sakin walang paglalawayan nyahahahah pero siguro yung iba.. i don't know :D

"Or para sa kadahilanang Easy Access? You know naman siguro ang gus
to ko sabihin? LOL..."
isa pang hahahahahahahah!! i got your point but i say no no to easy access :D ewan ko rin sa iba hahahah (napaka playing safe ko talaga ngayon tae)

"If it is confy, why they make hatak hatak pa their skirt/p3kp3k short kapag may nakatingin at nakangangang bibig na naghihintay na masilayan ang pink/bulaklakin na salung guhit nung girl."

grabe! wagas ang talaga ang tara ko sa post mo hahahahahaha pero sa sitwasyon na to, it's their fault :D hindi ko talaga maintindihan kung bakit sila nasisilipan O___O in the first place, ikaw yung may suot nun so dapat aware ka kung makikita na yung kaluluwa mo. kaya kung nasilipan ka ng kung sino man, it's either manyak lang yung mga trying hard na makitaan ka, o sadyang trying hard ka lang magpakita sa mga manyak.

katulad na lang nitong babae na nakasabay ko sa jeep last week! hindi ko mapigilan ang sarili ko na pichuran siya dahil kung makabukaka siya akala mo walang bukas e! partida buntis pa yan. tsk tsk. pasensya na kung madilim yung shot. gabi na kasi nyan. pag nilagyan ko ng flash yan, taena baka majombag ako ng wala sa oras.
tulad nga ng sinabi ni nafacamot "Kung baga sa basketball hindi ka ba magtatake advantage kung wide open naman? Ready to shoot na hihintayin mo pa bang mablock ka?" kahit ako magtatake advantage na tumingin! wahahahahah takaw pansin kaya yun!!

basta eto lang yan e, kung ayaw mo masilipan o mabastos, wag kang magsuot ng ganun kaikling skirt. pero kung trip mo talaga magsuot ng ganun, ayusin mo yung sarili mo sa lagay na hindi ka kabastos-bastos :D
eto pala yung kumakalat na video na binato daw ng mineral water bottle si justin bieber XD totoo pala yun ahahahah hindi lang ako sure kung bote ba talaga yun~ kasi may mga nagsasabi na hindi naman daw o___o hahahahah kayo na humusga ahahahah

anyway, sorry naman kung ngayon ko lang to nakita ha!! hindi naman kasi ako nagsasayang ng oras na tignan yung mga shit na tungkol sa kanya hahaha pero eto malupet! wahahah HEAD SHOT! XD
yay! nagkita kita ulit yung charism kahapon! huling pagkikita yata namin nung end of june pa? o___o wuhh tagal na rin~

belated happy birthday tito Anthony Guevara Enriquez XD salamat sa merienda at dinner at san mig! pero hindi ako uminom!! si akino lang umubos~

at syempre hindi mawawala ang wagas na pichuran!! lalo na kung nandun ako bwahahahahah
emote lang yan wahahahah i don't drink alcohol~ unless i'm with jep :D
feel ko talaga magtulug-tulugan kapag pichuran wahahahah
what's wrong wijuuuu booh? ahahahahah
ohh there's reyn :D buti pa si reyn pumunta.. pero yung iba wuhhh
naka-syon ako nyan wahahahahah
me and caeks :D nabitin yung kwento niya dahil late na siya dumating T^T
ohaaaa nandun rin si earl!! pero siya talaga pinaka late dumating~ yung tipong pauwi na dapat kami wahhahahaha
wahahhahahahahahahah itsura mo earl! epal kasi e!! si booh lang hindi nagbago yung pose nung biglang sumingit si earl wahahahah

more pictures here.

8/14/10

this is the first time ever that i do nail art on my own nails. well, i already did nail art before, pero para sa ibang tao yun. nahihirapan kasi ako dati maglagay sa sarili ko lalo na sa right hand dahil hindi ako sanay~ kaya laging plain lang yung nalalagay ko sa sarili ko T_____T at isa pa, masyado maliliit yung nails ko.. aww

but then, i was too inspired to do nail art a while ago because of ate Mara :D i met her lately, and she's a blogger too who loves make up, nail art, etc etc~ aminado ako na hindi ako mahilig sa kung anu anong pambabaeng kaartehan, pero natutuwa ako kay ate Mara. kaya nga nainspire akong gumawa ng nail art sa sarili ko XD but it doesn't mean i'm becoming vain already! macho pa rin ako no! bwahahahah natutuwa lang talaga ako magtry sa sarili ko :D ganun rin kasi yung ginagawa niya~

so here's a picture of my first lame attempt :D ahahahahstrawberry pattern yung balak ko e! kaso hindi naman mukhang strawberries O____O i told you it's a lame attempt ahahahahah tapos parang ang messy masyado~ wuhhh i have to practice more on using toothpicks T____T

ate Mara,
aww, i need some tips!! T____T
pretty please??
with a cherry on top? *puppy eyes*
i need some words from the master hahah
sinama ko si Jep sa UST para umattend ng art event.

habang nagtitingin ako ng paintings, may nakita akong babae. i don't know her personally but she looks familiar. she's an art student and she's also one of the organizers of that event. napansin ko tingin siya ng tingin samin ni jep. nung una pa lang talaga, hindi maganda yung kutob ko sa kanya.

maya maya inapproach kami nung babae. parang alam niya talaga na interesado ako matuto ng painting. since she was an art student, she gave me some tips. kung kausapin niya ko as if we are close friends! habang naglelecture siya sakin, napansin ko dikit siya ng dikit kay jep. to the point na sila na ni jep yung naguusap (pero hindi ko lang alam kung ano pinaguusapan nila) obvious naman na nageenjoy si jep sa kwentuhan nila nung babae. dun ko narealize na parang flineflirt na nung babae si jep.

i walked out because i thought i could get jep's attention. kaso hindi e, habang naglalakad ako palayo, nakita ko si jep nakatingin na sakin pero pinipigilan siya umalis nung babae. at siya naman, walang ginawang paraan para makaalis. basta nagstay lang siya kasama yung babae. at umuwi na lang ako.

nung araw din na yun, pinuntahan ako ni jep sa bahay tapos sinabi niya, sila na daw nung babae kahit kanina niya lang yun nakita at nakilala. umiiyak na ko, pero ako galit sa kanya. wala ko magagawa e, maganda yung chick. yung tipong nililingon talaga! kaya hindi malayong mainlove agad ang kahit sinong lalake dun kapag flinirt sila. pagkatapos ko marinig yung mga sinabi niya.. nag-iba na yung panaginip ko.

...

pero sa totoo lang, ang bigat ng pakiramdam ko pagkagising ko. what more kung totoo yun diba -______- i don't know what to feel. it's just so sad..

8/13/10

kung makakakita ka ba ng babaeng iba-iba ang kulay ng nail polish sa bawat finger, ano iisipin mo?
napapansin ko kasi ang daming napapatingin sa kamay ko tuwing ganyan yung kulay ng nails ko T_____T hindi ko tuloy alam kung natutuwa sila o naweweirdan sila sakin! waaa. actually, i don't care what they think about me.. i'm just wondering kung ano ang dating nun para sa kanila :D

ohh, nevermind the picture -___- ang arte ng itsura ko dyan ahahahahah pag nakita ni jep yan panigurado sasabihin nanaman nun nagpapacute ako masyado!! at pag sinabihan niya ako ng pacute, hindi yun compliment! err.
rasta na ko ngayon e bakit ba?! ahahahahah

pinagtripan nila ko kanina e T______T pero ayos lang wahahha natuwa naman ako sa look ko! pero sana next time mas reggae ang dating ng get up ko wahahha sana lang talaga XD hindi ba masyadong obvious na gusto ko tong shot na to? hahah
habang kausap ko si jep sa phone, bigla naming napagusapan yung tungkol sa password ng blogger account ko. sabi ko sa kanya, pinalitan ko na yung password nito. dati kasi alam niya e. minsan nga nagpopost pa siya e hahahah tapos bigla ako napaisip kung ibibigay ko pa ba sa kanya yung bago kong password. hindi ko nga alam kung nabubuksan niya pa tong blog ko e (sana hindi na!!) hahah

pagiisipan ko muna ng bonggang bongga bago ko ibigay sa kanya yung password at yung website. kahit 6 months na kami at marami na kaming pinagdaanan na kung anu anong shit, shy pa rin talaga ako pag aware ako na nababasa niya tong blog ko ahahahah ewan ko ba -______- dito kasi sa blog na to nagsimula ang lahat lahat e!! ahahahah pahamak na blog XD nalaman tuloy niya dati na crush ko siya hahahahahahah landi much! kaya hindi ko tuloy maiwasan na maconscious ;p

papa jep,
hoy tae ka!! kung alam mo lang...
kinilig ako nung dinikit mo yung surname mo sa first name ko!
wahahahahahahahahahaha
yun kasi yung unang beses na nabasa ko yun XD
wala lang hahahahahahahahah
sana lang talaga hindi mo to nababasa ahahahaha
tae ka talaga!!
i love you!

8/12/10

tuwing sinusulat ko yung name and section ko, lagi akong nagkakamali sa section. instead of writing PT 1Y1-3, charism ang nasusulat ko O____O this happens to me most of the time! charism kasi yung section ko nung fourth year highschool.. haaay -___- i miss highschool! i miss my highschool friends! T____T
at narealize ko na.. exposed pala ang identity ko sa shot na to -_____- bwiset.. pasalamat kayo wala akong photoshop para iblur yung pangalan ko bwahahhaah

hayaan niyo na, minsan lang yan :D
galing sa bagong online friend na nakilala ko lang nung isang araw :D
nakalagay kasi sa profile niya, siya daw ang "loonie ng maceda" kaya kinantyawan ko, sabi ko sampolan niya nga ako :D at eto, bumira nga ahahahahah

nakakaflatter lang bwahahahhahahah kahit talagang pinamukhang maliit ako! -___- matangkad naman ako e! kaso mas marami lang talaga na mas matangkad sakin ahahahahahahaha

anyway, salamat salamat :D
so ganito na ba ang makabagong pangangampanya?
ayos! pati pagkampanya pafacebook facebook na lang rin :D ahahahahah so kung natuloy pala yung pagtakbo ko, parang jejemon pala ang makakalaban ko? ang yabang mo naman jiashi -_______-

sorry kuya ward, hindi ako boboto e :D

8/11/10

ito lang naman yung pinaggagawa namin nung hindi ako pumasok kahapon :D just spent my whole afternoon with geib and yukiro~
nageenjoy ako sa ball games XDDD
yan lang talaga nilaro ni geib ahahahhaah
drummania ♥ using the drumsticks i bought yesterday :D
first time ko magtry ng dance maniax! bwahahah keri naman :D with matching body movements yan wahahahaha nacacarried away ako e!
ohh, it's lake and nawasa ♥ sweet!
akala ko kasi sushiiiii o_____o
hindi maaawat na cam whoring XDDDD
sa congo grille :D nakakaewan habang ginagawa namin yan ahahahah!

more pictures here.
uhh, i skipped classes today -_____- but i had a fun UBE (ultimate bonding experience) with geib and yukiro at SM san lazaro a while ago~ mamaya ako magkwekwento at magpopost ng pictures :D

anyway, kanina habang paakyat ako sa central terminal station (from caloocan, dumiretso muna ako sa SM manila para bumili ng drumsticks, tsaka ako pumunta ng SM san lazaro kung saan kami magmeemeet ni geib. gets?) may nabasa ako dun sa bago umakyat ng hagdan "bawal dumura dito" tapos nung nasa unang step na ako ng stairs, may naramdaman akong malagkit na something sa paa ko! pagtingin ko.. HUWAW! may laway sa pants ko na tumulo na sa flip-flops ko at nadikit na sa paa ko!!! hindi ko na napansin kung saan ko nakuha yun at kung sino yung hayup na dumura e. hindi ko na nga alam kung may kasama pang plema yun dahil naiinis lang ako kapag tinitignan ko.

simula ngayon, sinusumpa ko na lahat ng mga walang pakundangan na dumudura kung saan saan! dapat sa inyo may punishment e, stoned to death! tapos nagbabaga yung mga batong gagamitin! tapos pagswiswimmingin kayo sa pool na may muriatic acid! tapos ipapasagasa yang mga saksakan at baril-barilan ng pangit niyong mukha sa ten wheeler ng pabalik-balik 100 times habang pinapalapa sa aso yung etits niyo! leche! bwakanang ina, napakasalaula niyo!! maderpaker! eto sa inyo!! t(-_-t)

- hanep, kung makapagsalita ako akala mo hindi nagaral sa catholic school e no? ahahahahahhhahah patawarin, nacacarried away lang :D ahahah

pero kahit paano, nakamove on na naman ko sa nakak pangyayari na yun. katulad nga ng reply ni edu sa GM ko tungkol sa gagong may sala ng dura sa pants ko, nakakadiring karma yun para sa mga nagcucutting. hahaha! may punto siya, karma nga siguro. naalala ko tuloy yung pangyayari last week. nakauniform ako kahit wala naman akong klase sa araw na yun, ang nangyari naman, naputikan yung uniform ko -____- tsk tsk.

pansin ko lang.. tuwing gagawa ako ng kalokohan na may kinalaman sa pagpasok, laging may nangyayaring hindi maganda sa uniform ko! theory lang naman hahaha.
last night, ate wenz uploaded a few pictures of their childhood (syempre kasama na dun yung pictures ni emperor booh! :D) and here are just some of them..
ahahahahahahahahahaah yan yung favorite ko!! ahahahha ang cute cute ni booh! hindi ko maimagine ang isang boyish na babae ngayon, buhat buhat ng tatay niya nung baby siya XD pero kahit sa picture na yan, mukha pa ring lalake yung mga tingin niya ahahhhahaha at eto paaaa! ahahahahahahahah san ka pa?! napakagirly ng itsura ahahhaha :D graduation picture daw niya yan nung kinder kaya sapilitan siyang napapose ng ganyan ahahahah

mas natawa natuwa pa ko nung nakita ko yung comments ni booh na sinasabing "cute ako nung bata ako" hahahahahahah i love the confidence bwahahah totoo naman ah!! anyway, they have no idea that i exposed their photos here in my blog, kaya ngayon pa lang, humihingi na ako ng kapatawaran~

hey booh,
i didn't thought you were that adorable!
please upload more pictures T_____T
ahahahahhaha!
but hey, don't think i'm laughing sarcastically here!
masyado lang ako nacacarried away!
napakacute mo kasiiiiiii :D
pwede bang maging bata ka na lang ulit?
para ikaw yung paglalaruan namin nila eki at geib ♥
ahahahahhhaha i love you booh ♥ very very!

ngayon ko lang nakita yung pictures na yan sa facebook kaya ngayon ko lang din napost dito sa blog ko. kahit malalate na ako sa morning class ko, pinilit ko pa ring maipost yan dahil hindi ko matiis ang cuteness ni booh! ahahhaha panigurado pag nakita ni jep to matutuwa rin yun! ahahah :D

parang gusto ko tuloy na magupload kaming apat ng mga baby pictures namin tapos ipampriprimary!! pagbigyan.. uso naman e :D ahahahhahahahah

okay, i'm off to school now.

8/10/10

nakakahiya mang aminin pero ako'y masyadong nahuhumaling sa fliptop battle... at hindi na ako mapipigil! -____- gusto ko dun si loonie! :D ang kanyang english ay deadly! very very! ahahahah

basta fliptop lang ang libangan ko sa mga oras na walang akong magawa. wuhhhh
ahahahahahhahah!! i'm starting to love this guy! ♥ (oo sige, ako na ang napagiiwanan XDDDD kanina ko lang siya nakilala e, sa TnL pa! tsk tsk) anyway, according to wikipedia, he already gained his fame through his pranks and he has never been arrested for his acts~ he also said, he's doing those things just for fun.. and that's what makes him awesome :D

i also like his video "Saving Private Remi" ahahahahahahah he's about 60 years late to the war XD i like the people's reaction! tapos may mga nagskiskinny dip pa sa beach ahahah parang feel na feel ni Remi na nasa Omaha Beach siya! kompletong attire pa e wahahahahah

8/9/10

few minutes ago, while i was surfing the net, i accidentally saw this..

..TRAILER OF SAW IN MOTHEREFFIN 3D!! :DDDD damn, my excitement just reached its zenith after watching this! XD ahahahahah i tried looking for it on wikipedia.. and it says that it will be released on October! efffff, i can't effin wait!!!

i'm really not fond of watching disturbing movies simply because i'm a scaredy cat! gore is not included! in fact i like gory films :D ayoko lang nung sobrang horror at thrilling! yung mga nakakapraning -____- but i can say that i'm a huuuuuuge fan of Saw series! :D it's different from all the other movies (in general~ scary or not) i've seen! every single thing about this movie amazes me! the story, the flow, the characters, the casting, the effects, the traps, the prosthetics, everything! i really like John Kramer as well as his way of thinking. effin smartass! ♥

it's my favorite movie ever! that's why it's kind of disappointing to know that this Saw 3D would be the final film in the series T________T yes, it would be the last. this is the second time that Saw made me sad.. the first one was when John Kramer died T___T

anyway, i'm looking forward to watching this film on October! this will surely be an awesome endgame :D i'm going to miss your games John Kramer! ♥
you might be surprised when i say that i want to watch a horror movie today.. everybody knows how coward i am when it comes to these stuffs XD for sure, i'm just going to spend the whole time covering my eyes until i fell asleep ahahahah but now, i really feel like watching ghosts films. seriously! so i looked for random horror movies over the internet and it gave me these:
Martyrs
Survival of the Dead
Outcast
Night of the Demons
La Horde
Fading of the Cries
The Last Exorcism
The Blair Witch Project
A Nightmare on Elm Street
30 Days of Night

okay so.. google gave me a couple of lists but those i posted above are my top 10. well, i think i have to start with Martyrs and The Last Exorcism :D

but hey, i didn't say that i'm going to watch it alone! -____- omfg i would really die! ahahah maybe i'm going to watch it with Jep and/or Booh! honestly, we always plan of having a movie marathon but we never make it into reality XD walang place e T___T if only i could let Jep visit my house..... hmmmmm :D alam na! ahahahah

ahahahahah ang kulit ng reaction niya XDDDD

hmm, this reminds me of something hah! ;p
hindi ako makapasok ngayon sapagkat ako'y may sore eyes.. wuhhh T________T ang hirap pala ng may sakit. ang hirap kapag hindi ka nakapasok ng isang araw sa klase mo. nakakaworry. nakakastress. nakakabored. hindi naman pwede gumala dahil may sakit nga ako. buti na nga lang nakakapagdota at facebook pa ko ngayon ahahahahah

8/6/10

nawala yung + volume button ni asmo T__________T nakakainis! pwede pa kayang mapalitan to ng bago??? i hope so.. phased out na kasi yung model na to e. hindi ko tuloy alam kung saan ako makakakita T_________T
bago ako pumasok kanina, dumaan ako sa tindahan. tatay ko nagbabantay. dumilihensya lang ako dahil wala akong pera. pagkatapos nun, umalis na ako.

tatawid na sana ako para makapag-abang ng jeep papuntang monumento, nang biglang may dumating na dalawang babaeng nakamotor. so umatras muna ako at hinintay ko sila na makaparada sa gilid ko. sumakto naman nung patawid na talaga ako, biglang bumaba yung babaeng nakaangkas sa motor.. at natamaan niya ako :D sa gulat ko, napamura ako ng "ay puta!" at sabay kaming napatingin sa uniform ko. pareho naming nakita ang uniform kong napakalinis at napakaputi na may bahid ng nangingitim na putik na nanggaling sa tsinelas ng putang inang babae na yon!

napapailing na lang ako habang tinitignan ko yung uniform ko. siya naman, hingi ng hingi ng tawad at nagpapaliwanag "pasensya na talaga, sakto kasi pagbaba ko sa motor tatawid ka naman, sorry talaga miss.." napapangiti na lang ako sa kanya e pero sa isip ko parang gusto ko sabihin na "hayup kang babae ka! alam mo ba kung anong ginawa mo sa uniform ko? nilalabhan ko to araw araw, mano mano! tinitiis ko lahat ng hapdi sa kamay ko para lang mapanatiling malinis to! hindi mo alam kung gaano ako kaproud tuwing suot ko to! o ngayon, malilinis ba ng sorry mo tong napakagandang uniform ko ha? gusto mo na ba makipagmeet kay kamatayan? tangina mo bitch!"

OA e no? ahahahahaha actually hindi naman talaga ganyan naiisip ko kanina. hindi ko nga rin alam kung bakit hindi ko magawang magalit sa kanya nung mga oras na yun e. basta habang nageexplain siya, wala akong binitawang kahit anong salita. umalis ako dun ng nakangiti at parang walang nangyari.
o diba parang wala lang? ahahahahah hindi naman kasi talaga ganyan itsura nyan kanina. malinis na yan sa lagay na yan! pero kanina halatang halata pa yung marka ng tsinelas nung gagong babae na yun!

bumalik ulit ako sa tindahan para sabihin kay fadur na hindi na ako papasok dahil nga nadumihan yung uniform ko. tapos sabi niya saan ko daw nakuha yung putik na yun. sabi ko na lang sa jeep. tapos sabi niya madali lang daw linisin yun. kumuha siya ng towel at binasa niya sa tubig na may sabon. iniscrub niya yung part na puro putik. unti-unti namang luminis. effective! naamaze nga ako e hahahahah pakiramdam ko ang sarap ng feeling ng may magulang habang nililinis ng tatay ko yung uniform ko hahahah at naisip ko rin.. siguro kung si madur yung nagbabantay kanina, baka kakaibang scenario ang abutan ko. anyway, nung malinis na yung uniform ko, sabi ni fadur pumasok na raw ako. pero sabi ko, uuwi na lang ako.

naisip ko kasi, wala naman talaga akong klase pag friday. balak ko lang talaga magpasuk-pasukan kanina para makahingi ako ng pera. at yung nangyari sa uniform ko, hindi yun dahil sa katangahan nung babae.. baka sadyang kinarma lang agad ako :D

8/4/10

kanina nung pauwi kami ni jaye galing sta mesa, sumakay kami sa lrt para mabilis yung byahe. at dahil rush hour, siksikan sa lrt.. hindi ko mapigilan tumawa ng malakas ahhahahahahahah kaya pinagtitinginan ako nung mga tao dun~ naaalala ko kasi yung bullet train sa japan XDDDD

actually, hindi naman talaga yan nakakatawa ng bongga. pero tuwing naaalala ko yung sinabi ni jaye na.. pati siguro magnanakaw hindi makakadukot dyan ahahahahahahha tapos kung makadukot man siya, hindi na siya mabubugbog sa loob ng train ahahhahahahhaahahahhaha

patawarin :DDDD hindi talaga makamove on! hinding hindi na talaga ako sasakay ng tren kapag kasama ko si jaye XD ahahhahhahhaa

anyway, ang cute nung asian chick na nakasabay namin kanina :D gusto ko sana kuhanan ng stolen shot kaso bigla tumawa si jaye nung tinanong ko siya "what if magflash?" O_______O sayang..
hay nako, sinabi ko na ngang mahina ako sa mga gantong bagay e -______-

i miss you Nanay T______T



konting shoot lang~ japan japan kunware kami wahahahhahah namimiss ko na ng bonggang bongga si emperor booh T_______T
isang napakatangang pangyayari kahapon..

nagkita kami ni eki at geib dahil wala naman akong klase tuwing tuesday. at laging maaga matapos yung klase nila. si booh kasi mga 5pm pa yung uwi kaya hindi namin siya madalas makasama. dinaanan ko muna si eki sa UE tapos dumiretso kami sa grand para magpaprint ng pictures sa tronix. pagkatapos nun, pupunta na kami sa sm san lazaro para sunduin si geib galing UST.

habang hinihintay ko si eki sa pagpapaprint, nakakita ako ng free charging station :D so chinarge ko muna si asmo (short for asmodeus , name ng cellphone ko :D) dahil konti na lang rin yung battery. pagkatapos magpaprint ni eki, pumunta na kami sa sm san lazaro. then naghintay kami sa mcdo dahil wala pa naman si geib.

nung hinahanap ko na si asmo, hindi ko siya makita sa bag ko :3 nung una hindi pa ako nagwoworry dahil kadalasan naman namimisplace ko yung phone ko. pero nung tinanggal ko na lahat ng laman ng bag ko at hindi ko pa rin makita, dun ko lang naalala na naiwan ko pala yun sa grand!! tangina.

hindi na ko mapakali nun! siguro talagang hopeless na ko marecover si asmo. pero naalala ko na merong tronix dun sa san lazaro, sa tapat ng world of fun~ dun kasi dati nagpapaprint dati si jek :D iniwanan ko muna si eki sa mcdo tapos pumunta ako sa tronix sa 4th floor. nagbakasakali ako na baka pwede nilang contactin yung ibang tronix branch.

buti na lang.. buti na lang talaga!! ahahahahah narecover pa nila T_______T naiiyak iyak pa nga ako nung nalaman kong nandun pa e hahahahah nakakahiya. pero nakakatuwa :D thank you tronix! ♥

8/1/10

finally, we're back to normal :D kulang lang pala talaga sa pagkikita ahahahahah masyado lang namin namiss ang isa't isa XDDD bwahhaha biaaatch ♥
ayun.. nagphoto booth kami kanina :D at masyado na ako naaadik sa mga gantong bagay~ kaso magastos masyado T____T

anyway, gustong gusto ko talaga tong pic na to :D i don't know why~