7/18/10

WARNING PAPA JEP!
mahaba tong post na to.
yes! really! very very!
pero kailangan mo to basahin.
read this or die.

nagtatampo ako sayo sa lahat ng bagay na hindi ko nagustuhan at sa mga away na lumipas nang hindi natin napaguusapan.

alam ko naman na ready ka lagi na pagusapan yung mga problema natin. kaya lang ako hindi e. ayoko talagang pinaguusapan yung problema natin agad agad. ayoko yung magtatalo tayo tapos pag medyo lumalala na, parang magbabago yung ihip ng hangin, bigla ka magpapakababa at makikipagayos. tapos makakarinig ako ng sumbat na ikaw lagi tong umiitindi sakin at nagpapakababa. alam mo kasi, mahirap rin yung sitwasyon na may nagsosorry sayo. you're making the person feel bad when you keep on saying sorry. so ako, kapag nakakarinig ako ng sorry mo right after ng argument natin, i feel bad too. ambigat sa pakiramdam na may taong humihingi ng tawad sayo. hindi ko alam kung paano kita papatawarin dahil wala ka naman nagawa totally. walang paghuhugutan ng pagpapatawad :3

gusto ko lagi, kapag nagkaron tayo ng away, may konting oras tayo para magisip isip. pero kahit paano, mali rin yung paraan ko e. pagkatapos natin magaway, hindi ako magpaparamdam ng ilang oras o araw, hanggang sa makalimutan na yung problema, hanggang sa bumalik na sa normal, hanggang sa hindi na natin napagusapan ulit. kaya tuloy hindi nawawala yung impact nung away natin. minsan kasi talagang nagpapakaplastik na rin ako kapag nakikipagbati ako sayo. tinatry ko na lang na magpretend na parang hindi tayo nagaway para lang makalimutan na yung problema natin. mas pinipili kong itago sa sarili ko yung mga hinanakit ko sayo just for the sake of saving our relationship.

pero hindi naman yan yung pinakadahilan kung bakit ako nagblog tungkol sayo ngayon. ang totoong dahilan e yung pinagusapan natin kanina sa text. kaninang tanghali sinabihan kita na nagplaplano kami ng swimming with college friends. inaaya nga kita e diba? kaya lang hindi kita makausap ng maayos dahil may klase na kami nun at hirap na hirap ako magtext habang nasa chemistry class. hindi ko tuloy maconfirm sayo kung magkikita ba tayo maya maya o hindi. then maaga kami nadismiss. mga 3:30 pm lang siguro. dumiretso kami sa sm valenzuela. mga 12 ata kaming lahat nun. kumain lang kami, nagPIU ako, nagpaprint ng shirt si jayjay. hindi namin namalayan yung oras. nung bandang 6 pm, umuulan na pala ng malakas. habang nasa byahe ako, tinext kita na tatawag ako sayo pagdating ko sa bahay. ieexplain ko sana sayo kung bakit hindi tayo nakapagkita at kung bakit nalate ako ng uwi. kaso nung nagreply ka kung bakit ngayon pa lang ako uuwi, nawalan ako ng load. nakitext ako kay dan, kaso hindi ka nagreply. tapos nung pagdating ko sa bahay mga quarter to 8, sabi mo naman wala ka sa bahay kaya wag na ako tumawag. at hindi ka rin unli kaya hindi mo ko matetext. medyo nalungkot na ko nun. pero hindi ko rin sinabi yun sayo dahil pointless naman kung pipilitin ko pa na umuwi ka para makausap kita. sabi ko matutulog na ako, pero hindi ako nakatulog. hinintay ko na lang na makauwi ka kahit hindi ka nagtetext nun. gustong gusto kasi kita makausap dahil magoopen sana ako sayo ng problema ko tungkol kila rheca at geib. at ishashare ko sana sayo yung details ng swimming. kaya lang pagdating mo sa bahay, may gumagamit ng phone niyo kaya naghanap na lang ako ng ibang mapagsasabihan ng problema.

then nakatulog ako... 11 pm nagising ako, may mga texts ka. sabi mo hindi ka na sasama sa swimming dahil sunday ka lang free at nahihiya ka rin sa kanila. dun ako medyo nainis. kasi sa pananalita mo, parang hindi ka nagpapakita ng interes sa pagaaya ko sayo. okay let's say hindi ganun yung punto mo, pero sana sinabi mo yun sa paraan na mas mafifeel ko na interesado ka talaga sumama. kasi ako talaga gusto kitang isama. gusto ko makilala mo yung mga kaklase ko at malaman mo kung anong mga klase ng tao yung nakakasama ko madalas. para naman aware ka sa mga kaibigan ko sa college at hindi ka masyado magworry kapag sinabi kong kasama ko sila. pero hindi e, talagang hindi kita nakikitaan ng interest sa kanila. i mean, parang wala kang gana makilala sila. ako todo effort na makilala ka nila, kinekwento kita sa kanila kahit hindi naman talaga ako palakwento. confident ako na magkwento. gusto ko kasi malaman nila na may commitment na ako. para maiwasan yung tuksuhan or issuehan. kaya lang lagi mo sinasabi nahihiya ka. (eto in general ha!!) tang ina walang mangyayari kung lagi ka mahihiya. kilala ka na nila e, dapat ikaw naman tong magpakilala o kumilala sa kanila. if you're not going to do the first move, then who else will do?! hindi naman pwedeng silang lahat itretreat ka na parang hari at sila dapat yung kumausap sayo lagi. give and take lang yan. vice versa.

that's not the first time actually. nangyari na rin to dati. kila rheca at geib naman. pag tinatanong ko sila kung pwede ba kita isama sa mga lakad namin, payag lagi sila. pag sinabi kong medyo nahihiya ka dahil baka maout of place ka, sinasabi nila e dati nga nakakagala tayo ng magkakasama. pero bakit ganun? kapag ikaw yung inaaya ko, tumatanggi ka lagi. sasabihin mo lakad namin yun? e kung personal na lakad naman talaga namin yun, hindi ako mageeffort na ayain ka e! sinasabi mo pa hindi ka makakarelate? at baka pag nagjoke ka maoffend sila? hindi mo naman kailangan na maging jokestar pag kaharap mo sila. as long as magkakasama na walang naoout of place, kontento na ko dun. nung time na umaalis alis kami na kasama ka, hindi pa ba sapat yun para mafeel mong close kayo?! at tsaka hindi ko naman hahayaan na maout of place ka dun!! kahit sila yung pinakamahahalagang kaibigan ko sa buong mundo, ikaw pa rin yung nangunguna para sakin dahil ikaw yung boyfriend ko. lagi kasing nakatatak sa isip mo na baka ma-OP ka. ewan ko rin sayo kung bakit.

kahit paano, mali rin ako. dahil masyado kitang finoforce na kilalanin yung mga kaibigan ko. medyo marami rin akong malalapit na kaibigan, pero hindi ko naman pinipilit na kilalanin mo silang lahat. sinusubukan ko lang naman na makilala mo kahit yung bestfriends ko lang o yung mga college friends ko. kasi sa ngayon, malaki yung part nila sa pang araw araw na buhay ko. sana kahit step by step, makilala mo sila. dahil gusto ko malaman mo na hindi sila yung tipo ng tao na iinom lang dahil gusto nila makatikim ng lasa ng alak. kung alam mo lang, naaalala ko yung charism nung naginuman kami. mas nageenjoy tayo sa bonding kesa sa mismong inuman. ang kaibahan lang, mas mageenjoy ako kung charism ang kasama ko. kayo pa rin syempre yung original, walang makakapantay! pero hindi naman natin maiiwasan na magkaron ng mga bagong kakilala ta kaibigan. kaya sana subukan rin natin na makibagay sa ibang tao. ayoko din kasi yung parang sating dalawa lang umiikot yung mundo natin. gusto ko magkaron ng masayang love life and at the same time masayang social life. at gusto ko parte ka nung dalawang yun: love & social. gusto ko nashashare ko sayo yung mga bagay na meron ako. at gusto ko ganun ka rin sakin. pero hindi na ako mageexpect or magdedemand! desisyon mo na lang yun.

kanina umiiyak ako habang nagbloblog. lalo na nung habang tinetext kita. buti nalang ngayon medyo maluwag na pakiramdam ko. wag ka magalala, love pa rin kita.

pakiramdam ko hanggang ngayon, hindi ka pa rin fully comfortable sakin. alam mo yun? parang may tinatago pa rin o medyo nahihiya pa rin. minsan nga dumedepende ka pa rin sa desisyon ko. yun bang hindi ka makabuo ng sarili mong desisyon. hindi mo naman kailangan intindihin lagi kung ano yung mas gusto ko. dapat sundin mo rin kung ano yung gusto mo. pangit sa lalakeng partner yung walang kusa, walang effort at walang paninindigan. lalake kayo, kaya dapat marunong kayo humandle ng relationship. kung ako lalake, hindi ko hahayaan na dedepende ako lagi sa kung anong gusto ng girlfriend ko. para kasing under ang dating nun. kayo tong lalake, kaya dapat kayo tong mas dominating. kung sa simpleng desisyon pa lang hindi mo na kaya panindihan, what more sa serious situations na? aasa ka pa rin ba sa desisyon nung girlfriend mo? like what i've said a while ago, if you're not going to do the first move, then who else will do? kung may ginawa ka namang desisyon na hindi ko nagustuhan, sasabihin ko naman yun sayo e. kailangan lang talaga magkaron ng pagkukusa. yung decisions na sinasabi ko, e yung kapag gusto mo ko makita, kapag gusto mo ko kausapin, kapag gusto mo ko ayain umalis, kapag may gusto kang gawin. para kasing hinihintay mo lagi ako na magdecide bago ka magdecide para sa sarili mo.

eto pa pala. naiinis ako kapag naguusap tayo tapos inaassume mo na busy ako. sobrang hindi ko magets yun. bawal ba na may gawin ako na iba kapag kausap kita? kasi example, magkachat tayo sa ym, tapos nagbabasa ako ng blogs. e nagrereply naman ako sayo kahit medyo nalalate, tapos pag tinanong mo ako kung ano ginagawa ko, tapos pag sinabi ko na yung ginagawa ko, though hindi naman talaga ako busy, sasabihin mo "sige gawin mo muna yan, maglalaro nalang muna ako" or "may gagawin nalang rin muna ako" ganyan ganyan~ sorry ha, pero hindi ko talaga maintindihan. kulang ba yung attention na binibigay ko sayo? pag magkausap ba tayo bawal na ba ako gumawa ng ibang bagay o makipagusap sa friends ko? as much as possible naman binibigay ko naman sayo yung oras ko e. kung pwede nga lang na hindi na ako matulog para makausap ka o makasama ka gagawin ko e. pero hindi pwede yun. kung kulang pa yung attention na binibigay ko sayo, sabihin mo lang. pero dati na naman yan e, buti nga hindi mo na nagagawa madalas ngayon. naalala ko lang bigla talaga. naiipon kasi yung mga tampo ko sayo since nafeel kong serious na ako sayo.

i really hate it when we fight. because we fight about the tiniest stuff na hndi naman dapat pinagaawayan. lahat man to maliliit na bagay lang, pag pinagsama sama malaki na rin. naipon lang talaga lahat ng hinanakit ko, pero keri pa naman kapag napagusapan ng maayos to. buti na nga lang wala tayo masyadong selos issues e. and i really love you for that! sana talaga totoo na may tiwala ka sakin! dahil never ko naman talaga gagawin na magcheat sayo! mahal na mahal kaya kita~ although kanina... medyo naiisip ko, what if hiwalayan na kita? 30% talaga nafifeel ko gusto ko na sumuko. at 70% gusto ko imaintain tong relasyon natin because of our promise. and also because i love you. pero wag ka pa rin masyadong panatag. 30% isn't too small. almost a half na rin yon. wag mo rin hintayin na dahil na lang sa promise natin kaya ako naghohold on. hindi rin naman ako nananakot ahahahah basta let's try to be stable na lang.

pagpasensyahan mo na kung dito ko lang nasabi sayo, hindi ko kasi alam kung kaya ko ba sabihin lahat sa harap mo, o kaya ba kitang harapin ngayon. kaya nga prinivate ko muna tong blog ko kasi hindi ko talaga kaya sabihin sayo ng diretso. ganto ako kaduwag pagdating sayo e. hindi ko rin alam kung bakit. kahit sino kaya ko labanan pero pag sayo na, hindi ko talaga kaya. ewan ko kung epekto ba to nung napagdesisyunan kong magbago para sayo. triny ko babaan yung pride ko, kaya nga kahit gusto ko magtaas ng pride ngayon hindi ko na magawa. triny ko na maging possessive (but not obsessive) girlfriend para mapakita sayo na may takot ako na mawala ka sakin. sa paraan na yon, maproprove ko sayo na nagbago na talaga ako for the better! at mahal na mahal na kita more than ever! i also tried to be comfortable with you, to the point that i'm already willing to give you anything! (i didn't say everything! there's a difference between ANYTHING and EVERYTHING :D) pero ayoko dumating yung sitwasyon na "im recieving less or im giving more" pero hindi ako nanunumbat ha! i just want you to do your part. give and take lang.

alam ko maibabalik pa rin natin to sa dati. ayusin natin to.

papa jep,
i love you so much right now
and i'm going to love you more and more as time pass by...
until my very last breath!
sana hindi ka magalit sa mga sinabi ko.
you know i love you.
i'm just helping to fix the mess we made.
and i hope you'll also do the same thing.
i love you, i love you, i love you! ♥
peace na haaaa? :D
kita tayo mamaya! dota tayo! hindi na ko magtututor!
bahala na siya magdasal para makapasa sa prelims XD
nga pala, hindi ko pa nasasabi sayo ngayong araw...
na highest ako sa chem nung july 15, 2010 :D
sana hindi ka magsawa sa pagreremind ko sayo nun :D
i love you ulit! pakiss?