7/24/10

okay, masyado ako nasisiyahan sa pagpopost.. and i forgot to say that.. eki's (rheca's) dad is at the hospital right now. tumawag si eki sakin kanina umiiyak.. diabetic kasi yung tatay niya at nagkaron ng sugat sa paa. so there's a possibility na putulan siya ng paa.

sabi pa nga niya, ang hirap daw pala pag sobrang saya. kasi bigla bigla ka na lang magiging malungkot afterwards. naalala ko tuloy yung laging sinasabi ni jep. pag masaya ka daw ng todo todo, maya maya malungkot ka na. kanina ganun rin pinaniniwalaan ni eki e. masyado daw kami nageenjoy, hindi niya namamalayan na ganun na pala nangyari sa tatay niya. nalulungkot ako para kay eki. pero wala naman kinalaman yung pagsasaya namin kanina. aksidente yung nangyari. walang nageexpect ng ganun. hindi niya kasalanan kung masyado siya nagpakasaya kanina.

maybe sometimes or most of the time, they encounter incidents like that.. but it doesn't mean na totoo na yun. walang scientific explanation dun sa "kapag masaya ka ngayon, malungkot ka na mamaya" so i don't believe in it. everything happens for a reason. and nobody can predict what might happen later, tomorrow or the day after tomorrow.

basta, please pray for eki's father. he needs it right now.