7/1/10

ohh, july na pala ngayon :D napansin ko lang nung napublish yung post ko kanina.

anyway, nandito ako ngayon sa computer shop sa tapat ng college of medicine building. nakakainis kasi yung teacher namin sa psychology. excited na excited pa naman ako pumasok kasi nakauniform na ako. tapos yun pala wala siya! leche -_______- sayang ang excitement!

eto yung ayaw ko sa college e. pag wala kang prof sa morning subjects tapos mahaba pa yung vacant mo, nakakatamad na pumasok sa afternoon class! unlike sa highschool, kahit buong araw kang nasa loob ng campus, masaya pa rin kasi nandun yung mga kaibigan mo. pero sa college, mahirap pag wala kang permanent barkada. take note, barkada! kasi kung mahirap humanap ng barkada, mas mahirap naman humanap ng totoong friend. tulad ko :D ahahhah every other day iba iba kasama ko. irregular pa naman yung schedule ko! tsk tsk.

minsan nga nakakainggit yung mga nakikita kong kabatch ko nung highschool. karamihan kasi sa kanila block section. kaya nakahanap na sila ng matitinong friends. e ako, irregular na nga, free section pa! napakasalimuot ng college life ko haaaay. kasalanan ko rin naman kasi late ako nagenroll. e bakit late ako nagenroll? e kasi nga may nagawa akong kagaguhan. anong kagaguhan? sikret :D

minsan nga naiisip ko gusto na lang pumunta sa states. gusto ko magsimula ulit. pero pag nakikita ko si jep, ramen + at yung charism, parang ayoko naman umalis T______T ang labo.