7/23/10

nung march 28, 2010 pa huling nagkita kita ng kompleto yung ramen +.. and that was our graduation day! now, july 23, 2010 nakompleto na ulit kami.. sa wakas! :D

pakiramdam ko kanina wala ng mas sasaya pa sa tawanan at kwentuhan namin kanina. kung makikita niyo lang yung scenario kanina, halos hindi na kami magkaintindihan at magkarinigan sa sobrang ingay namin. sabay sabay nagsasalita, pero hindi yun intentional ah! ewan ko rin bat kami nagkakasabay sabay magkwento! talagang nacacarried away lang kami kapag nagkwekwentuhan.

tapos pag may napagusapan kami na nakakatawa kahit napaka nonsense naman, ay nako!! kulang na lang magcollapse kaming lahat sa kakatawa. lalo na ako!! feeling ko nga magkakasakit ako kanina. yung tipong isusuka ko na yung lamang loob ko sa sobrang tawa ko~ basta hindi ko na maalala yung mga tinatawanan namin kanina e. kasi nonsense naman talaga yun. kahit nga hindi naman talaga nakakatawa, natatawa pa rin ako. at pag natawa ako, tatawa rin si booh. at pag nagjoined force na yung tawa namin ni booh, for sure mahahawa si rheca. kaya tatawa na rin siya ng may halong pacute. then biglang maiirita si geib sa tawa ni rheca. maiinis siya hanggang sa matawa na lang din siya sa tawa ni rheca. see? we're so pointless ahahah! wala kang makikitang matinong bagay~ ganun kami kababaw pag magkakasama :D at minsan mas matindi pa! wahahahahahah

masyado naman siguro akong madrama kung sasabihin kong.. parang ayoko na tumigil yung oras kanina habang magkakasama kami :D pero siguro mga one hour lang kami nagkasama sama kanina, kaya lang talagang kulang na kulang pa yun para makapagshare kami ng kanya kanyang kwento. we didn't plan to meet on this day. we didn't get to prepare. we don't even have a camera!! which means.. WALA KAMING PICTURE T________T dala ko naman si asmo kaya lang naubusan ng battery kakapicture namin nung nagfeefeeling pajama party kami ni rheca nung hapon ahahahahahah pero hindi ko pa rin nauupload until now dahil ayaw gumana ni hef T____T

anyway, nung pauwi na kami, sabi nung mommy ni geib, bumalik raw kami next time~ kasi daw nalulungkot si geib pag magisa lang ;p ahahah i don't know if it's true o nagjojoke lang yung mommy niya pero.. kahit medyo nagseselos ako sa tumblr friends ni geib, nakakatuwa naman yung sinabi nung mommy niya bwahahahahah

sa tuesday pala nagbabalak kami magkita kita ulit XD sa bahay naman ni booh. yun na lang yung hindi nila napupuntahan e :D i just wish na matuloy!