7/25/10

nagswimming kami kahapon ng mga classmate ko sa chemistry. at sobrang nagenjoy ako! ang saya saya nila kasama :D malapit lang yung pinagswimmingan namin~ apartment kasi yun na nirerent nila dona, tapos resort din. malaki yung pool (hindi kita sa picture yung nasa kabilang part ng pool). malinis naman yung view. sakto lang :Dsan ka makakakita ng section na right after prelims nagswimming agad?! hindi pa nga namin nakikita results ng exam namin nagcecelebrate na agad ahahahaha at isang linggo lang namin yun plinano! tapos natuloy pa! partida tagulan pa ngayon! ahahahahah pero konti lang kami. hindi kasi sumama yung iba T___T hmm.. ako, prince, daniel, jahh, jhona, jaye, dona, jen at ken. kami kami lang. pero konti lang naman talaga kami sa klase namin. less than 15 lang kami :D ang mga hindi sumama.. si jayjay, angel, lhen, jerickson at joseph. see? 14 lang pala kami! kaya nga lahat kami close close na!

most of them are 18 years old + na~ kaya matino na magisip! at wala ring plastik! pambata yung plastikan e :D yung iba kong kakilala, nababalitaan ko na nasa block section sila at karamihan sa kanila magkaka-age, kaya sila sila na rin nagkakaplastikan! parang highschool lang rin! tsk tsk. pero section samin.. wala pa naman kong nakikitang kaplastikan :D lahat sila humble at madali pakisamahan! ganda ng chemistry e ahahah :D

nagkaron kami ng hot seat portion~ ang rule, dapat below the belt yung questions! grabe! ang daming revelations na nabulgar! ahahahah pero masaya pa rin! parang mas nakilala namin yung isa't isa. at kahit may mga negative things kami na nalaman sa iba, parang hindi yun naging dahilan para magjudge na lang basta basta. matured na sila magisip! and i like it! dahil kahit puro kabalbalan yung pinaguusapan namin, walang halong malisya! we're all medical students, you know ;p bwahahahah

may natutunan pala ako kay jaye!! boracay!! :D akala ko nung una yung island e! ahahah pero nomo pala yun~ bocaray mix! pinaghalo halong alak, condensed milk, 3 in 1 coffee, brown sugar at tubig! parang cappuccino ang lasa. pero may konting tama pa rin! gran matador kasi yung ginamit namin e kaya hindi ko type yung lasa. pero okay naman. kung GSM blue daw hinalo namin mas masarap. pero hindi ako uminom! ako lang unang tumikim dahil ako ang pumilit kay jaye na gumawa nun kahit kulang yung budget niya! hahahah pero isang shot lang talaga ako dahil may deal kami ni jep na hindi ako iinom kapag wala siya :D

nagbabalak ulit sila after midterms daw! overnight! wahahahhah pero that time isasama ko na si papa jep ♥ payag naman yung classmates ko e :D
at eto pa pala!! ahahahahah inikot namin yung buong paligid nung pool~ nakakapit lang kami sa gilid! e ang laki pa naman nun!! ahahahaha umabot kami sa 6ft pucha nakakapagod ahahahah pero ang saya! tawa ako ng tawa! ahahah ewan ko rin kung bakit XD pag naaalala ko nga ngayon natatawa pa rin ako e! parang gagu kasi sila jaye at prince sumisigaw nyahahahahah babaw ko nanaman syet.

basta ang saya kahapon. yun lang :D sana maulit pa~