7/7/10

nagsisimula ko ng maappreciate ang college life ^________^

natural lang pala talaga na makaexperience ng matinding pressure sa simula~ pero pag nasanay ka na at nagkaron ka na ng mga kakilala, nagiging masaya na rin :D

so far, hindi pa naman ganun karami yung friends ko dahil hindi ako block section. pero may mga kakilala na ako sa bawat subject ko :D hmm tatlo lang yung palagi kong kasama sa lahat ng mga subject ko at puro lalake sila! pero buti na nga lang kahit puro lalake sila, matitino naman :D minsan may nakakasama rin kaming babae, pero minsan lang.. kasi sa logic lang namin siya kaklase~

sa ngayon hindi pa rin maayos yung schedule ko. kaya paiba iba pa rin ako ng friends. kainis nga e, malapit na magprelims hindi pa rin ako nakakaattend sa ibang subjects ko. napakagulo maging free section T_______T excited na nga kami magsecond semester para sabay sabay kami mageenroll tapos isasama na kami sa block section :D

medyo hirap pa rin ako makijoin sa mga trip nung lalakeng nakakasama ko madalas. syempre hindi pa kami ganun kaclose. pero kahit paano, nagagawa na nila akong mapatawa ng bongga XD owuu napakagulo rin nila ahahahahah kaya nga nageenjoy rin ako na kasama sila :D at tsaka buti na lang hindi sila naiilang na ako lang yung babaeng kasama nila~ sabagay little sister naman yung tingin nila saken bwahahahah nakakatuwa din kasi parang may mga kuya na rin ako :D